Ha... Ha... Ha... Mahaba ang Falcon Street Angela. Baka naman hindi lang kayo yung Delos Reyes na taga duon sa kanto ng Falcon Street. Tsaka may isa pang kanto. Stop freakin' out... Okay? Kalma lang...
"Victoria Ville na tayo..."sabi nya.
Mabilis ba syang magpatakbo o lumilipad lang talaga yung utak ko at hindi ko namalayang nasa tapat na kami ng gate ng Subd. Nakatingin lang ako sa gate ng Subd. Pinasok nya na yung kotse nya sa loob ng Subd.Hinarang sya ng guard.
"Ser? San po tayo?" tanong ng guard.
"Hatid ko lang sya. Homeowner nyo." sabi nya sa guard.
"San ba kayo dito?"tanong nya sa akin.
Grabe, malalaman nya kung san ako nakatira. Pero gusto ko rin malaman kung sinong Delos Reyes sinasabi nya.
Imbes na sagutin ko sya, humarap ako sa guard. Binati ko, kilala naman kasi ako ng mga guard dito. Sa araw araw ba naman akong naglalakad papasok dito pag my pasok ako eh. Hindi pa ba ako matatandaan.
"Hi! Kuya Guard! Pahatid lang po ako sa amin." nakangiti kong sabi sa Guard.
"Miss Delos Reyes, kayo po pala, ok po, papasukin ko po kayo." sabi ng ni Kuya Guard sa akin.
Tumingin si Franz sa akin na parang medyo nagulat. Nakangiti naman ako sa kanya, gusto kong mabasa nya sa mga ngiti ko na isa akong DELOS REYES! Na sana hindi kami ang tinutukoy nyang DELOS REYES.
"Ser, pahiram lang po ng isang I.D nyo." sabi ng guard.
Nilingon nya naman ni Franz yung guard. Kinuha yung wallet nya at inabot yung isang I.D. nya. Pagkatapos nun, pumasok na kami ng Subd. Ako naman, nakangiti pa rin.
"Bakit naman di mo sinabi agad sa akin na DELOS REYES ka pala."natatawa nyang sabi.
"Bakit naman? Tsaka, baka hindi ako yung Delos Reyes na tinutukoy mo." natatawa kong sabi.
"Kunsabagay, malaki itong
Subd. nyo." sabi nya at hininto yung kotse. Hininto nya sa tapat ng BAHAY NAMIN! Panu nya nalaman yung bahay namin? Nakatingin ako sa tapat ng gate ng bahay namin, bukas pa ilaw sa sala, malamang si Kuya Anjo yun, hinihintay ako.
Naku! Pagagalitan ako nun pag nakita akong nakasakay sa kotse ng isang taong ngayon nya pa lang nakita.
Bababa na sana ako ng kotse ng bigla syang nagsalita.
"Jan nakatira yung friend ko." sabi nya.
Nagpapatawa ba sya?! No way?! Sa bahay namin nakatira yung "FRIEND" daw nya?! Hindeeee!!! Kunsensya ko magsalita ka, ngayon mo sabihin sa aking kumalma lang ako!!!
"Dito?!" tanung ko.
"Oo, dyan. Kilala mo ba nakatira dyan? Si Anjo yung friend ko na dya nakatira." sabi nya. Tapos inistart nya na yung engine ng kotse.
Hell no?! Kuya ko yung friend nya?! Magkaibigan sila ng kuya ko?! Bakit naman sa dinami dami ng tao, Kuya ko pa naging kaibigan nya.
Paalis na dapat kami habang nakita ko na bumukas yung ilaw sa maindoor namin.
Napatingin sya.
Bumukas yung pinto. Nakatayo yung Kuya ko. Nakatingin sya sa amin. Sa kotseng sinasakyan ko. Pero di nya kami totally na makita kasi tinted tong kotse ni Franz.
"Aba't akalain mong gising pa pala tong gagong to. Teka Angela, puntahan ko lang saglit. Mabilis lang to."sabi nya.
Hindi pa rin ako makapagsalita. Lumulutang pa rin ako sa insidenteng ito! Bakeeet?! Waaah! parang sumusikip ang dibdib ko. Para akong na susuffocate sa emosyon, nakakainis, na nakakatawa.
BINABASA MO ANG
why were not meant to be
Teen FictionMinsan, may mga bagay na akala natin ay para sa atin o kaya gusto natin na maging sa atin. But were just go with the flow of our lives. What if soulmate meets destiny? Which one do you pick? enjoy reading! =)