CHAPTER 20

2.1K 61 1
                                    


Dumating ang hapon at pumunta sila sa property ni Callum. Chineck nila ang buong lugar at napapalibutan ng mga ito. Maraming malalaking bahay malapit doon at maganda ang pwesto para pag tayuan ng restaurant. Mukhang magiging maganda rin ang kita dahil hindi na probinsiyang probinsiya tingnan ang Dumaguete. Marami na rin ang mga building at establishment na nakatayo.

Lagpas isang oras din sila na naroroon. Marami kasing kinausap si Callum, nandoon din kasi ang architect at engineer na magtatayo at magpa-plano ng structure ng restaurant.

Sumakay sila sa nirentahan na kotse ng binata. Mas maganda kasing may sariling sasakyan sa lugar na 'to dahil mas kumportable mag-ikot.

"They will start next month. I like the place, how about you?" tanong nito sa kaniya habang pinapaandar ang sasakyan.

"Gusto ko rin, maganda ang lugar at maraming bahay na malalapit lang." Hinawakan nito ang kamay niya gamit ang isang kamay nito.

"You'll meet your father later, right? Are you okay with being alone? Or I just cancel my virtual meeting?" Pinisil niya ang kamay nito tiyaka umiling.

"Unahin mo ang meeting mo, mas importante 'yon. Okay lang naman ako eh, isa pa't malapit lang naman sa hotel na tinutuluyan natin 'yong restaurant na kakainan naming."

"Okay. Promise, susunod ako pagkatapos na pagkatapos ng meeting ko." Hinalikan nito ang ibabaw ng kamay niya. Sanay na sanay na talaga siya sa lambing nito. Hindi niya alam kung kaya niya ba pag nagkahiwalay sila ni Callum. He's the sweetest guy she had ever met. Ang inaakala niyang lalaki na hindi kaya mag seryoso ay ngayon seryoso na at sa kaniya pa.

That's the power of love. Love can change everything. Siya na ata ang pinakamasayang babae ngayon. Swerte siya dahil binigyan siya ng diyos ng lalaking magmamahal sa kaniya ng ganito, 'yong suportado siya at tinutulungan pa siya mag-grow as one.

Naglibot sila at nagpalipas ng oras. Pumunta sila sa mga spot na magaganda puntahan, nag meryenda rin sila ng mga street foods at barbeque sa tabi-tabi. Tawang tawa pa siya dahil halatang hindi sanay ito kumain ng kikiam, fishball at kwek-kwek.

"Ano ba 'yan!" sambit niya habang pinupunasan ang gilid ng labi ng binata dahil may sauce pang natira.

"This taste good, the sauce is kinda weird but its good!" Napailing na lang siya rito dahil napaka-cute talaga.

"Masiyado ka atang nakakahatak ng customer nila manong," sambit niya dahil dumami ang mga kababaihan na nasa tabi nila. Bumibili ang mga ito pero ang mata ay na kay Callum.

"Because I'm handsome, baby," he shrugged.

"Kapal mo!"

"It's true! I'm stating the fact."

"Oo na! Lakas ng confidence talaga." Napatigil siya nang magtulakan ang mga kababaihan banda sa gilid niya. Alam niya na gusto ng mga ito magpapansin kay Callum pero siya ang nasagi. Hinawakan siya sa kamay ni Callum at hinatak.

"Sorry po!" sambit ng isang babae pero nakatingin naman kay Callum. Gusto niyang mapairap dahil sa mga ginagawa nitong halata naman kung ano ang plano.

"Okay lang naman," matabang na sambit niya.

"No. It's not okay. You guys are hurting my wife," singit nito sa matigas na boses. Nakasimangot na ito kaya napaatras ang mga kababaihan.

'Hala, gago! Nakakahiya, asawa niya pala 'yan.'

'Ang landi kasi! Galit na tuloy si kuyang pogi!'

'Sayang taken na talaga. Asawa na wala na tayong palag.'

'Parang mga abnormal 'to! Hindi ko kayo kilala ha?!'

Warning: Don't Fall (Housemaid Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon