Franz's POV
"Ma... Kasama ko si Franz... Dito na muna sya makikitulog, malayo pa kasi yung location nya, eh malakas yung ulan."bati ni Anjo sa Mama nya. Hinalikan nya ito sa pisngi pag kapasok namin ng bahay nila.
"Tita, pasensya na po kung dito muna ako makikitulog, hindi ko po kasi dala sasakyan ko. Pwede na po ako dito sa sofa."sabi ko.
"Anu ka ba naman Franz, para namang dati hindi ka nakikitulog sa amin pag nalalasing ka."
"Sorry po talaga, hindi naman po ako lasing ngayon, medyo nakainom lang ng konti." natatawang sabi ko.
"Konti ha... O sya, dun ka na matulog sa kwarto ni Anjo. Mahihirapan ka lang jan sa sofa."
Hindi pa rin nagbabago yung Mama ni Anjo, strict but good pa rin.
"Thanks po Tita."
"Walang anuman. Anjo, may pagkain jan sa ref, init mo na lang sa microwave. Kayo ng bahala sa mga sarili nyo ha. Aakyat na ako at inaantok na ako... Haaaayyy!"
"Ok Ma... Goodnight po."sabi ni Anjo sa Mama nya.
"Goodnight po Tita, pasensya na po sa abala." humalik ako sa pisngi nya.
Lumakad na si Anjo sa kusina nila. Sinundan ko naman ng tingin yung Mama nya na paakyat na sa kwarto nila. Si Angela kaya gising pa? Baka tulog na yun.
"Kain na muna tayo p're..." narinig kong sinabi ni Anjo.
Sumunod naman ako sa kanya sa kusina. Pagkatapos kumain, niligpit na ni Anjo yung pinagkainan namin. Maya maya umakyat na kami sa kwarto nya.
Pag akyat sa taas huminto muna kami sa isang kwarto na alam kong kwarto ni Angela.
"Wait lang p're... Check ko lang baka tumakas..." natatawang sabi nya.
"Bakit, tumatakas na ba yan?" kunot noong sabi ko.
"Hindi naman..."
Pagkasabi nun, pumasok na sa kwarto ni Angela si Anjo. Ako naman nakatayo sa may pinto. Ngayon ko na lang ulit nakita yung kwarto nya, kung nung huling kita ko, girl na girl na tong kwarto nya, ngayon, medyo iba na yung ambiance. May mga gitara na nakasabit sa wall. Merong isang gitara na naka frame. Hindi talaga sya mahilig sa gitara. Hindi ko namalayang nakapasok na ako sa kwarto nya.
"Investment nya yan..." sabi sa akin ni Anjo na nakatingin na rin sa gitara na naka frame. Isang black classic guitar na Les Paul Smith.
"Mahilig talaga yang kapatid mo sa gitara no. Kaya sobrang famous na sya ngayon." sabi ko.
"Sya yung taong hindi iniisip yang word na famous, alam nya lang tunutugtog sya, hindi nya iniisip na sikat sya." lumabas na nh kwarto si Anjo.
Lumingon naman ako sa natutulog na si Angela. Nilapitan ko sya. Kita sa lampshade yung makinis nyang mukha. Himbing na himbing sa pagtulog. Hinawi ko yung ilang buhok na humaharang sa mukha nya. She's really an angel. Hinaplos ko yung mukha nya. Bago pa man kung anung pumasok sa isip ko na magawa ko, lumayo na ako at lumabas ng kwarto.
Pumunta na ako sa kwarto ni Anjo. Nakita ko syang may inaayos sa gamit nya.
"Suot mo na lang to p're. Magpalit ka na lang dun sa cr."
Kinuha ko yung damit na inabot nya. At nagpalit na ako ng damit sa cr. Paglabas ko, dumirecho na ako sa kama ni Anjo, at maya maya pa naramdaman ko ng hinihila yung mata ko para pumikit. Epekto rin siguro ng alak.
Angela's POV
Lumipas ang mga araw. Weekend na. Nag inat lang ako sa higaan ko ng marinig ko kanina na ginigising na ako ni Mama. Napag usapan na namin kahapon ng mga kabanda ko yung tungkol sa guesting. Ang problema lang, si Neil. Hindi pa rin nagpaparamdam. Sana daw ok pa rin kay Franz kung maging sub muna sya ni Neil, kahit sa mismong gig. Sabi ko, susubukan kong kontakin. Pero ang totoo, nahihiya akong itext o tawagan sya.
Bumangon na ako sa higaan ko. Inayos ko pa ang kama ko at ng makapag suklay na ako ng buhok, lumabas na ako ng kwarto para pumunta sa cr.
Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Kuya na pupunta din sa banyo. Naalala ko yung sulat from U.P. at nagmamadali akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap sya sa likod.
"Kuya! Kelan ka umuwi?! I made it! I made it! Nakapasa ako sa U.P.!" tuwang tuwa ako sa sinabi ko sa kanya at higpit na higpit ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Ang aga-aga pa Angela, ang ingay mo..."
Narinig kong may nagsalita sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko si Kuya na pupungas pungas, kinukusot yung mata nya, habang nakatayo sa pinto ng kwarto nya. Nung maimulat nya yung mukha nya, nagulat sya sa nakita nya. Siguro dahil nakita nya akong nakayakap dito sa lalaking to. Nagulat din ako ng makita ko sya. Kung ganon, sino to?
"Oh my... Sino ka?" napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at umatras ako.
"Hala ka..." natatawang sabi sa akin ni Kuya.
No... Huwag kang lilingon... Uta g na loob. Yun lang ang nasabi ko sa sarili ko at dahan dahan na syang humarap sa akin. I was shocked and felt goosebumps all over me... No...
BINABASA MO ANG
why were not meant to be
Novela JuvenilMinsan, may mga bagay na akala natin ay para sa atin o kaya gusto natin na maging sa atin. But were just go with the flow of our lives. What if soulmate meets destiny? Which one do you pick? enjoy reading! =)