CHAPTER 21

2K 62 0
                                    


Nakatulala lang siya hanggang sa makauwi sila ni Callum sa hotel room. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngayon. Gusto niyang matawa at gusto niya ring umiyak.Akala niya okay na, akala niya magiging masaya na siya. Hindi ba pwedeng tumagal tagal muna ang kasiyahan niya bago na naman siya bigyan ng pagsubok? Masiyadong masakit ang nangyayari ngayon.

"Baby," tawag sa kaniya ni Callum at tiyaka siya niyakap. Parang switch iyon dahil doon na bumuhos ang luha niya.Napayakap siya ng mahigpit sa binata. Binuhos niya lahat ng sakit na nararamdaman niya.

"I'm sorry... I'm sorry, baby." Umiling siya rito, gusto niyang sabihin na hindi naman nito kasalanan pero walang lumalabas na salita sa bibig niya.

Sobrang bigat ng puso niya. Halo-halo ang emosyon niya ngayon, pakiramdam niya ay babagsak na ang katawan niya dahil sa sobrang bigat at sakit.

"H-hindi pwede... h-hindi sila pwedeng ikasal, Callum. P-paano na tayo? H-hindi pwede," iyak niya rito. Hindi niya kaya mawala si Callum. Nangako na siya na magpapakasal sa binata. Handa na siya na ito ang makasama panghabang buhay, hindi niya na kaya pakawalan ito.

"Hindi rin ako papayag," matigas na sambit ni Callum. "We're going to marry first. Hindi kita papakawalan para lang maging step-sister."

Mas masakit sa kaniya ang part na nalaman niya na ina ni Callum ang pakakasalan ng ama niya. Oo nga't hindi sila blood related, walang problema roon pero pag kinasal ang dalawa ay magiging step siblings sila. Hindi maganda iyon sa paningin ng ibang tao. Wala naman siyang pakialam sa sasabihin ng iba pero naging tutol ang dalawa nang nalaman ng mga ito na may relasyon sila ni Callum higit pa sa boss at empleyado.

"Hush now, baby. Calm down, please? Ako ang gagawa ng paraan." Pinatahan siya ni Callum at pinakalma kahit alam niya na ito rin ay galit sa ina. Tama nga ito, sarili lang ng mga ito ang iniisip. Sariling kaligayahan na pati ang mga anak ay mawawalan ng kalayaan at kaligayan para lang sa mga ito.

Bastos na kung bastos pero hindi siya makapaniwala na nagsama ang dalawang selfish na tao.

Natulog siya ng may mabigat na nararamdaman. Tanghali na siya nagising dahil pakiramdam niya pagod na pagod ang buong pagkatao niya. She's physically and mentally exhausted.

Paggising niya ay wala si Callum sa tabi niya. Nakita niya ang isang note sa side table na may sulat ng binata.

- I'll just talk to my mom. I love you, baby.

She let out a heavy sigh. She knows that Callum doesn't want to face his mother, but he's now doing it because of her and them.

Napatingin siya sa kaniyang cellphone nang makitang may mensaheng pinadala ang ama.

- Break up with Azell's son. We're going to continue our marriage.

Pinikit niya ang mata at kinalma ang sarili. Hindi niya ito ni-reply-an dahil hindi niya ito susundin. Hinanap nga siya nito at nagpakita sa kaniya pero ito naman ang gagawin, muli na naman siya nitong sinaktan. Nasaktan na siya noon dahil hindi niya man lang ito nakita noong bata siya at wala itong suporta na ibinigay. Ngayong malaki na siya, naghanap nga ito kung may anak pero ganito naman ang gagawin sa kaniya.

He wants to be clean in front of his fiancé. Iyon ang dahilan kung bakit siya nito hinanap.

Bumangon siya at naligo para kumalma at malamigan ang katawan niya. Ayaw niyang isipin ng husto ang panibagong problema. Masaya na siya dahil sa wakas ay okay na ang kaniyang ina. Akala niya magandang desisyon ang makipagkita sa ama pero hindi pala.

Pagkatapos niya maligo ay saktong pagdating ni Callum. Seryoso ang mukha nito at namumula ang mata. Hindi siya nagsalita at sinalubong na lang ng yakap ang kasintahan.

Warning: Don't Fall (Housemaid Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon