just go with the flow

12 0 0
                                    

Ilang Days na lang... Malapit na yung Graduation Ball namin.

Nandito ako sa classroom namin, nag de daydream... Wala pa akong date sa ball ... Tsk... Why worry? Uso ba sa akin yun? Nanjan lang si Roy... Waiting sa confirmation ko... At isa pa, kelan pa naging big deal sa akin yung mga party?

"Angela! Sino date mo sa ball?" tawag ng isang klasmeyt ko sa akin. Si Jasmine. Nakakausap ko sya minsan. Pero alam ko hindi kami super close. Pero, wala din naman kaming problema sa isa't-isa.

"Huh?" lingon ko.

Tumabi sya sa gilid ng upuan ko.

"Sabi ko, kung sino date mo sa ball? Si Neil ba?"

Si Neil? Hindi ko na nga nakikitang pumapasok yun eh. Malay ko king aattend pa yun ng ball.

"Wala... Kailangan ba talaga may date?"

"Anu ka ba? Syempre importante yun. Lahat ng tao dito sa campus excited sa ball, maliban ata sayo..."

"Anu ba kasing meron sa ball maliban sa pagsasayaw?"

"Marami, basta masaya yun! Hindi kumpleto ang highschool days mo pag wala kang prom o ball..."

"Kahit anu pa yan... Hindi ako sure kung aattend ako. Tsaka, ayokong nagsusuot ng gown..."

"Hahaha! Eh di kahit cocktail dress! Don't worry girl... Tutulungan kitang magbihis at mag ayos. Ako ng bahala kung wala ka pang damit."

"Naku, baka naman magmukha lang akong clown dun..."

"Wala ka bang tiwala sa akin?" nakasimangot nyang sabi.

"Hindi naman sa walang tiwala-"

"Enough! Kaya kitang gawing ball queen king gugustuhin mo lang! "

"Ows? Sobra ka naman, kung ako yung clown, ikaw yung magician?"

Nagtawanan kaming dalawa. Tapos umalis na sya at may pahabol pang bilin.

"Pag isipan mo girl..."

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa makalabas na sya ng room namin.

Natapos ang klase ko maghapon na wala naman kaming masyadong ginawa. nag discuss lang yung mga teachers at nagbigay lang ng pointers para sa exam. Lumapit si Roy sa akin, sabay na daw kami. Umoo naman ako. Palabas na kami ng room ng may tumawag sa akin.

"Delos Reyes! Pinapatawag ka ni Mr. Dimasalang sa office ng Student Council."

"Ako? Baka si Roy?"

"Delos Reyes nga daw eh..."

"ok..."

Tumingin ako kay Roy.

"May kinalaman ka ba dito? O alam mo ba kung bakit?"

"Wala at hinde..." nakangiti sya sa akin...

"You're lying... Imposible kasi ikaw ang Presidente ng Council!"

Tinawanan nya lang ako.

"Tara na... Samahan kita..."

"No... Hintayin mo na lang ako..."

"Saan? Sa labas?"

"Sa canteen na lang..."

"No... Kailangan siguro nandoon ako, remember? Im the President of the Student Council..."

"Hmpft! Whatever..." sabi ko at tinalikuran na sya.

Sumunod naman sya sa akin, dala-dala yung mga books ko.

why were not meant to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon