Bakit kasi si Claire pa? Bakit di na lang iba? Magkakaconflict sa friendship namin ni Leroy pag nilakad ko si Neil kay Claire.
Nakita ko ung class officers poster namin na nakadikit sa wall... nakita ko yung pangalan ni Claire na may label na Muse.
Tsk, tsk, tak, haaayz... Ganda na lang ba talaga usapan dito? Hmmmp, ganda mo kasi eh...
4pm
Uwian na.
Sinilip ko muna sa room nila si Neil, wala na sya.
Wala narin si Leroy, malamang nasa tropa na nya. Hindi man lang nila ako tinext.
Buamalik ako ng room namin, naabutan ko pa dun si Roy na classmate ko. Nagliligpit ng gamit nya. Isa din sa mga close ko.
Neighbors namin sila dati kaya mag childhood friends kami.
"Roy..."
"Yup?"
Umupo ako sa harap ng upuan nya.
"Iniwan ka nanaman ng beasties mo noh?" Ask nya sa akin.
"Beasties o besties?"
"Pareho lang un, mga bestfriends mong beast. Hahaha."
"Excuse me? Wala akong friends na beast. Like you. Di ba?"
Nilapit ni roy yung mukha nya sa akin.
"Are you saying na gwapo ako?"
Natawa ako, lumayo ako ng konti sa kanya.
"I'm just saying na... wala akong friend na beast..."
Ngiti ko sa kanya.
"You know what I like about you?" Tanong nya.
"Like talaga?"
"Like muna..., pag love mo na ako, love na rin kita."
What? Now he's more being honest. Sana ganito ka vocal si Neil sa feelings nya kay Claire. Para di na sya mahirapan. Ako kasi prangka pero nilalagay ko sa sitwasyong kaya kong i-handle.
"Tumigil ka nga Roy... imbes na sasabay ako sa'yong umuwi, parang tinatamad na ako." Kunwari aalis na ako ng room.
"Wait... i just wan't to tell you... that I really adore you... for being you..."
Grabe naman tong si Roy, ngayon ko lang na experience yung ganito na i-court ng harap harapan at walang mga tropa kong nakapaligid o nakabantay.
At hindi ko alam na may feelings pala sya sa akin. Nakakatuwa naman, manhid ba ako at di ko naramdaman un. O baka recently lang din nya nalaman.
Nagpatuloy sya sa pagsasalita...
"Sorry kung ngayon ko lang nasabi sayo. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa'yo to. Nabigla ba kita?"
Wow, nagtanung pa. Hindi pa ba obvious na shocked pa rin ako?
"Hindi masyado... hindi pa lang nag-sisink in sa akin... Since when?"
Imbes na mailang tumabi ako sa kanya. Curious lang ako, kasi alam ko ilang beses na nagka-gf si Roy.
"Since... childhood..."
What the ....? Simula nung bata pa kami? Eh lumipat sila ng bahay di ba? Tapos my mga naging gf sya... Alam ko di lang dalawa eh...
"Ows? Di ba may mga naging gf ka before?"
"Yah..., pero di naman kami nagtagal. I"ll try to forget my feelings for you, but... Still... I can't..."
Tinitingnan ko si Roy. Habang nakatungo sya. Nahihiya panrin sya sa akin.
BINABASA MO ANG
why were not meant to be
Підліткова літератураMinsan, may mga bagay na akala natin ay para sa atin o kaya gusto natin na maging sa atin. But were just go with the flow of our lives. What if soulmate meets destiny? Which one do you pick? enjoy reading! =)