CHAPTER 1

3K 76 0
                                    


Acel Callum Ross, that's her boss full name. Callum owns the famous Ross Tower Company, he owns a lot of house and lots, condominium buildings, business buildings and malls. Napag-alaman niya rin na ito ang may-ari ng village kung nasaan ito nakatira ngayon. Sa batang edad nito ay ganito na ka-successful, limang taon lang ang agwat niya rito. Nalaman niya ang impormasyon na iyon dahil sikat ito pagdating sa business. Isang search mo lang sa internet ng pangalan nito ay lahat ng basic information ay naroroon na.

Napagilid siya nang dumaan ang babaeng bisita ng boss niya. Sopistikada itong naglalakad sa sala habang tumitingin ng paintings na nakasabi sa pader. Hindi pa kasi bumababa ang boss niya at matiyaga naman na naghihintay ang babae. Isang linggo na siya rito pero pangatlong babae na itong nakita niya, sigurado siyang hindi nagse-seryoso ang boss niya dahil paiba-iba ang kalambingan.

Noong nakaraan lang ay bago pa makalabas ang boss niya kasama ang ibang babae ay nakita niyang naghalikan ang mga ito. Hindi naman siya chismosa pero saktong nakita niya lang ang senaryo na 'yon.

Her boss is not smiling always, medyo tahimik nga ito at seryoso madalas pero sa katunayan ay hindi naman talaga seryoso pagdating sa mga babae.

"Babe!" tawag ng babae nang makababa na ang sir Callum niya. "What took you so long? Bored na ako rito," dugtong pa nito habang nakanguso ang labi.

Tumalikod na lang siya at dumeretso sa kusina para roon naman maglinis.

"Sorry, I have important calls."

"Let's go na! I'm excited about our date today."

Narinig niya ang tunog ng paghalik kaya nailing na lang siya. Dapat talaga sinasanay na niya ang sarili niya sa ugali at galawan ng boss niya. Kinuha niya ang vacuum para makasigurado sa mga dumi at alikabok na hindi niya nakikita. Dumeretso siya ulit sa sala nang marinig na nakalabas na ang dalawa. Nakita niya pang awtomatikong bumukas ang gate para makalabas ang kotse na sinasakyan ng boss niya at kasama nito.

Pati siya ay may sariling remote para sa gate, for emergency purposes. Kung sakaling nawala ng boss niya hindi na ito mahihirapan mag mano-manong bukas ng malaking gate.

Naglinis na siya ng buong bahay para mamaya ay maaga rin siya makapagpahinga. Ito ang maganda sa trabaho niya, basta natapos niya lahat ng kailangan gawin sa araw na 'yon ay makakapagpahinga na siya ng maaga. Swerte na rin siya dahil hindi kumplikado linisin ang buong bahay dahil malinis na talaga.

Nagluto siya ng tanghalian niya at kumain mag-isa. Nang dumating ang hapon ay naglinis naman siya ng garahe at garden. Tamang walis walis lang at tanggal ng mga kalat na makita niya. Napatingin naman siya sa glass pool na medyo marami na ang dahon galing sa dalawang puno na malapit doon. Ngayon niya lang lilinisin iyon at dahil alam niyang walang pangdakot ng mga dahon wala na siyang ibang maisip na paraan kun'di ang lumusob sa pool para damputin ang mga nakakalat.

Sigurado naman siyang gabing-gabi pa ang uwi ng amo niya kaya okay lang din naman siguro kung lulublob siya sa pool, total ay maglilinis naman siya. Muli siyang pumasok sa loob ng bahay at kumuha ng plastic para may paglagyan ng mga dahon. Kumuha na rin siya ng tuwalya niya para pag muli siyang bumalik sa loob ay hindi siya magkakalat ng basa sa napakagandang tiles.

Walang pag-aalinlangan na hinubad niya ang uniform na suot. Tanging bra at cycling shorts lang ang tinira niya para iyon lang ang lalabhan niya agad. Lumusong agad siya sa pool at ramdam niya ang kalamigan ng tubig. Malinis naman ang pool at dahon lang talaga ang kailangan niya tanggalin. Dinakot niya ang mga dahon na sama sama at ang iba naman ay kinuha niya isa isa dahil may ibang magkakahiwalay.

"What are you doing?" halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang boses ng boss niya. Agad siyang napalingon kung saan nanggaling ang boses at kita niya na seryoso itong nakatingin sa kaniya habang kunot ang noo.

Warning: Don't Fall (Housemaid Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon