Nagpunta kami ni Roy sa Mcdo. Sabi nya dun na lang daw para walking distance sa Subd. namin. Maraming tao sa fastfood kaya yung nakuha naming bakante eh magkatabi na chair... Pinaupo nya na ako, tapos sya na daw oorder.
"Anung gusto mong orderin ko?"sabi nya.
"Kaw na bahala... Kahit ano..."sabi ko.
"Ok... Ako di mo tatanungin kung anong gusto ko?" sabi nya.
"Alam ko na yan... Sasabihin mo ako ang gusto mo, diba?" natatawang sabi ko sa kanya.
"Ha? Sorry pretty girl, gutom ako kaya ang gusto ko, BigMac."natatawa nya ring sabi sa akin at umalis na para umorder..
Pahiya ako dun... Actually, ayokong sakyan yung mga pasakalye nya sa akin, kasi feeling ko, matatangay ako. He knows how to make me smile and laugh without any effort. Masaya rin naman ako pag kasama ko sya... What if i take his offer, tungkol sa panliligaw sa akin. Pero syempre, kung papayag ako, that means may pag asa sya na sagutin ko. Ayoko naman na pumayag akong magpaligaw tapos di ko naman sya sasagutin... Hindi naman ako kamag-anak ni Ms. Paasa. Pero kung iisipin kong si Roy ang magiging first boyfriend ko? Wala naman siguro akong makikitang problema dun. Pero wag na muna, set aside ko muna lovelife ko, saka na pag graduate na ako.
Maya-maya, dumating n si Roy. At ang dami nyang bitbit! Mauubos ba namin yun?
"Nainip ka ba?" tanong nya, habang inaayos yung pagkain at umupo sa tabi ko.
"Hindi naman masyado, ang bilis mo pa nga eh, sa dami nitong dala mo..."sabi ko sa kanya habang nakatingin sa pagkain sa harap ko.
Dalawang BigMac, upgraded by 2 large coke, 2 large fries, and 2 choco sundae.
"Ayoko lang na nagugutuman ka... Pagnagkasakit ka, mawawalan ako ng inspirasyon..." sabi nya habang sinasawsaw sa sundae yung fries nya.
"Bakit dyan mu sinasawsaw? Masarap ba yan? Eto ketchup oh..." pasa ko ng ketchup sa kanya.
"Hindi mu pa ba 'to nattry?"tanong nya. Umiling ako.
"Tikman mo, masarap to..."kumuha sya ng isang mahabang fries, sinawsaw sa sundae nya at tinutok sa bunganga ko. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Just give it a try..." sabi nya.
Nakita kong may nakatingin na bata sa amin, kaya sinubo ko na agad yung fries dahil nahihiya ako. Malamig at mainit. Yun yung una kong naramdaman pagkain ko.
"Ano? Masarap di ba?" sabi nya. Tumango naman ako.
"Okay, isa pa!" sabi nya at sasawsaw ulit ng fries sa sundae nya ng bigla ko syang inawat.
"Ok na, tama na, meron naman ako o... Ikaw, mapagsamantala ka."biro ko sa kanya.
"Ako? hindi ah, ikaw na nga inaalok, ikaw pa malisyosa..."umismid sya sa akin.
Natatawa naman ako sa ginawa nya. Pinaharap ko sya sa akin.
"Oy! Anu ka ba?! Joke lang yun, tampururutin ka naman..."
Humarap sya sa akin ng nakatawa.
"I know... Siguro... Nagkakagusto ka na sa akin noh?" tukso nya.
"Hindi noh... Are we even dating?"
"No... This is not my ideal place to date you... Pumayag ka lang na ligawan kita, dadalhin kita sa lugar na mas maganda..."
"Tumigil ka nga... Kumain na tayo!" sabi ko.
Tumawa naman sya. Tumawa na rin ako.
After naming kumain, sabi nya hahatid nya daw ako sa bahay.
BINABASA MO ANG
why were not meant to be
Novela JuvenilMinsan, may mga bagay na akala natin ay para sa atin o kaya gusto natin na maging sa atin. But were just go with the flow of our lives. What if soulmate meets destiny? Which one do you pick? enjoy reading! =)