Napatingin siya sa pagkain na nasa harapan niya. Umaga na dahil maliwanag na sa labas. Nasa third floor siya at kita niya bintana ang liwanag sa labas. Hindi naman siya sinaktan at tinali ng ina ni Callum, sadiyang kinulong lang siya sa kwarto na ito.
Wala ang gamit niya sa kaniya kaya hindi niya magawang tawagan ang binata. Hindi rin siya makakatakas dahil nasa pangatlong palapag siya. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga bago kumain ng binigay na pagkain sa kaniya. Hindi na siya mag-iinarte dahil talagang nakaramdam siya ng matinding gutom. Kagabi kasi ay hindi siya kumain ng maayos, hindi dahil sa nagwawala siya para makaalis sa lugar na ito kun'di dahil hindi niya gusto ang nakahalong sibuyas sa ulam.
Para siyang nasusuka na hindi niya maintindihan, kahit hindi niya maamoy iyon at makita lang ay bigla siyang naduduwal. Pinilit niya lang talaga makakain ng kahit kaunti para lang magkalaman ang tiyan.
Nakahinga naman siya ng maluwag nang walang sibuyas ang pagkain niya. Mabilis niya iyong naubos pati na rin ang tubig na nasa baso at nasa maliit na pitsel.
Mayamaya ay may bumukas ang pinto at niluwa noon ang ina ni Callum.
"Your dad is going here later. We will finalize our wedding, so don't do anything I can be mad about," babala nito sa kaniya.
"Hindi niya alam ang ginawa mo sa akin? Akala ko pa naman kayong dalawa ang may pakana nito," she scoffed.
"For sure kahit malaman niya ay okay lang sa kaniya. He wants to marry me, and I just did my part to protect what we have."
Napairap siya sa ginang. Love can be good but also can be dangerous.
"Pwede bang pahingi na lang ng gatas? Gusto ko iyong binili sa akin ni Callum," utos niya rito at humikab. Hindi niya alam kung bakit wala siyang pakialam sa pagbabala nito sa kaniya. Hindi niya rin iniisip kung paano makatakas sa lugar nito, hindi man lang siya kinabahan paggising niya.
Kinunotan siya ng noo ng ginang pero mukhang hindi na siya pinansin masiyado.
"Just tell to the maid whatever you want," ani nito at tinalikuran siya para lumabas ng kwarto. Sakto naman ay pumasok ang isang maid at kinuha ang pinagkainan niya.
"Ate, pwede bang pabili ako ng soy milk? Tapos pabili na rin ako ng balot, iyong may maanghang na suka po ah?"
"Balot? Sa umaga po?" nagtatakang tanong ng kasambahay sa kaniya. Ngumiti siya ng malawak at tumango-tango.
"S-sige po, ita-try ko kung meron po..." Lumabas na ito ng kwarto kaya humiga na siya sa kama. Ang bilis niya antukin sa totoo lang. Parang napakatakaw niya sa tulog ngayon. Siguro ay dahil pinagod talaga siya ng sobra ni Callum.
Napanguso siya dahil na-miss niya na ang binata. Gusto niya na ito kayakap at gusto niya rin kagatin ang labi nito. Hindi niya namalayan na nakatulog na naman siya habang iniisip ang lalaking mahal niya. Nagising na lang ulit siya nang makarinig ng ingay sa ibaba. Parang may nagsisigawan pero hindi niya maintindihan dahil nga nasa third floor siya.
Napaangat ang ulo niya nang pumasok ang kasambahay na inutusan niya. Dali-dali siyang bumangon habang nakangiti ng todo dahil bigla niyang naalala ang mga pinabibili niya.
"Ma'am, ito po ang gatas. Dalawa na po ang binili ko," nawala ang ngiti niya sa labi dahil nakuntian siya sa binili nito.
"Dalawa lang? ang unti naman!" reklamo niya pero kinuha niya pa rin sa kamay nito. "Iyong balot ko?" tanong niya nang makitang wala na itong bitbit.
"Kasi po, hapon pa lang po ma'am... wala pa pong balot kahit saan ako maghanap," ani nito at napakamot sa ulo.
"Anong oras na?"
BINABASA MO ANG
Warning: Don't Fall (Housemaid Series)
RomanceKristel Marie Simera is a 23 years old, half korean woman who is working under Domestica International Agency. She is working as a maid. Since her mother has a dialysis, she strive to earn a money in different ways. Graduate lang siya ng senior hi...