"We wan't you to bring your band to the ball..." sabi ni Mr. Dimasalang.
Yung banda ko? Bakit naman nila naisipan na imbitahin yung banda ko? Tsaka wala si Neil... Sub nga lang si Franz sa grupo eh. Panu kung hindi pumayag si Franz na sumamang tumugtog.
"Bakit po kami?" tanong ko.
"I know your musics create raw sounds, walang estudyante dito na hindi nakakasabay sa tugtugan nyo. Hindi mo ba nakikita yung pagiging famous nyo?" tanong ni Miss Emma.
Actually, hindi naman ganu ka big deal sa akin yung pagiging famous ng banda namin. Marami din namang mas famous sa amin.
"Hindi po... Or baka masyado lang pong hati yung attention ko sa studies at band..."
"Maybe your right... Angela is one of our Top Students this school year... She's in Rank No.4. and I know you can make it to Rank No.3 this final."
"Gagawin ko po lahat ng makakaya ko Sir... Sa banda at sa studies... Salamat po sa support..." sabi ko.
"Don't worry dear, we can provide all the band needs to the ball, full equipment, accomodation, they can bring their friends too, and most specially, financess..." nakangiting sabi ni Miss Emma sa akin.
"Naku... Maraming salamat po Maam Emma... I'll try to convince the band... Pero di ko po masisigurado yun sa ngayon..."
"It's ok, we are giving you a week to discuss it with your group. Is that ok?"
"Ok po..."
"Ok, thanks for your time dear..."lumapit sya sa akin at nakipagkamay.
"Hindi talaga ako nagkamali sa paglapit dito kay Angela, i know she's a good catch... Take care of her Roy... It's your lost if you lose her..." sabi ni Sir Dimasalang kay Roy.
"I will never lose her Sir..." Nakangiti syang tumingin sa akin.
"O? He's your boyfriend?!" Tanong ni Maam Emma.
"Hindi po..."sabi ko. Binawi ko yung kamay ko kay Roy na kanina pa basang basa dahil sa sobrang kaba. Nakakahiya namang hawak ni Roy yung kamay kong pasmado.
"Hindi pa po..." sabi ni Roy. Pinandilatan ko lang sya. Now he's being vocal...
"Sige po, mauna na po kami... Sir Maam." paalam ko at inabot sa akin ni Miss Emma yung planner nya, nakangit ako sa kanya at pinirmahan ko yun.
"Ok, you may go guys... Thank's a lot Angela..." tinapik ako sa balikat ni Mr. Dimasalang.
"Walang anuman po Sir..."
"And by the way Roy... My meeting ang mga Officers ng Council bukas after your class..."
"Ok Sir... I'll be here tomorrow..."
Lumabas na kami ng Office after magpaalam.
"So... How was it?" tanong ni Roy sa akin...
"Do you know about all of this?"
"Of course, I am The President of the Council..." nakangisi nyang sabi sa akin.
"When do you learn to lie with me huh?" natatawa ko ring sinabi sa kanya.
"I'm not lying... I'm just hiding hahaha..."
"Pareho lang yon..."
"Ikaw may pakana ng lahat no...?"
"Syempre, para wala ka ng rason para di makapunta sa ball..."
"You're right... But... Hindi pa ako umuoo na maka date ka sa ball..."
"Why?"
"Kasi, pwedwng yung ka banda ko yung date ko... Hahaha..."
"Awww! Pagmimeetingan naman namin yan bukas eh..."
"Bahala ka..."
"Uwi na tayo... Baka pag chismisan pa nila tayo eh..."hatak nya sa akin at nakanguso sya sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko yung ibang ka Officers nya na nakatingin sa akin. Wala akong pakialam sa chismisan nila... Tanging ako lang nakakaalam ng totoo sa buhay ko.
Habang pauwi na kami ni Roy, kinukulit nya pa rin ako tungkol sa ball.
"Bakit ba ayaw mo pa ring pumunta sa ball?"
Tumingin ako sa kanya. Wala namang masamang pumunta sa ball. Pero parang hindi ko lang feel na magpunta don. Ewan ko basta. Umamin ka na kasi Angela, ibang tao ang gusto mong makasama sa ball.
"Hindi ko kasi feel yung party."
"Ganun, dati ang rason mo sa akin, kasi may tugtog kayo. Nung dinala ko ginawan ko naman ng paraan yung banda mo, ayaw mo pa rin..."
Sabi nya sa akin habang nakatungo. Sabay kaming naglalakad sa kalye. Tiningnan ko sya. Wala akong maisip na sagot. Anu ba kasi irarason ko. Alam ko kaya nyang gawing posible ang mga imposible. Pero ayoko namanh mapilitan lang na sumama sa kanya.
"Iba ba ang gusto mong date sa ball?" tanong nya.
Nagulat ako sa sinabi nya. Panu nya nahulaan yun?
"Wala namang iba Roy..."
Kung mag usap kami kala mo, mag jowa kami na naghihintay magkabukuhan sa lihim ng iba.
"Alam ko meron, kilala ko sya, nakikita ko sa mata mo..."
Huminto sya sa paglalakad. Nakatingin sya sa akin na parang naghahanap ng totoong sagot. Ayoko namanh ma upset sya tungkol sa bagay na yun. Alam kong alam nyang may "something mutual" sa amin ni Neil. Pero nasan ba si Neil. Kahit sya yung gusto kong kasama sa ball, para kumpleto banda, di ko naman alam kung san ko sya hahanapin.
"Uhm, ok... Pag iisipan ko..."
Humarap sa akin si Roy, biglang nagliwanag yung mukha nya. Hindi ko namalayan, nandito na pala kami sa tapat ng gate ng Subd. namin.
"Talaga? Sana pag isipan mong mabuti..." hinawakan nya pa yung kamay ko.
BINABASA MO ANG
why were not meant to be
Genç KurguMinsan, may mga bagay na akala natin ay para sa atin o kaya gusto natin na maging sa atin. But were just go with the flow of our lives. What if soulmate meets destiny? Which one do you pick? enjoy reading! =)