CHAPTER 15

2.2K 71 0
                                    


"Nako ma'am! Bakit ka ba kilos ng kilos, kami na po ang bahala maglinis dito," saway sa kaniya ni Jura. Tumutulong kasi siya sa paglilinis dahil hindi pa naman siya inuutusan ni Callum.

Isang linggo na siya rito pero wala man lang itong inutos sa kaniya na mabibigat na bagay. Nararamdaman niyang hinahayaan siya nito na makapagpahinga at hindi niya iyon gusto. Malaki ang sahod niya at higit sa lahat ay nag-uumpisa na ang treatment sa kaniyang ina. Naka-schedule na rin ang operation nito sa susunod na linggo.

Kung hindi siya kikilos ay para siyang tamad na sumasahod ng malaki. Napaka-unfair naman no'n para sa iba.

"Okay lang ako —"

"Hi! Is Callum home? Kanina pa siya hindi sumasagot sa tawag ko." Napalingon siya at nakita niya ang babae na pamilyar ang boses. Matangkad ito at maputi, elegante tingnan pero nakasimangot ang magandang mukha.

"Ay ma'am Arianna, hindi po kayo nagsabi na pupunta kayo!" natutuwang sambit ni manang Conching.

"Manang si Callum ba wala rito o tinataguan lang ako?" nakasimangot na tanong nito kay manang. Siya naman ay nakatingin lang dito. Hinddi siya p-pwedeng magkamali, ito ang narinig niyang boses na nagpakilala sa kaniya bilang fiancé ni Callum sa tawag.

Akala ko ba ay wala pang babaeng nakakapasok dito maliban sa kasambahay at pamilya ni Callum?

Tumikhim siya at binaba ang tingin sa mop na hawak.

"You must be his maid who runaway?" tumawa ito pero maganda pa rin tingnan. Bigla tuloy siyang na-insecure sa sarili. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito.

"Kilala mo ako?" tanong niya. Tumango ito at ngumiti sa kaniya.

"Of course! Mukhang bibig ka ba naman — I mean, you remember me? Did you recognize my voice? Nakausap kita noong gabi na nasa davao kami! I'm so sorry! Natarayan kita dahil akala ko isa ka sa mga linta ni Callum."

"Huh?" wala sa sariling bulalas niya dahil hindi niya ito maintindihan. Nagsisimula ng lumipad ang utak niya kung saan saan. Hinatak siya nito at dinala sa sala para umupo sa sofa. Nagpatianod naman siya dahil talagang hinatak siya nito. Inagaw pa ni Jura ang mop sa kaniya at sinenyasan siya na makipagkwentuhan sa babaeng ito.

"Ikaw ang fiancé ni Callum 'di ba?" tumawa ito sa tinanong niya.

"Girl! Acting lang 'yon! At sa acting na 'yon ay napahamak ako! Paano pala kung bawiin talaga ni Callum 'yong gift niya sa akin for honeymoon namin ng soon to be hubby ko?! Nangako pa naman siya ng tatlong bansa!" pinagkrus nito ang kamay at sumimangot na naman.

"Tatlong araw na lang at ikakasal na ako tapos hindi ko pa nakukuha ang ticket! Kaya nga ako nandito para kulitin siya." Napahawak siya sa ulo niya at pilit iniisip lahat ng mga sinasabi nito.

"H-hindi ka f-fiance ni Callum?" tanong niya pa ulit.

"Pinsan ko siya, girl! Lagi kong ginagawa 'yon pagkasama ko si Callum. Close kasi kami at sa sobrang close ay pinapakialaman ko na ang buhay niya, tuwing may tumatawag na babae ay acting as fiancé na ang peg ko!" tumawa ito ng malakas. "Well, naiinis kasi ako dahil napakababaero! Totoo naman na babae talaga ang lumalapit at naghahabol sa kaniya kahit wala siyang gawin pero pinapatulan niya pa rin. Kaya nga nagulat talaga ako ng umabot ng lagpas isang buwan na wala siyang kasamang babae!"

"So... walang fiancé si Callum?"

"Wala! Sorry ha? Ikaw na ba ang nagpatino sa pinsan ko? Girlfriend ka na ba niya? Alam mo bang nagalit 'yon dahil nalaman niyang tinago ko ang cellphone niya noong nasa davao kami. Paano ba naman kasi tunog ng tunog at naiirita ako, kaya ang ginawa ko ay sinasagot ko lahat ng tawag at pagbabae ang boses ay nagpapanggap na akong fiancé para naman kahit papaano ay may mga tumigil."

Warning: Don't Fall (Housemaid Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon