even though it hurts...

40 1 0
                                    

"Hinde... Magaling ka... Wala naman atang gitaristang hinsi marunong kumanta..." sabi nya. Habang sinasabi nya yun, hindi nanaman maiwasang mapatingin ako sa mata nya... Maganda nga, prang may pagka greyish yun... Tama nga si Norwin, wag daw titingin sa mata nya... Tsaka, parang may kamukha talaga sya... Parang nakita ko na sya eh...

"Angela...? Bakit? May problema ba sa mukha ko...? Nagulat ako sa pagsalita nya. Napatagal ba yung pag tingin ko sa kanya? Obvious ba ako masyado?

"Huh? Wala naman... Iniisip ko lang na parang nakita na kita eh... Di ko lang matandaan kung saan..." sabi ko, sabay bawi ng tingin sa kanya.

"Talaga? Saan naman...?" Tanung nya...

"Uhm, di ko nga matandaan kung saan eh, basta nakita na kita..." sabi ko.

"Ganun ba... Kung dito sa Maynila, imposible naman, kasi ngayon lang ulit ako bumalik, 2 years kasi akong nasa Singapore. Dun ako naka base because of my work..." paliwanag nya.

"Talaga...? Ano ba work mo dun?" Tanong ko...

"Ha? Bakit? Susundan mo ko?"

"Hinde... Nagtatanong lang eh... Kung ayaw mong sabihin eh di wag, ok lang..."

"Hahahahaha..."tawa sya.

"Ba't ka natatawa?" Tanong ko.

May sinasabi sya pero di ko masyado naintindihan, malakas kasi yung tugtog nung bandang kasunod namin.

"Anong sabi mo?!" Sigaw ko.

"Wala! Ansabi ko, hindi ka masyadong pasensyosong tao noh?"

"Ako? Akala mo lang yun... Panu mo naman nasabi...? Tanong ko.

"Wala lang, nasabi ko lang..." nakangisi naman sya ngayon.

Nakakaloko tong taong to. Pinagtatawanan ako. Anu namang nakakatawa sa aken.

"May nakakatawa ba sa aken?" Tanong ko.

"Wala... Ilang taon ka na ba?"

"Bakit?" Sabi ko.

"Masama bang magtanong?"

"Hinde..."

"O, ilang taon ka na nga?"

"16 na ako."

"16 ka lang?!"

"Oo."

"Bata ka pa pala... Pero kung makipag usap ka sa akin, kala mo magkasing edad lang tayo... hahahahaha..."

"Ganon? Bakit ilang taon ka na ba?"

"Ako? Hulaan mo..."

"20"

"Wrong..."

"21?"

"Mali."

"Uhmm... 19?"

"No..." natatawa nyang sabi.

"Higher or lower...?"

"Higher..."

"22, 23, 24.?"

"You're still wrong..." nakangiti nyang sabi...

"Higher pa dun? 25, 26?"

"Ahaha, mali pa rin... 27..."

"27 ka na?"

"Baby face noh?"

"Akala ko nga 32 ka na eh. " kunwari sabi ko, para di lumaki ulo.

"Ganon? Yung iba nga akala mas younger pa dun eh."

why were not meant to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon