FRANZ's POV
ANGELA DELOS REYES...
Bakit di ko naisip na sya pala yung kapatid ni Anjo. She's grown a lot...
Last time na kita ko sa kanya yata when she was only 10 years old. Birthday nun ng Kuya nya. Mag ccr ako nun, may tao kasi sa restroom nila sa baba, kaya sa second floor ako nag cr. Paglabas ko ng cr, may narinig akong nag gigitara, parang instrumental, na curious ako, lumapit ako sa isang kwarto na may nakaawang na bukas na pinto. Nakita ko sya, nakaupo sa kama, pinapatugtog yung gitara nya.
Habang pinapakinggan ko sya, napapikit ako. Sinandal ko yung ulo ko sa hamba ng pinto. Nakakawala ng hangover yung tugtog nya... Ninamnam ko yung pagtipa nya ng musika sa gitara. How could someone at this young age can play this kind of instrument? Ang galing... May future sya sa larangan na 'to. Naputol yung pag sosoundtrip ko ng magsalita sya."Sino ka?" tanung nya.
Minulat ko yung mata ko.
"Hi! Ang galing mo namang tumugtog... Kapatid mo ba si Anjo?" tanong ko.
Lalapit na sana ako sa kanya. Imbes na sagutin nya ako, kinuha nya yung unan nya at binato sa pinto. Lumagapak ng lapat yung pinto sa harap ko. Muntik ng sa mukha ko lumapat yung pinto. Sa lakas ng impact nun, kung sa mukha ko tumama, malamang na mag kadamage tong matangos na ilong ko.
"Fuck that brat..." yun lang nasabi ko at bumaba na ako ng hagdan.
Pagkalipas ng ilang oras na nag iinuman kami ng Kuya nya sa may terrace kasama ng ibang klasmeyt namin.
"Boi, may pulutan pa ba sa loob?" tanong ng isang klasmeyt namin kay Anjo.
"Meron pa, kumuha ka lang dun..."
sabi ni Anjo.
"Ayoko boi, baka nandun yung Mama mo, natatakot ako dun eh."sabi ni Phillip.
"Anu ka ba, mabait yun, di ba Franz?" sabi ni Anjo sa akin.
"Oo nga, sa school lang terror yun. Teka nga, ako na kukuha." sabi ko sa kanila.
Pumasok ako sa bahay, ng makita kong walang tao sa sala, dumirecho ako sa kusina. Nakita ko nanaman sya, the brat girl. May hawak na platito, kumakain ng cake.
"Hi there..." bati ko sa kanya.
Lumingon sya sa akin, pero nakasimangot.
Naglagay na ako ng pulutan sa plato. Habang natatawang nakatingin sa kanya. Naalala ko yung ginawa nya sa akin kanina sa taas.
"Nakakataba yan pag sobra..." nakangiti kong sabi sa kanya.
Pinandilatan nya lang ako ng mata, at padabog na naglakad paakyat sa taas.
Hindi lang yun yung huling pagkikita namin. Pag napunta ako sa kanila every weekend, nakikita ko sya nakaupo lang sa may hagdan. Pag kinakausap ko sya, hindi sya lumalapit sa akin, hindi nya rin ako kinakausap.
Tapos, one time mag isa lang ako nakaupo sa sala nila. Lumabas kc Kuya Anjo nya bumili ng meryenda. Sya nasa hagdan ulit. Pero that time, lumapit na sya sa akin. tinawag nya ako.
"Kuya Franz..." sabi nya.
"Yes?" I nod at her...
"May sasabihin ako sayo..."sabi nya.
"Lumapit ka dito..." sabi ko sa kanya at tinapik yung space sa tabi ko sa sofa. Inviting her to sit beside me.
"Ayoko... Dito lang ako..." sabi nya.
"Okay, anu ba yun?"
"Promise mo munang hindi ka magagalit..." sabi nya pa.
"Okay... Promise..." tinaas ko yung kaliwang kamay ko.
"Kuya Franz... Mali po yung kamay mo..."
Tumingin ako sa kamay ko, dapat nga pala right hand. Yung kanan yung tinaas ko.
"Promise... Okay na ba 'to?"
"Kuya Franz..."
Nakatingin ako sa kanya, tinakip nya sa mukha nya yung dalawang kamay nya. Medyo natatawa ako sa ginawa nya pero pinigil ko lang yung sarili ko...
"Kuya Franz, may girlfriend ka na ba?" tanong nya na nakatakip pa rin yung kamay nya sa mukha.
"Wala po."
"Pwede ba kitang maging boyfriend?" tanong nya. Wala na yung dalawang kamay nya na nakatakip sa maukha nya. Actually, nagulat ako sa tanong nya.
"Ha?" sabi ko.
"Crush kasi kita..." sabi nya. Lumapit ako sa kanya.
"Kaw talaga... Ang bata mu pa, yan na naiisip mo..." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Pag malaki na ako, pwede na?" tanug ulit nya.
Natatawa naman ako sa isip ko sa mga sinasabi nya... Sinakyan ko na lang yung sinabi nya.
"Sige, pag malaki ka na..." sabi ko.
"Talaga?!" nanlalaki ang matang tanong ya sa akin.
"Opo..."
"Hintayin mo ko Kuya Franz ha, pag malaki na ako, magpapakasal tayo... Promise yan ha?" lumapit sya sa akin at niyakap ako. Nagulat naman ako sa ginawa at sinabi nya. Tinawanan ko na lang sya...
"Ok sige, promise..." sabi ko sa kanya.
Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin, at nagmadali ng umakyat sa hagdan papunta sa kwarto nya.
After that incident, hindi na kami nagkita ulit. Naging busy na kasi ako sa studies ko. After ko namang maka-graduate, umuwi ako ng Cebu kasi namatay si Mama. Tapos natanggap ako sa trabaho, sa Singapore. Pag nauwi naman ako ng Pilipinas nakikikamusta na lang ako sa Kuya nya, matalino daw si Angel sabi ng Kuya nya. Mahilig sa music, lalo na sa mga guitar. Pero hindi na kami nagkita pa ulit.
Ngayon, nagkita na kami, sa di inaasahang pangyayari... Hindi ko talaga sya nakilala, lalo na kanina sa Bar. That girl... Is she still that cute brat that i met from the past...?
Nakapasok na ako ng bahay ko matapos kong i-park sa garahe yung kotse ko. Pumunta na ako sa kwarto para mahiga. Maliwanag na sa labas. Umaga na pero parang di pa ako inaantok. Iniisip ko pa rin sya... Kelan kaya kami magkikita ulit...
BINABASA MO ANG
why were not meant to be
Teen FictionMinsan, may mga bagay na akala natin ay para sa atin o kaya gusto natin na maging sa atin. But were just go with the flow of our lives. What if soulmate meets destiny? Which one do you pick? enjoy reading! =)