CHAPTER 13

2.1K 76 6
                                    


Bumalik siya ng Manila at dumeretso siya sa Agency para mag-resign. Nagulat pa nga siya dahil hindi man lang nagtanong ang nagha-handle sa kanila kung bakit siya mag-re-resign bagkus ay sinabi pa nito na nakaayos na ang papers niya. Pati ang makukuha niyang pera kung sakali mang umalis siya roon.

Napangiti siya ng mapait dahil talagang binitawan na siya ni Callum. Hindi na rin ito nagparamdam sa kaniya. Iyon naman ang gusto niya, mas okay 'yon, para sa ikabubuti ng puso niya.

May isang linggo pa siya bago tuluyan mapaalis sa D.I.A dormitory. Sa isang linggo ay kailangan niya na makahanap ng panibagong trabaho at matutuluyan. Masakit man sa puso niya na aalis siya sa D.I.A pero kailangan niya rin dahil sa ginawa niya. There are no rules regarding to boss and maid relationship, but for her the whole thing was wrong.

Lumabas siya dala-dala ang kaniyang resume para maghanap ng trabaho. Susulitin niya ang buong araw para lang makahanap. Nagpasa na rin siya sa fast-food chain ng kaniyang resume, pero ang pinaka-target niya talaga ay pagiging kasambahay pa rin dahil ito lang ang paraan para may libre siyang matutulugan.

"Excuse me?" napatigil siya sa paglalakad nang may lumapit sa kaniyang isang babae. Maayos ang suot nito, naka-formal attire.

"Bakit po?" tanong niya rito. Nasa tapat sila ng isang coffee shop sa labas mall kung saan siya napadpad kakalakad.

"Naghahanap ka ba ng trabaho?" tanong nito habang nakangiti ng malawak sa kaniya. "I'm Dolores Uy, the owner of this mall."

"Po?!" Halos mapasigaw siya sa gulat dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit siya nito nilapitan. Tumawa ito sa kaniya dahil sa naging reaksyon niya.

"Can we talk inside the coffee shop? If you are interested to have a job, but if no it's also fine with me," paliwanag pa nito. Nagningning naman ang kaniyang mga mata dahil pakiramdam niya ay hulog ito ng langit. Mukha namang hindi siya nito ii-scam-in dahil mukha namang hindi ito gano'n.

"S-sige po," sambit niya at nautal pa dahil sa kaba at excitement. Trabaho na lang ata ang nagpapasaya sa kaniya.

Pumasok sila sa coffee shop at um-order ito ng pagkain at inumin. Nagulat pa siya dahil marami itong in-order. Sakto rin dahil wala pa siyang kain ng tanghalian dahil sa busy siya maghanap ng trabaho.

Napalunok siya habang nakatingin sa pagkain nang kumalam ang tiyan niya.

"Let's eat while we talk. Gutom na rin kasi ako," sambit nito at sinenyasan siya na kumain.

"Maraming salamat po," nahihiyang ani niya rito. Nag-umpisa siyang kumain, napatingin pa siya sa kaharap niya dahil hindi paunti-unti lang itong sumusubo ng pasta, mukhang hindi naman ito gutom.

"You know? Hindi ka dapat nagpapalipas ng kain, mahirap magkasakit ngayon." Napatingin siya rito ng may halong pagtataka.

"Paano niyo po nalaman na hindi pa ako kumakain? H-halata po ba?" bigla siyang nahiya sa babae. Pinunasan niya ng tissue ang kaniyang bibig.

"Oh, what I mean is you look pale? Oh, yes. That's why I thought you skipped your lunch?" she laughed awkwardly. Napatingin siya sa may salamin banda sa kanila, nakita niya nga ang reflection niya. Mukhang pagod na pagod ang mukha niya.

"Ah, opo, kailangan ko po kasi ng trabaho talaga at nakalimutan ko ng kumain," pagsasabi niya ng totoo.

"Well, I have a business partner, siya ang may-ari ng lupa na kasalukuyan na tinatayuan ng mall pati na rin ng nakapalibot dito. He needs a personal assistant. Lagi kasi siyang umaalis para tumingin tingin ng property. He's also a friend of mine so i'm helping him to find a suitable assistant." Tumango-tango naman siya rito. Nilabas niya ang resume niya at inabot dito.

Warning: Don't Fall (Housemaid Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon