After 15mins natapos na ako sa pag aayos ng gamit ko.
On the way na kami ng Mayrics. Si Kuya na naghatid saken. Kasama ko si Roy, kase sabi nya gusto nya daw manuod ng gig namen. Sabi ko nga wag na, kasi baka maingayan lang sya dahil alam kong di sya mahilig sa ganung environment. Eh mapilit xa.
"Kasama nyo ba si Franz?"tanong ni Kuya habang naka tingin saken sa rearview mirror.
Magkatabi kami ni Roy sa backseat.
"Ah, di ko alam..."sagot ko. Sakto namang nagring ung cellphone ko.
Akala ko si Franz na...
"Hello...?"
("San ka na? Wala pa rin si Neil... Tinext ko na si Franz... On the way na sya...")
Si Kuya Aldrin...
"Ah... On the way na rin Kuya... Hinatid na ako ni Kuya Anjo..."
("Ok sige... Kita kits na lang... Ingat kayo...---")
"Jan na ba---"
Ayun, naputol na... Suki talaga ng dropcall yun...
"Sino yun?" tanung ni Kuya.
"Si Kuya Aldrin... Nagtatanong kung nasan na daw ako..."
"Sinabi mo hahatid kita?"
"Yup..."sagot ko.
Wala nanaman pala si Neil. Anu bang nangyari sa mokong na yun... At si Franz... Makakasama ko nanaman sya...
"Mukhang tulog na si Roy ah..."sabi ni Kuya.
Natawa naman ako sa sinabi ni Kuya.
"Hindi po Kuya..."sagot ni Roy. Tumingin naman sya saken. Napangiti naman ako.
"Alam mo Roy, kung manliligaw ka dyan sa utol ko at maging kayo, mahihirapan ka sa schedule nyan..."natatawang sabi ni Kuya...
"Kuya naman!" sita ko.
"Ok lang po Kuya... Sa school naman lagi kaming magkasama eh... Sapat na po yun..."sabi naman ni Roy.
"Anung sabi mo?!"
Natawa ako sa reaksyon ni Kuya. Natawa rin naman si Roy.
"Wala po..." naka ngisi si Roy na naka tingin saken. Nagpipigil naman akong matawa.
"Hoy... wag ka masyadong didikit sa kapatid ko... Mag aral muna kayo... Hindi lovelife pinag aaralan nyo..." sabi ni Kuya.
Natawa naman si Roy.
"Kuya!!!" nasabunutan ko tuloy sya sa walang kontrol nyang pagsasalita.
"Aray ha! Bakit totoo ba?!" sagot nya.
Tawa naman ng tawa si Roy.
"Isa ka pa! Nakakatawa ka pa ha..."sabi ko kay Roy habang nasa buhok pa rin ni Kuya ung dalawang kamay ko.
"Bitaw na! Baka mabangga tayo! Hahaha"sabi ni Kuya.
"Kuya, kung ganyan po palang sadista kapatid mo, eh baka iurong ko na yung panliligaw... Hahaha..." sabi ni Roy.
"Ampft! Ako sadista?!" akmang dadambahin ko na sana ng palo si Roy kaso naiharang nya agad ung mga braso nya.
"Hahaha, sige tigre lang... Hindi obvious..."sabi nya na patuloy pa rin sa pag tawa.
Ako naman, humalukipkip na lang sa kinauupuan ko dahil alam kong maaasar lang ako sa kanila...
SA MAYRICS...
"Drop ko muna kayo dito, hanap na lang ako parkingan dun sa kabilang kanto no parking ata dito eh..."sabi ni Kuya.
"Ok Kuya... Thank you..."
Bababa na sana ako ng kotse ng maunang bumaba si Roy.
"Bah, nagmamadali, iniwan ka oh..."sabi ni Kuya.
"Kuya talaga..."
Hindi naman pala, umikot si Roy para pagbuksan ako.
"Ay, gentledog este man naman pala oh..." sabi pa ni Kuya.
"Ingay mo Kuya!" sita ko.
Bumaba na ko ng kotse ni Kuya. Lumarga na si Kuya para mag park. Papasok na kami sa loob ng bar.
"Sipsip ka huh..."sabi ko kay Roy.
"Hindi ah, I always do that..."
"Ganun... Ung sumipsip? Pero thank you..."sabi ko sabay ngiti.
"Akin na yang gitara mo... Ako na magdadala..."sabi nya.
"Ako na... I always do this..."sabi ko.
"O sige, uuwi na ako..."sabi nya sabay talikod.
"Anu?!"nagulat kong tanung.
"Eh anu pang gagawin ko dito kung ayaw mong magpatulong?" naka ngising sabi nya.
"Sira ka talaga..."sabi ko.
"Bigay mu na kase... Gustong maging alalay eh..."si Kuya.
Lumingon ako. Naka pag park na pala si Kuya.
Binigay ko naman kay Roy yung gitara ko.
"Wag mung ibabagsak yan ha... Mahal pa yan sa buhay mo..."sabi ko.
"Seryoso? Anu to ginto?!"sabi nya na gusto pang sipatin ung gitara ko.
"Hahaha, joke syempre, pero buhay ko yan..."natatawang sabi ko.
"Sana pala naging gitara na lang ako..."sagot ni Roy.
I watched him with confusement.
"Para ano? Para maging buhay ka nya? Libing kaya kita?"biro ni Kuya.
Nagkatawanan naman kami ni Roy.
"Tara na nga... Mamaya mag sapakan pa kayo dito eh..."sabi ko.
Pagpasok namin ng bar, hinanap ko yung pwesto ng grupo ko. Nakita ko naman sila sa may sulok ng bar na nakatingin sa pwesto ko. Nasa likod ko si Roy. Nakita kong naka kunot ung noo ni Norwin. I know what he's thinking ng makita nyang kasunod ko si Roy.
Si Roy naman, naririnig kong umuubo ubo konti sa likod ko.
"Anyare sayo?"sabi ko.
"Wala... Di mo naman sinabing ganito kausok dito..."sabi nya.
"Malamang... Bar to eh, normal yun..."
"Ok ka lang bata?"tapik ni Kuya sa likod ni Roy.
"Ok lang..."sabi nya.
Naglakad na kami papunta sa pwesto ng grupo.
"Sabihin mo pag di mo na kaya, para itakbo na kita sa pinaka malapit na ospital..."sabi ni Kuya, rinig ko sa likod ko at alam kong biro un.
Pag ubo lang konti sinagot ni Roy. Tumawa naman si Kuya at inakbayan lang sya kasunod ko.
BINABASA MO ANG
why were not meant to be
Teen FictionMinsan, may mga bagay na akala natin ay para sa atin o kaya gusto natin na maging sa atin. But were just go with the flow of our lives. What if soulmate meets destiny? Which one do you pick? enjoy reading! =)