CHAPTER 16 - SPG

2.7K 74 0
                                    

WARNING! THIS CHAPTER CONTAINS RATED SPG. 

AGAIN, THE WHOLE STORY IS FOR THOSE AGED 18 AND ABOVE. READ AT YOUR OWN RISK!


Umikot ang paningin niya dahil sa ilaw na binuksan ng isa sa mga kaibigan ni Arianna. Hinay hinay lang ang pag-inom niya dahil ayaw niya malasing. Noong huling nalasing siya ay hindi maganda ang nangyari.

"Chug! Chug! Chug!" kantyaw sa kaniya nila Arianna nang maipasa sa kaniya ang bote ng vodka. Napakagat siya ng labi nang lumapit sa kaniya ang isang lalaki at sinasayawan siya sa harapan.

"Hoy walang hawak ha! Mananapak talaga ako pag may nabastos sa mga girls dito!" sigaw naman ng isa, sa pagkakatanda niya ay Alexis ang pangalan nito, ito 'yong boyish sa mga kaibigan ni Arianna.

Umiikot ang paningin niya dahil sa malikot na ilaw pati na rin sa cellphone ni Arianna na vini-videohan siya.

"Isang beses lang ha?" sambit niya.

"Oo! Isa lang!" Lumunok muna siya bago napapikit at nilagok ang vodka galing sa bote na hawak.

"This will be going interesting, mayayari ako pero masaya naman!" sigaw ni
Arianna at tumayo tiyaka nagsasayaw.

Napapunas siya sa bibig niya nang matapos uminom. Kumuha siya ng juice para mawala ang pait ng alak sa lalamunan niya.

"Girl! Stop na, 'wag ka na uminom ha?" sambit sa kaniya ni Arianna nang muli itong tumabi sa kaniya.

"Yari na talaga ako!" nakangiting bulalas nito nang tumuon sa cellphone. "Papunta na siya! Can't believe that he replied to me this fast!" she laughed.

Kumain siya ng mga pagkain sa table at uminom ng tubig para maibsan ang init sa katawan niya. Hindi siya lasing pero nahihilo siya sa malilikot na ilaw.

Iniwanan siya saglit ni Arianna para sumayaw sa gitna. Kinakantyawan siya ng mga kaibigan sa gitna lalo na ng paupuin nito si Arianna sa upuan at sinayawan ng dalawang lalaki. Mayamaya ay hinatak naman siya ng dalawa nitong kaibigan at siya ang pinalit sa upuan.

"Wait, wait! Dapat takpan 'yong mata!" Hindi na siya naka-react ng takpan ng mga ito ang mata niya gamit ang necktie na hindi niya alam kung nasaan nanggaling.

Napalunok siya ng marinig na nag-iba ang klase ng music. Mas sensual at mabagal, rinig niya ang tilian ng mga tao sa loob ng hotel suite nila. Magkahawak ang kamay niya dahil kinakabahan siya, sigurado siyang may sasayaw sa harapan niya.

"Shit," rinig niyang mura ni Arianna. Malinaw iyon sa kaniya dahil biglang nawala ang tilian sa loob. Tatanggalin niya sana ang nakatakip sa mata dahil music na lang ang tanging naririnig niya pero biglang may humawak sa kamay niya para pigilan siya.

"Don't move." Nahigit niya ang hininga nang marinig ang boses na 'yon. She swallowed hard because of being nervous.

Umangat ang katawan niya sa ere kaya awtomatikong napakapit siya sa leeg nito. Kahit hindi niya makita ang paligid sigurado siyang si Callum ito. Abot ang kaba niya sa langit, ramdam niya ang mabibigat nitong paghinga sa noo niya.

Hindi niya alam kung saan sila pumunta pero unti-unting nawala ang tunog kaya paniguradong lumabas sila ng suite.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto, pumasok sila sa kung saan at sa pangalawang pagkakataon ay muli itong nagbukas ng pinto bago siya ilapag sa malambot na kama. Hula niya ay pumunta sila sa kabilang suite.

Tinanggal nito ang nakatakip sa kaniyang mata dahilan para makita niya na ang binata. Nakasuot pa ito ng office attire nito, tanging coat lang ang hindi nito suot. Seryoso ang mukha nito at mukhang galit dahil magkasalubong na naman ang kilay.

Warning: Don't Fall (Housemaid Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon