grab the least to find the best

8 0 0
                                    

ANGELA'S POV

Pagbaba ko ng hagdan, hindi ko ini expect na nandito pa rin si Franz. Aba't kasalo pa nila Kuya at Mama na nag aalmusal.

Bakit ba hindi pa sya umaalis? At hindi nya pa rin pinapalitan yung damit ni Kuya. Yun yung shirt na regalo ko kay Kuya nung last christmas. Nike na dri-fit na kulay red.

Habang naglalakad ako papunta sa kanila, ngayon ko lang napansin kung gano ka broad yung balikat ni Franz. Magkasing katawan pala sila ni Kuya. Parehong maliit yung bewang, pero malapad yung likod. Anu naman ngayon?

Paglapit ko sa kanila, agad akong humalik sa pisngi ni Mama. Sumunod kay Kuya. Tiningnan ko si Franz pero hindi sya natingin sa akin.

Sige, maige pa nga yang dedmahin mo na lang ako at wag ng ungkatin yung nangyari. Malulubog ako sa kinatatayuan ko nyan eh.

Umupo na ako sa tabi ni Mama. Syempre katapat si Franz.

"O, bunso... Akala ko natulog ka na ulit... Good ba Morning mo?" nakangising sabi sa akin ni Kuya. Pero hindi ko sya kinibo.

At nang aasar pa sya. Kuya please, wag ngayon, baka masira buong araw ko pag hindi ko masakyan yang joke mo.

Hindi ako kumibo. Ipinagpatuloy ko lang yung pagkain ko. Nagsalita ulit si Kuya.

"Congratulations nga pala sayo bunso! May naisio ka na bang kurso?"sabi nya.

"Oo nga pala, di ba dati gusto mong mag Arkitekto? Para kamo di nalalayo sa field ng kuya mo?" sabat naman ni Mama.

"Gusto kong mag doktor ..."sabi ko.

"Doktor?! San mu naman nakuha yang ideya nq yan?"tanong ni Mama.

"Mas mahirap yun... Ilang years yun bago ka talaga maging totoong doktor..."sabi ni Kuya.

"Napag isipan ko kasing, pagdating ng panahon, pwedeng ako lang makagamot sa lahat ng sakit nyo, libre pa kayo."biro ko kanila Mama.

Nakatingin ako kay Franz, seryoso pa rin sya sa pagkain nya.

"Ganon? Anung klaswng doktor naman yan? Baka doktor ng mga baliw yan ha... Hahaha." sabi ni Kuya.

"Hindi Kuya... Gusto ko maging doktor ng mga may problema sa PUSO." sagot ko na may diin ang pagkakasabi ng huling salita.

Tamaan ka na Franz. Anu ba sa tingin mo, nakalimutan na kita simula nung bata pa ako.

Ayoko sanang maniwala na ikaw yung nakilala ko sa bar na naki join sa grupo namin bilang karelyebo ni Neil. Pero parang wala lang sayo ang lahat. Tsk.

"Sa tingin mo boi, magiging doktor ng puso tong utol ko? Eh baka kundoktor kabagsakan mo sa huli... Hahaha." tanong ni Kuya kay Franz.

Tumingin naman ako kay Franz at tumingin din sya sa akin.

"Siguro..." sagot nya.

Hayzz, sumagot ka pa, hindi naman nakapag pataas ng kumpiyansa ko sa sarili ko.

Tinapos ko na agad yung pagkain ko at nagpaalam kanila Mama at Kuya.

"Tapos ka na agad?" tanibg ni Kuya.

"Magrereview lang Kuya, malapit na finals eh..." nakatayo na ako at pumunta sa lababo bitbit yung tasa ko ng nesquick.

Patapos na rin silang tatlo sa pagkain. Nakita kong patayo na rin si Franz. Binilisan ko yung paglagok ko ng natira kong tsokolate.

"Iwanan mo na yan Angela, ako ng bahala jan..." sabi ni Mama.

"Ok Ma." sagot ko.

Pagtalikod ko di ko namalawayan na nasa likod ko na pala si Franz. Nagkapareho pa kami ng way ng dadaanan kaya nagkatapat kami.

Nagkatinginan naman kami. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Tapos tumigil na lang sya at dumaan na ako sa gilid nya.

Didirecho na sana akong umakyat sa kwarto ko ng marinig kong kausap ni Mama si Franz. Yung pakikipag kwentuhan ni Mama sa kanya yung tipong may pinaparinggan.

"Franz, may gagawin ka ba mamaya?"

"Ah, wala naman po Tita, gabi pa naman yung gig ng grupo nila Angela."

"Ah, kasama ka pa rin ba dun sa grupo nila? Hindi pa rin ba nabalik si Neil?" tanong ni Mama.

Nasa gilid lang ako ng hagdan hindi naman kalayuan sa kanila, kaya rinig ko sila. Aba't akalain mong kasama pa rin pala sya mamaya. Eh sa ball kaya? Pag hindi pa rin dumating si Neil, sya pa rin yung kasama namin, pero, yun ay kung papayag sya.

Palapit naman sa akin si Kuya at napakamot lang sa ulo ng makita ako.

"Opo, pag nagkataon po, baka pati sa ball nila Angela..."

Kasama sya sa ball? Panu nya nalama yung tungkol dun?

"Ah, ganun ba, eh di maige, may kasama sya sa ball... O, dito ka na mag lunch ha, matagal ka na ring di nakakapasyal dito."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Mama. Sobra na yun ah, pati lunch? Baka mamaya pati dinner pa?

"Po? Naku salamat po. Kung gusto nyo, treat ko na lang kayo, sa labas na tayo mag lunch kung wala po kayo masyadong ginagawa."

"Oo ba, sabihan mo na lang si Anjo, ako na magsasabi kay Angela."

Narinig kong tapos ng magligpit ng pinagkainan si Mama. At agad na akong umakyat ng kwarto ko.

why were not meant to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon