CHAPTER 11

2.1K 68 0
                                    


Kinabukasan ay nakauwi na sila sa bahay. Nagpasalamat siya kay Rico dahil ito pa rin ang sumundo sa kanila at naghatid.

"Maraming salamat sa tulong mo ah, naabala ka pa namin," ani niya rito. Nasa labas sila ng bahay at kinakausap niya ito.

"Ano ka ba! Parang hindi naman tayo magkaibigan. Tiyaka normal lang naman na tumulong ako sa inyo" Ngumiti ito sa kaniya at hinwakan ang balikat niya. "Kalma lang ha? 'Wag mag-isip ng kung ano-ano. Siya nga pala... tungkol kay Maymay, umalis siya 'di ba?" sambit nito nang maibaba ang kamay. Kumunot ang noo niya dahil bigla siyang nakaramdam ng pag-asa na baka alam nito kung nasaan ang kapatid.

"Alam mo ba kung nasaan siya?" mabilis niyang tanong.

"Kahapon ng gabi nakita ko siya. Noong nag-deliver ako ng mga tubig banda roon sa kabilang barranggay. Hindi ko lang sigurado kung doon ba siya nanunuluyan, hindi ko kasi nasundan dahil kasama ko ang tiyo ko at marami kaming deliver, pasensiya na." Umiling siya rito at ngumiti ng tipid.

"Okay lang, salamat dahil sinabi mo sa akin. Sa tingin mo okay ba siya? Maayos naman ba ang itsura niya?" sunod sunod na tanong niya dahil talagang nag-aalala siya sa kapatid. May ginawa man itong hindi magandang bagay sa kanila ay nag-aalala pa rin siya rito lalo na sa kalagayan nito.

"Mukhang okay naman siya, maayos naman ang suot niya at walang galos. May hawak din siyang pagkain nang makita ko siya." Napabuntong hininga siya at napatango. Gusto niyang makausap ang kapatid bago siya umuwi sa manila. Gusto niyang maayos ang lahat at intindihin ito kung bakit nito ginawa. Matatanggap niya naman kung buntis ito dahil naroon na 'yon, ang hindi niya lang matanggap bakit kailangan pa kunin ang pera na pang-dialysis ng ina. Kung kailangan talaga ng pera ay gagawan niya ng paraan para lang mabigyan ito.

Natigilan siya ng bigla siyang yakapin ni Rico at tinapik tapik ang kaniyang likod.

"Sabi ko 'wag ka na mag-isip masiyado. Ang importante ay kahit papaano ay umayos-ayos ang lagay ng mama mo. Para mabawasan ang gagawin at aalalahanin moa ko ang maghahanap sa kapatid mo. Pipilitin ko siyang muling umuwi para kausapin kayo." Humiwalay ito sa pagyakap at hinawakan ang ulo niya. "Kaya mo 'to, kakayanin mo, nandito lang ako kung kailangan mo ng tulong."

Parang hinaplos nito ang kaniyang puso. Si Rico ay nakilala niya noong highschool siya, kapitbahay nila ito at ang pamilya nito ay may water station kung saan sila lagi bumibili ng tubig. Naging kaklase niya ito kaya naging close niya, mabait at mapagkumbaba ito kaya kumportable siya sa lalaki.

"Maraming salamat, babawi talaga ako sa'yo—" naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang hinatak ni Rico pagilid. Napahawak ito sa bewang niya dahil sa bilis ng pangyayari. Nanlalaki ang mata niya dahil sa kaba nang mapatingin sa isang itim na sasakyan na mabilis na umandar at huminto rin sa tapat nila.

"Giatay, muntikan na tayo roon ah!" inis na sambit ni Rico habang nakatingin na rin sa itim na kotse. Magsasalita pa lang sana siya nang bumaba na roon ang may-ari ng kotse. Halos malaglag ang panga niya nang makita si Callum na nakatingin sa kaniya ng blanko.

"Hoy! Muntikan mo na kami mabangga ah!" sigaw ni Rico. Pinigilan niya agad ito nang hindi umimik si Callum, hindi nito inaalis ang tingin sa kaniya, nakita niya pa ang pagbaba ng tingin nito sa bewang niya. Umigting ang panga nito kaya napayuko siya para tingnan ang tinitingnan ng binata. Agad niyang inalis ang kamay ni Rico na nasa bewang niya pa rin. Hindi niya alam kung bakit niya iyon ginawa dahil sa tingin pa lang ng binata, pakiramdam niya ay maling mali iyon kahit wala namang malisya.

"Aba'y pucha! Titingin ka na lang ba—"

"Not answering my messages and calls? You're testing my patience, Kristel." Abot ang kaba niya nang magsalita na ito pero hindi niya pinahalata.

Warning: Don't Fall (Housemaid Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon