Inayos ni Kristel ang mga gamit niya dahil tutungo na siya bukas sa bahay ng panibagong amo niya sa isang taon na kontrata. Ang isang malaking maleta at malaking bag lang ang tangi niyang dala. Kaunti lang naman ang damit niya at kasama na ron ang limang pares ng maid's uniform.
Nang naayos niya na ang lahat ng mga kailangan niya i-impake ay lumabas muna siya ng kwarto. Ang Domestica International Agency o mas kilalang D.I.A ay napakagandang maids agency sa buong asya. Organize ang schedule nila at fair sila sa mga empleyado. May dorm ang mga kasambahay para pag pansamantalang wala pa silang bagong amo o kakatapos lang ng kontrata nila sa naging amo nila ay may matutuluyan sila.
Nakakatulong din ang agency dahil may health insurance sila at sakop nito ang kaniyang ina. Kahit may limitasyon ang magagastos sa isang taon ay malaking tulong pa rin iyon para sa dialysis ng ina. Ito na ata ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya, ang makapagtrabaho sa kompanya na ito.
Nakasalubong niya ang mga kilala niyang mga ka-trabaho niya sa hall. Napatigil pa siya nang makita si Tamimi na seryoso ang mukha habang may kausap sa telepono, hindi niya naririnig dahil mahina ang boses nito. Nagulat pa siya dahil lumingon ito sa kaniya na para bang naramdaman nito ang presensiya niya kahit may kalayuan ang pagitan nila. Minsan tuloy nagtataka siya kung may cctv ba ang likod ng ulo nito at mabilis lagi ang kilos at pakiramdam.
"Hello!" bati niya rito at ngumiti.
"Hi," matipid na tugon nito. Ngumiti naman ito kahit tipid lang. Nagpaalam na siya rito dahil wala na rin naman siyang sasabihin at mukhang busy rin ito.
Lumabas siya ng building at naglakad hanggang sa sakayan ng jeep. Pupunta kasi siya sa malapit na mall dahil mayroon doon na malaking supermarket. Bibili siya ng toiletries niya dahil paubos na ang ibang mga kailangan niya.
Hindi naman gaano traffic dahil alas-tres pa lang ng hapon at hindi pa rush hour. Nang makarating sa mall ay deretso siya sa supermarket. Bumili siya ng mga kailangan at bumili na rin siya ng kaunting pagkain na mangangata niya pag bigla siyang nagutom. Pagkatapos sa supermarket ay naglibot muna siya sa mall para magpalipas ng oras dahil wala na rin naman siyang gagawin.
Mga 6pm na siya uuwi para saktong dinner time. May free food kasi ang mga maids sa dorm kaya malaking tipid ang nagagawa niya. Hangga't maari ay hindi siya gagastos ng malaki para mas malaki ang ipon niya. Mas okay ng maging tipid sa sarili matustusan niya lang ang pamilya niya at mga pangangailangan ng mga ito.
Nakatingin lang siya sa mga shop na nadadaanan, wala siyang balak pumasok dahil sa hindi rin naman siya bibili. Napatigil siya sa harap ng jewelry shop, napako ang tingin niya sa isang kwintas, raindrop ang pendant noon. Gusto niya kasi ang kalmang ulan, 'yong hindi sobrang lakas na katulad na lang ng sa bagyo, gusto niya 'yong kalmado lang ang panahon habang umuulan.
Pakiramdam niya kasi ay relax at kalmado ang isip niya sa tuwing nakikita ang patak ng ulan.
Nagsimula siyang maglakad pero napatigil siya nang tumama ang kaniyang buong katawan sa matigas na bagay. Napapikit siya at napahawak sa noo dahil sa sakit, malakas kasi ang impact sa parteng ulo niya.
"Are you blind?" Natigilan siya at mabilis na naidilat ang mata. Napaatras siya at bumungad sa kaniya ang matangkad na lalaki, mukhang iritado ito dahil sa kaniya.
Kahihiyan ang bumalot sa buong pagkatao niya. Kaya pala nanakit ang kaniyang nood dahil nauntog siya sa malapad na dibdib nito.
"S-sorry po," halos pabulong na sambit. Kinakabahan siya dahil sa itsura pa lang ay naninigaw na ang kayamanan nito. Hula niya ay mga branded pa ang suot nito lalo na ang rolex na relo nitong nakita niya.
Abot ang kaba niya dahil wala siyang pera pangbayad kung sakali man nadumihan niya ang polo na suot nito.
"Tsk. Get out of my way!" Mabilis pa sa alas-kwatrong umatras at gumilid siya para makadaan ito. Mas okay 'yon kaysa naman bigla itong mag-demand na bayaran ang polo na suot. Hindi naman niya talaga nadumihan ang damit nito dahil wala naman siyang suot na make-up, hindi niya lang mapigilan ang sarili na mag-isip ng kung ano-ano dahil mayaman ito.
May iba kasing mayaman na kahit nag-sorry ka na ay papahirapan ka dahil lang mahirap ka.
Napabuga siya ng hangin nang malagpasan na siya nito. Hindi na rin siya nagtagal sa mall at bumalik na rin agad sa dorm.
Inayos niya lang ang mga binili niyang gamit at kumain na rin sa canteen nila.
***
Kinabukasan ay naka-ready na siya para i-hatid ng shuttle. Dahil mahigpit ang security kung saan nakatira ang bagong boss niya ay mismong service ng agency ang naghatid sa kaniya. Alam niyang mas mayaman ang bagong amo niya kaya kailangan niya maging maayos. Professional naman siya bilang kasambahay ay masasabi niyang magaling talaga siya sa mga gawaing bahay. Hindi naman siya matatanggap sa D.I.A kung hindi siya magaling.
Laki kasi siya sa hirap at dahil panganay ay siya ang gumagawa ng lahat. Nakarating sila sa village at talagang chineck pa ng mga guards ang nasa loob ng sasakyan bago sila papasukin. Nakatanaw lang siya sa labas para makabisado niya ang dinadaanan nila at hindi siya mahirapan kung sakali mang lalabas siya dahil may utos ang amo niya. Tumigil ang sasakyan sa isang malaking itim na gate. Bumaba na siya at kinuha ang gamit niya, nagpaalam na siya at nagpasalamat sa driver na naghatid sa kaniya.
Nag-doorbell siya at naghintay para pagbuksan siya pero lagpas limang minuto na ata siya ay wala pa ring nagbubukas sa kaniya. Pinindot niya ulit ng dalawang beses ang doorbell at nang wala pa rin ay pinindot niya hanggang sa natigilan siya dahil nakarinig siya ng boses.
"Ohh, fuck! Who are you? You're disturbing my happiness right now!" Nanlaki ang mata niya dahil boses ng lalaking nagsalita. Hindi niya alam kung bagong gising ba ito dahil sa boses o talagang normal lang 'yon.
"A-ah. Magandang umaga p-po, ako po si Kristel ang bagong maid sa bahay na 'to." Pumipintig ng mabilis ang puso niya dahil sa kaba.
"Goddamnit, istorbo." Hindi na siya nakapagsalita dahil awtomatikong bumukas ang gate. Napahanga pa siya ng ilang segundo sa gate bago pumasok ng tuluyan. Maganda ang disenyo ng bahay, dalawang palapag at sakto lang ang lawak. Kaya siguro mag-isa lang siyang maid sa bahay na 'to. Nalaman niya kasi na mag-isa lang siya at all around siya sa gawain. Hindi na rin magiging mahirap dahil hindi sobrang laki na ilang palapag gaya ng ine-expect niya.
Pumasok siya sa loob ng bahay at halos umawang ang labi niya dahil sa linis at ayos ng loob. Para siyang nasa ibang bansa dahil minimalist style ang ayos. Krema at olive green ang tema ng kulay at maganda talaga sa paningin, para sa kaniya ay parang hindi lalaki ang nakatira dahil sa ayos.
"I forgot that you'll arrive today." Napalingon siya sa dahil sa boses at halos lumuwa ang mata niya nang makita ang isang lalaki na parang proud na proud ipakita ang katawan nito. Agad siyang napatalikod dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.
"Tinatalikuran mo ba ako? I'm still talking to you," matigas na sambit nito.
Paano ba naman hindi siya tatalikod kung ang boxer lang nito ang tanging suot. Okay lang sana kung naka-boxer ito pero bakit kasi parang may ahas na galit na galit sa loob non?!
"W-wala po kayong damit— I mean k-kasi— "
"Why? Is it not a good view for you?" he chuckled.
Napapikit siya ng mariin dahil mukhang natuwa pa ito dahil sa reaksyon niya.
"I'm your boss, so fucking look at me right now!" Napapitlag siya dahil sumeryoso na ang boses nito. Wala siyang nagawa kun'di harapin ulit ito. Mukhang mahihirapan siya sa boss niya dahil paiba-iba ang mood. Mukhang seryoso naman ito pero nangangamoy sa kalokohan ang nararamdaman niya sa katauhan nito.
Goodluck na lang talaga Kristel, kaya mo 'to!
***
A/N: SEPTEMBER 1 PA PO START NITO, PINUBLISH KO LANG ANG PROLOGUE HAAHAHHAAHA. EXCITED MUCH LANG SI AUTHOR MWEHEHEH. HAPPY READING, DARKERS! <333
BINABASA MO ANG
Warning: Don't Fall (Housemaid Series)
RomanceKristel Marie Simera is a 23 years old, half korean woman who is working under Domestica International Agency. She is working as a maid. Since her mother has a dialysis, she strive to earn a money in different ways. Graduate lang siya ng senior hi...