Nagising siya nang maramdaman na may mabigat na bagay na nakapatong sa bewang niya. Pagdilat niya ay nakita niyang yakap-yakap siya ni Callum ng mahigpit. Napangiti siya nang makita ang guwapo nitong mukha kahit natutulog. Marahan niyang tinanggal ang kamay at legs nito na nakadantay sa kaniya.
Babangon na sana siya nang pumulupot muli ang kamay nito sa bewang niya para pigilan siya.
"Where are you going?" tanong nito sa bagong gising na boses.
"Sa banyo lang," sambit niya. Naiihi kasi siya kaya siya babangon pero kung hindi pa siya naiihi ay hindi talaga siya tatayo dahil masaya pa siya sa posisyon nilang dalawa na magkayakap.
Tumingin naman ito sa kaniya ng ilang segundo. "Iihi lang talaga ako. Hindi kita iiwan," ani niya at niyakap ito pabalik. Ramdam niya naman na iyon ang gusto nito marinig.
"I love you," he murmured. Humigpit ang yakap nito sa kaniya kaya hinigpitan niya na rin ang yakap dito.
"Alam ko."
"Wrong answer, baby," ani nito kaya napatawa siya.
"I love you too! Pakawalan mo na ako," natatawang sambit niya rito at tinapik tapik ang likod.
"Hindi kita papakawalan." Parang hinaplos naman nito ang puso niya.
"Ang ibig ko sabihin ay pakawalan mo muna ako ngayon dahil naiihi na ako!" hinampas niya ito pero may kahinaan lang.
"Fine, fine." Niluwagan nito ang pagkakayakap pero bago pa man ito kumalas ay pahabol itong humalik sa labi niya. Naiiling na lang siya dahil tanghaling tapat ay kilig na kilig siya. Hindi niya pa man nakikita ang oras ay alam niyang tanghali na dahil inumaga sila ni Callum. Hindi siya nito tinigilan kaya ngalay ang legs niya at masakit ang pagitan ng hita niya.
"Can you walk, or you want me to carry you?" tanong nito sa kaniya. Umiling siya rito at sinenyasan na kaya niya. Dumeretso siya sa banyo na paika-ika. Umihi siya at naghilamos na rin ng mukha para magising na ng tuluyan. Napatingin siya sa salamin at nanlaki ang mata niya nang namumula ang kaniyang leeg, dalawa iyon at halatang halata.
"Callum talaga!" bulalas niya pa nang makitang mayroon din sa gitna ng dibdib niya at sa tiyan niya. Kinuha niya ang bathrobe na nakita niya sa may banyo. Iyon muna ang sinuot niya para naman may saplot siya paglabas ng banyo.
"Anong oras na?" tanong niya kay Callum na hawak na ang cellphone. Nakasandal ito sa headboard ng kama.
"1 pm. I already ordered food." Tumango siya rito at napatingin sa dala niyang bag kagabi. Nandoon ang backpack niya na binitbit niya dahil may dala siyang extra na damit at naroroon din ang sling bag na pinahiram sa kaniya ni Arianna.
"Si Arianna ang nagdala ng bag ko rito?" tanong niya kay Callum at nilapitan iyon.
"Yes. I woke up at 9 am. She brought it here. She said that the sling bag is yours now."
"Huh? Hindi pwede! Ibabalik ko ito."
"She has a lot of luxury bags, don't bother to give it back," kibit balikat na sambit nito sa kaniya. "Come here, hug me again," dugtong nito at binitawan ang cellphone. Binuka nito ang dalawang kamay para hintayin siyang lumapit at yakapin.
Nilapitan niya ito agad at kumandong dito para mayakap ang binata.
"Can you say why you are avoiding me before? I want to know because you suddenly say that you love me too. I still can't believe it, and it feels surreal."
Napanguso siya dahil nahihiya siyang sabihin na siya ang naunang nagkagusto rito at pinagkamalan niya pang nanloloko ito sa fiancé kuno na hindi naman pala totoo.
BINABASA MO ANG
Warning: Don't Fall (Housemaid Series)
RomansaKristel Marie Simera is a 23 years old, half korean woman who is working under Domestica International Agency. She is working as a maid. Since her mother has a dialysis, she strive to earn a money in different ways. Graduate lang siya ng senior hi...