RINGGGG!!! RINGGG!!! RINGGG!
Bulabog! Anu ba yun?! Kinapa ko yung tumutunog sa sidetable ko. Alarm clock ko. Pinatay ko na to kanina ah, bakit tumunog na naman? Tiningnan ko yung oras. 7 o'clock na!!! Today is monday and I'm so super late! Nagmadali akong bumangon, nilabas yung uniform ko sa closet, dumirecho ng banyo at naligo. I only need 10minutes to take a bath. After 10mins I'm done. 5mins to eat my breakfast. Pwede rin sigurong wag na akong mag almusal, kaso, pag nalaman ni Mama na di ko ginalaw yung pagkain ko, pagagalitan ako nun. After kong ayusin yung gamit ko at ayusin ang sarili ko, lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Dumirecho ako sa kusina.
"Ma! Kuya!" tawag ko. Walang sumasagot.
Kukuha ako ng inumin sa ref ng makita ko yung note ni Mama.
(EAT BREAKFAST BEFORE GOING TO SCHOOL. NASA DRAWER SA CONSUL YUNG ALLOWANCE MO FOR THIS WEEK. MAMA.)
Bumalik ako sa mesa, ininom yung medyo maligamgam kong milo. Siguro kanina pa tinimpla ni Mama to bago sila umalis ni Kuya. Kumagat ako ng isang tasty bread habang binnubuklat yung isang notebook ko. Baka kasi may nakalimutan 4th monthly test pa man din namin ngayon. Sinarado ko ulit yung notebook ko. Nagbalot na lang ako sa plastic ng sandwich. At sinuksok sa bag ko. Nagmadali na akong umalis. Kinuha ko yung duplicate na susi sa keyholder ng pinto.
SCHOOL 7:40AM
Pagpasok ko ng room, magkasunod lang kami ng adviser ko. Pag upo ko sa upuan, saktong pasok nya.
"Good Morning Class!"
"Good Morning Ms. Katakutan!" nagtayuan kami lahat at umupo na rin after namin syang batiin.
"Fourth monthly test na to guyz, isang major exam na lang gagraduate na kayo. Is there anyone beside you na absent ngayon?" tanong ni Ms. Katakutan.
"Wala po Maam," sabi ng isang klasmeyt ko na taga check ng attendance namin.
"I have a good news and bad news to you guys... Which one do you want me to say first?" tanibg ni Maam.
"Good news!" sabi ng klasmeyt kong lalaki.
"Maam badnews na lang, para happy na later..." sabi ng muse namin. Katabi ko, sino pa ba eh di si Claire...
"Okay sige, badnews muna... The badnews is... Wala tayong Prom this year... Masyadong busy ang Org. sa charity because of the typhoon last month..."
"Ay..." sabi ng iba kong klasmeyt.
"Bad nga... Sad pa... Di tayo makakatikim ng Prom...!" sabi ni Justine yung Class President namin.
"Maam, pwede mag request?" sabi ni Roy. Nilingon ko sya, napatingin sya sa akin, ngumiti. Nginitian ko din sya ng ngiti at binalik na yung atensyon ko sa teacher namin.
"Yes, Mr. Balintos?"
"Maam, pwede pa pi ba mag pa transfer ngayon sa ibang school?" tanong nya.
"Bakit naman? Ilang buwan na lang gagagraduate na kayo..." sabi ni Ms. Katakutan.
"Para po makapag Prom sa ibang school..." nakangiting sabi nya.
Naghiyawan naman yung mga kakalase naming iba, sinakyan yung sinabi ni Roy...
Nagsisigawan pa yung iba ng "TRANSFER! TRANSFER! TRANSFER!"
Inaawat naman sa ni Ms. Katakutan. Pinupukpom nya yung desk nya para tumahimik yung mga klasmeyt ko. Nilingon ko si Roy, minsan may mga kalokohan din sya pero hindi naman offensive o wild. Nakangiti sya sa akin, dinilaan ko lang sya.
"Quiet class!" saway ni Ms. Katakutan.
"Ayaw nyo ba marinig yung good news ko?! tanong ni Maam.
BINABASA MO ANG
why were not meant to be
Novela JuvenilMinsan, may mga bagay na akala natin ay para sa atin o kaya gusto natin na maging sa atin. But were just go with the flow of our lives. What if soulmate meets destiny? Which one do you pick? enjoy reading! =)