CHAPTER 27
"Callum! C-callum!" sigaw niya nang pumutok ang panubigan niya. Nakatayo lang siya at nakahawak sa kaniyang malaking tiyan. Narinig niya ang mabibigat na yabag ng asawa papunta sa kwarto.
"What happened— oh, fuck! Shit, wait... okay, calm down first..." Napapikit siya dahil sa sakit na gumuguhit.
"S-susi!" sigaw niya rito dahil mukha itong na blanko at hindi alam ang uunahin gawin.
"Oh yes! Fuck... I'm sorry, baby." Kinuha nito ang sus isa side table at mabilis siyang inalalayan kaagad. Pati si Jura at manang Conching ay tumulong na sa pagbitbit ng mga hinanda nilang gamit ng baby pati sa kaniya. Papunta na talaga sila ngayon sa hospital at nakaayos na ang lahat dahil bukas daw siya manganganak pero napaaga ata ng ilang oras.
"Callum!" sigaw niya ulit dahil sa sakit. Naipasok na siya ni Callum sa sasakyan at tinabihan na siya nito.
"Drive fast!" utos ni Callum sa driver. Mabilis naman nitong pinaandar ang sasakyan. Siya at pilit kinakalma ang sarili at ginagawa ang breathing exercise na natutunan niya. Mahigpit ang kapit niya sa kamay ni Callum para kumuha ng lakas dito.
"You can do this, baby," sambit sa kaniya ng asawa habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang isang kamay nito. Pinikit niya ang mata niya para ikalma ang sarili at iinda ang sakit.
"Breath in, breath out, baby... just calm down," marahan na ani nito sa kaniya.
Kaya mo 'to Kristel... kaya mo 'to...
Hindi niya alam kung ilang minuto siya nagtiis hanggang sa makarating sa hospital. Sinakay siya sa wheelchair at mabilis inasikaso ng mga nurse papunta sa delivery room.
"Kaya mo pa ma'am? Wala pa po si doctora Sunnie, ang alam niya po kasi talaga bukas kayo manganganak. Papunta pa lang po siya," nag-aalalang sambit ng nurse sa kaniya. Umiling siya kaagad para iparating dito na hindi niya na talaga kaya.
"H-hindi na ako makakapaghintay, h-hindi ko na talaga kaya," naiiyak na ani niya rito.
"Call any doctors, now!" sigaw ni Callum dito.
"Isa lang po ang free ngayon si Doc Jeremy—"
"Fucking no! it's a guy!" react agad ng asawa nang marinig na lalaki ang doctor.
"P-pero po siya lang po talaga—"
"No! find other doctors!" matigas na sambit nito sa nurse. Kahit hirap na hirap na siya ay nagawa niya pa rin hampasin ito dahil sinisigawan nito ang nurse na wala namang kasalanan kung bakit lalaki lang second option na magpapaanak sa kaniya.
"Huwag niyo pansinin 'yan! Tawagin niyo na kung sino— ahhh!" Napasigaw siya lalo sa sakit at pakiramdam niya na lalabas na talaga ang anak nila.
"N-no, baby! I don't want another man to look what's mine—"
"Bwisit ka—ahhhhhh! Hindi ko na talaga kaya! A-ayaw ko na sa'yo Callum!" Iyak niya dahil sa sakit. Hindi niya na talaga kaya pa, lalabas na ang anak nila.
"H-hey, y-you don't mean it..." Hindi niya ito pinansin kahit mukhang kinabahan talaga sa sinabi niya.
"I'm here! Sorry, I didn't expect that your baby will come out today." Nakahinga siya ng maluwag nang nakarating na si doctora Sunnie.
"Okay, breath in breath out, mrs Ross," sinunod niya ang doctora at ginawa ang sinasabi nito. Ang isang kamay niya ay hawak hawak ni Callum. Hindi na ito nagsasalita dahil sa kaba.
"You can do this baby," he murmured.
"One... two, three, push!" ani ng doktora sa kaniya.
"Ahhhhhhhhhhhhhhh!" sigaw niya habang iniire ang anak palabas sa kaniya. Bawat pag-ire niya ay gano'n din ang paghihigpit ng hawak niya sa kamay ni Callum. Para na siyang nahihilo dahil umiikot ang paningin niya dahil sa sakit na nararamdaman.
"One more time! Push!"
"Ahhhhhh!"
"He's here... it's really a boy, congratulations." Mabibigat ang paghinga niya habang pilit na tinitingnan ang anak nila. Malakas itong umiiyak kaya na pangiti siya. Sobrang saya ng puso niyang makita ito.
Naramdaman niya ang paghalik ni Callum sa noo niya.
"Thank you so much, baby. I love you," malambing na ani nito. Ngumiti lang siya at hindi na nakasagot dahil tuluyan na siyang kinain ng kadiliman.
***
After she gave birth to their son, Clark Kiefer Ross, her husband are trying his best to help her in anyways. Parang bawat araw ay mas nahuhulog siya sa asawa. Hindi ito nagrereklamo kahit anong utos niya rito. Minsan ay pagnagigising sila ng madaling araw dahil sa pag-iyak ng anak nila ay ito na mismo agad ang tumatayo para patahanin ang anak.
Hindi ito nagpapakita na nahihirapan kahit wala na itong masiyadong tulog dahil sa pag-aasikaso sa kanila at sa trabaho.
"Sleep, wife. Ako na ang bahala kay CK," ani nito sa kaniya habang buhat buhat ang anak. Kakatapos lang niya magpa-dede rito at pinapatulog na ni Callum.
Napatingin siya sa orasan at 1am na. Naawa na siya kay Callum dahil wala pa itong pahinga. Galing kasi ito saglit sa opisina at kakauwi lang ng alas-diyes ng gabi at inasikaso kaagad silang dalawa ng anak.
Alam niyang patulog pa lang ito pero naudlot dahil sa pag-iyak ng anak. Tumayo siya at umiling rito.
"Ako na, nakatulog naman ako kanina dahil binantayan ng mga kapatid ko si CK. Ikaw ang dapat matulog na dahil alam kong pagod ka," saway niya rito at kinuha ang anak. Hinele niya agad ito nang umiyak.
"But—"
"No buts! Ang tigas din ng ulo mo eh!" bulong niya rito. Tumingkayad siya at hinalikan ang labi nito.
"Sige na tulog na! malapit na matulog si CK." Wala na itong nagawa at hinalikan na lang siya sa noob ago humiga muli.
Nabawi niya naman kasi ang tulog niya kanina. Bumisita ang mga kapatid niya kasama ang mama nila pati ang anak ni Maymay.
Ilang minuto niya pang hinele si CK bago tuluyang makatulog ito. Marahan niyang inihiga ito sa crib para hindi magising. Naghintay lang siya saglit kung iiyak pa ba ito at nang hindi na ay tumabi na rin siya kay Callum.
Mukhang naramdaman siya ng asawa dahil awtomatikong pinalupot nito ang kamay sa bewang niya at hinatak siya para mayakap ng husto.
"I love you, baby," bulong nito.
"I love you too, Callum," sagot niya bago ipikit ang mata at isiksik ang katawan dito.
Never in her life she expected that she was going to find a man who will love her unconditionally and held her hands tighlty. Marami silang naging problema na hindi nila sigurado kung kaya ba nila lagpasan.
Lahat tayo ay hindi perpekto, lahat tayo ay may mga pangit na ugali at may nagawang pagkakamali.
Pero kahit gano'n mayroon pa rin na isang tao na tatanggap sa'yo ng buong buo kahit sino o ano ka pa. 'Yong taong hindi ka pababayaan at hindi ka basta basta bibitawan sa kahit anong pagsubok ang dumating sa inyo.
She's proud that callum is her the one.
Next is epilogue...
BINABASA MO ANG
Warning: Don't Fall (Housemaid Series)
RomanceKristel Marie Simera is a 23 years old, half korean woman who is working under Domestica International Agency. She is working as a maid. Since her mother has a dialysis, she strive to earn a money in different ways. Graduate lang siya ng senior hi...