Franz's POV
Pagkagising ko, parang sumakit pa ang ulo ko ng makita kong wala ako sa kwarto ko. Lumingon naman ako sa lalaking mahinang humihilik sa tabi ko. Nakita ko si Anjo na tulog na tulog pa.
Tumayo na ako sa higaan para mag toothbrush at mahilamos. Lumabas ako ng kwarto at pupunta na ng CR nang may bigla akong narinig na tumakbo at yumakap sa akin, at nagsisisigaw.
"Kuya! Kelan ka umuwi?! I made it! I made it!" narinig kong sabi nya at hinigpitan pa yung yakap sa akin.
Fuck, ramdam na ramdam ko yung katawan nya, biglang bumilis yung takbo ng dibdib ko. Ang sarap naman ng yakap nya. Sana wag na syang bumitaw. Habang ninanamnam ko yung yakap nya. Narinig kong nagsalita si Anjo sa likod ko.
"Ang aga-aga pa Angela. Ang ingay mo..."sabi nito.
Biglang bumitaw sya sa pagkakayakap nya sa akin, at alam kong hindi nya gugustuhing malaman kung sino ang taong niyakap nya.
"Oh my... Sino ka?" yun lang yung narinig ko sa kanya bago ako humarap sa kanya.
Hindi ko maisip kung anung sasabihin ko, bakit ba nauumid ako pagdating sa kanya.
"Congrats!" yun lang ang nasabi ko. Hindi ko alam kung tama bang yun ang banggitin ko, pero yun ang lumabas sa bibig ko pagkaharap ko sa kanya.
Nakita ko syang nakatingin sa akin na parang nakakita ng multo. Yung Kuya nya naman, natatawa lang sa likod nya, tapos bumalik na ulit sa kwarto nya.
Si Angela naman, imbes na kibuin ako, tumakbo na lang pabalik sa kwarto nya.
Naiwan naman akong nakatayo lang sa pwesto ko.
Ang cute nya pala pag bagong gising... Hindi pa nagsusuklay ng buhok, wala naman akong napansing morning star. Fresh na fresh kahiy hindi pa nakakaligo.
Bago pa kung anung maisip ko, dumirecho na ako sa cr para ayusin ang sarili ko. Pagkatapos ko naman ayusin yung sarili ko, bumalik na ako sa kwarto ni Anjo. Gising na rin sya. Hindi na rin siguro natulog.
"Ba't ganun yung kapatid mo, parang nakakita ng multo..."
"Syempre, damit ko yang suot mo, akala nya ako ikaw, kaya talagang makakakita yun ng totoong multo..."
"Hahahaha, ang kulit nga ng itsura nya eh, takbo agad pabalik ng kwarto, nahiya siguro..."
"Malamang, diba dati patay na patay sayo yun..."
Sinalansan na ni Anjo yung mga unan. Tapos, palabas na ng kwarto.
"Bata pa sya nun, maaalala nya pa ba yun eh dalaga na sya..."
"Kunsabagay..."sabi ni Anjo.
Tumingin lang ako saglit sa salamin kung ayos ba yung itsura ko.
"P're sunod ka na sa ibaba, breakfast muna tayo bago ka umuwi. Wala ka naman sigurong lakad ngayon?"
"Sige, sabay na ko sayo..."Sabi ko.
Bumaba na kami. Dumirecho sa kusina, naabutan naming nagluluto si Tita ng omelet. May fried rice na sa mesa, fresh milk, tapa na nakahain.
"O, gising na pala kayo?"sabi ng Mama ni Anjo.
Humalik si Anjo sa pisngi ng Mama nya. Umupo na sya sa, tumabi naman ako sa kanya.
"Good Morning po Tita!"
"Good Morning din... Upo ka na para makapag almusal..."
"Si Franz,maaga nagising... Ako nagising sa bulabog ni Angela..."
"Kaya pala narinig kong sumusigae si Angela, bakit, anu ba nangyari...?" tanong ng Mama nya habang sinasalin sa plato yung omelet.
"Nagtititili, sinasabi nya na naka pasa daw sta sa U.P, eh si Franz, papuntang CR. Niyakap nya bigla, akala nya ako yun, kasi suot nta damit ko, pag lingon ni Franz, nagulat daw si Angela, ayun, bumalik sa kwarto..." natatawang kwento ni Anjo sa Mama nya.
Sumalo naman sa amin sa pagkain yung Mama ni Anjo. Sa harap ni Anjo sya nakaupo.
"Naku, eh dapat ikaw ang sosorpresahin nun, yun pala sya yung masosorpresa... Hahaha..."
Nakangiti naman na sabi ng Mama ni Anjo habang sa akin naka tingin. Sinuklian ko naman ng ngiti yung Mama nya.
Naglagay na ako ng kanin sa plato ko, at nagtimpla ng kape.
"Baka hindi sumabay si Bunso sa atin Ma... Nahihiya siguro kay Franz..."sabi ni Anjo.
Maya-maya, may narinig na kaming yapak pababa ng hagdan.
"O, ayan na prinsesa, speaking..." bulong ng Mama ni Anjo sa kanya.
Hindi naman ako lumingon, ayoko namang ma offend ko pa si Angela dahil sa nangyari, kahit alam kong no big deal yun.
BINABASA MO ANG
why were not meant to be
Novela JuvenilMinsan, may mga bagay na akala natin ay para sa atin o kaya gusto natin na maging sa atin. But were just go with the flow of our lives. What if soulmate meets destiny? Which one do you pick? enjoy reading! =)