Angela's POV
"Bakit ba kase mapapel ka?! Sinabi ko ng ako ng bahala eh!!!" sigaw ko.
Nakita ko naman syang parang nagulat sa tarasa ko. Teka, over na ba ako?
Buti na lang saktong nandito na kami sa mall. Nagpark lang sya malapit sa back entrance.Pinatay nya ung makina ng kotse nya.
"Talaga bang masama loob mi saken? Bakit? Anu bang ginawa ko?" tanung nya.
Hindi ako kumibo, sana pwede kong sabihing wala kang ginawa... Ako meron...
"Kahit ngayon lang, pumayag ka lang na samahan kita at maihatid sa inyo, kahit pagkatapos nito, di na ako mag papakita sayu..." sabi nya ulit.
Anu bang ginawa mo Angela? Seryoso na ba sya?
Bumaba na sya ng kotse. Umikot sa pwesto ng pinto ko. Baba na sana ako ng sya na nagbukas ng pinto. I think kahit naasar na sya sakin, gentlemen pa rin.
Paglabas ko ng kotse, sya naman ung nakatayo sa harap ko. Di ako makatitig, shit! Nanlilit ako lalu, ang tangkad nya naman kase. Tapos naaamoy ko pa ung masculine scent ng pabango nya. Napaka sensual...
Angela, pasaway ka, bat ganyan ka. Di ba galit ka? Bat parang pabango palang ni Franz eh natutunaw ka na?
Dumistansya na ako sa kanya. Nakatalikod ako para di ko sya makita. Nariniv ko ung pag sarado ng pinto ng kotse pti ung tunog ng lock nito. Maglalakad na sana ako ng marinig kong nagsalita pa sya.
"Sana naman, bago kita ihatid mamaya, sabihin mo kung anung rason kung bat ka ganyan saken..."sabi nya.
"Sana naman sabihin mo ung rason kung bat ka ganyan saken..."
Why do i feel the sadness in his words... Anu ka ba, nagtatanung lang ung tao, sadness ka jan.
Ipinagpatuloy ko na yung paglalakad ko. Kunwari parang wala lang akong narinig. Sumunod naman sya sa akin.
Pagdating sa loob ng mall, dumirecho agad ako sa guitar shop sa 3Rd floor. Sumakay ako ng escalator, habang si Franz nakasunod pa rin sa akin. Pero mat space na. Siguro mga isang dipa yung layo nya sa akin. O di ba hindi sobrang layo.
Pagdating sa 3rd floor, bumili na agad ako ng string sa shop. Pasimpleng lumingon ako sa gawi ni Franz pero wala na sya! San naman nagpunta yun? Kala ko ba hahatid nya pa ako? HMPFT!!! Maige na rin un kase baka magdrama nanaman un sa kotse nya mamaya. Kaya ko namang umuwi mag isa.
Pagkabayad ko, lumabas na ako ng shop. Derecho na ako sa escalator. Nakatingin na lang ako sa fon ko at nakita kong my message sa akin si Roy. Pero di ko muna binasa. Naalala ko pupunta nga pala yun sa bahay namin.
Habang pababa naman ako sa escalator ng mall, nahagip ng mata ko sa left side si Franz. Nasa flower shop!May gahd! Bumibili sya ng bulaklak for me? Peace offering... Oh no... Mas lalu tuloy ako na guilty...
Pagbaba ko ng escalator... Dumirecho na ako sa paglalakad. Kunwari'y hindi ko napansin si Franz na kakatapos lang magbayad sa kahera ng shop.
Then he shouts my name...
"ANGELA!!!"
Lumingon naman ako. Nakita ko syang papalapit sa akin dala ung isang bungkos na bulaklak. Di ako mahilig sa flowers kaya di ko alam anu tawag sa mga yun, maliban sa white rose na nakita ko, nasa gitna kase ng bouquet.
May Gahd! Peace offering nga!
"Sorry kung iniwan kita saglit sa taas... Bumili lang kase ako nito..."Sabi nya habang nakatingin sa flowers na dala nya.
Iaabot mu ba saken yan Franz o paasa ka lang?
"Ok lang... Kala ko nga umuwi ka na... Kaya ko naman mag commute..."sabi ko habang naka tingin sa flowers.
"Ah... Ok... Flowers nga pala... Pakibigay kay Tita... Alam ko mahilig sya jan..." parang natotoreteng sagot nya.
Damn! Hindi pala para saken ung bulaklak! Kay mama pala un! Hmpft! Dapat kase di na ako lumingon eh. WOOOH! Paasa...
"Ok..." yun lang nasabi ko pag kuha ko ng bulaklak.
"So... may bibilhin ka pa ba? Or are we leaving na?"sabi nya.
"Nope, iuwi mo na ako..."sabi ko.
Naglakad na ako papunta sa exit ng mall, nakasunod lang naman sya sa akin.
Paglabas ko, napansin kong sa ibng exit pala ako lumabas, kaya pala di ko makita kung san naka park ung kotse ni Franz.
"Ahm, Angela... Just wait me here... I'll just get the car... I'll be here in a minute..." sabi nya sa akin.
Tumango na lang ako. Tapos nagmadali ma syang naglakad palayo.
Wala pang 5minutes naririnig ko na ung rebulosyon ng kotse nya. Yabang. Oo na, maganda yung kotse mo, pero di mo naman na need na mag ingay Franz. Sa Kuya ko yan eh.May katabi akong grupo ng college students na nagbubulungan tungkol sa kotse ni Franz.
"Ingay naman... Buti ba sana kung hot ung driver..."sabi ng naka ponytail.
"Oo nga, kaso baka driver lang, baka di kanya..."sagot naman ng short hair na pandak.
"Nu ba kayo, ikaw kaya makasakay sa ganyan kahit driver lang nagdadala, hindi ka pa ba happy?"sagot naman nung babaeng makapal ang lipstick.
Patuloy lang akong nakikinig sa kanila. Go girls... Spread your rumors.
"Ay oo nga girl, swerte ng makakasakay jan..." sabi ni short hair.
Huminto na yung kotse ni Franz sa tapat ko. Bumaba na ung bintana ng kotse. Slow mo pa na pinakita yung mukha ni Franz. Tumingin ako sa side ng mga Mean-chaka-girls sa tabi ko.
"Omg... Hottie naman pala ung driver girls..."
"Oo nga... Ayan bababa na ng kotse..."
Lumabas na ng kotse si Franz, sorry girls, sya lang naman yung HUNK AND HOTTIE na susundo sa akin. Lumapit sa way ko. Madilim na Franz naka shade ka pa.
Paglapit nya, tinanggal nya na ung shades nya. Sabay ngiti sa akin.
"Shall we?" tanong ni Franz.
Lumingon ako sa mga babae sa likod ko, halatang disappointed dahil ako pala yung sinusundo.
"Sorry girls... I'm the lucky one..." sabi ko sa kanila sabay kindat.
Para namang nagtataka si Franz sa ginawa ko at sumunod na lang sa akin. Inalalayan pa ako sa siko. My gahd! May kuryente! Nagulat naman ako. Medyo iniwas ko yung siko ko.
Tapos pinagbuksan nya na ako ng kotse. Nakita ko pa ring nagbubulungan yung mga chaka girls sa gilid ng daan.
Sumakay na rin si Franz ng kotse.
"Do you know them?" sabi nya.
"Yah... Those girls are my fans..." sabi ko. Kahit naman alam kong hinde.
BINABASA MO ANG
why were not meant to be
Teen FictionMinsan, may mga bagay na akala natin ay para sa atin o kaya gusto natin na maging sa atin. But were just go with the flow of our lives. What if soulmate meets destiny? Which one do you pick? enjoy reading! =)