CHAPTER 23

1.9K 53 1
                                    


"Grabe! Ilang tao ang na-hire mo para rito?" tanong ni Arianna sa kaniya. Nasa event hall sila kung saan siya magpo-propose kay Kristel at pagkatapos no'n deretso kasal.

Nagmamadali sila kaya hindi na siya nakapagplano agad para pag-propose sa dalaga. Kahit natanong niya na ito ng ilang beses ay gusto niya pa rin mag effort para rito. He's willing to give everything for her.

"Alam mo bang kakagaling lang namin sa honeymoon? Mabuti na lang gusto ko si Kristel!"

"What a reason, hindi ba pwedeng dahil pinsan mo rin ako?" Inirapan siya ni Arianna nang makaupo. Malapit na matapos ang pag-aayos ng event hall na ni-rentahan niya. Kinuha niya kasi si Arianna dahil magaling ito sa mga pagdi-disenyo hindi lang sa loob ng bahay kun'di kahit anong klaseng event.

"One million ang talent fee ko ha?" bulalas nito na ikinanuot ng noo niya. "What? Talent fee ko 'to! Nagbigay ako ng effort at isa pa kailangan ko ng pera para pang dagdag sa bibilhin naming mas malaking bahay, for our future kids, you know."

"You have millions in your bank account and your husband is goddamn rich too," inis na sambit niya rito. Chineck niya ang mga emails niya sa laptop. Doon na rin kasi siya nagtrabaho habang nakaantabay sa mga ginagawa sa event hall.

"Mas barya lang 'yon sa'yo! Tiyaka isa pa't para kay Kristel naman 'to ah!" Napailing na lang siya dahil ginamit na naman nito ang pangalan ng nobya. Alam na alam nito ang kahinaan niya.

"Do you work properly. If Kristel becomes happy with this, I double the amount."

"Talaga?! Omg! Wala ng bawian ah?!" sigaw nito at tuwang tuwa na tumayo para asikasuhin at i-check ang mga empleyadong nag-aasikaso.

Napatingin siya sa relo nang mapansin na magdidilim na. Ala-sais na ng gabi at kailangan niya na umuwi para sabay silang mag dinner ni Kristel. Nagsabi rin kasi siya kila manang na magluto ng mga masustansiyang pagkain para sa dalaga.

Yes. He's planning to impregnate Kristel. Iyon ang plan b niya kung sakali man na maging kumplikado ang lahat. Hindi niya hahayaan na mapaghiwalay sila ng kahit sino. He's also ready to have a family with her. Iniisip niya pa lang na magkakaanak siya sa pinakamamahal niya ay halo halo na ang emosyon na nararamdaman niya. Nanginigbabaw ang kasiyahan sa puso niya. Ngayon niya lang naramdaman ang ganito. Thinking to build a happy family with her lovely soon-to-be wife.

Alas-siyete siya nakauwi sa bahay at pagkapasok niya pa lang ay aligaga na ang dalawa niyang kasambahay.

"Sir!" gulat na sigaw ni Jura. "Na-nandito na po pala kayo," sambit nito at tumawa habang kumakamot sa ulo.

"What are you two doing here in the living room?" tanong niya sa mga ito. Mukha kasing aligaga ang dalawa at hindi mapakali.

"Nagpaalam si Kristel kanina na lalabas lang siya saglit para bumili sa grocery at gusto ka niyang ipagluto. Mga alas-tres siya nakaalis dito at ngayon hindi pa rin bumabalik," paliwanag ni manang Conching na mas kinalukot ng mukha niya. Mabilis niyang nilabas ang cellphone at agad tinawagan ang dalaga pero nakapatay naman ang phone nito.

"Tinawagan na rin po namin kanina bandang ala-sais para tanungin kung nasaan na po siya. Akala po kasi naming naglibot libot lang pero po nakailang tawag na po kami hindi sumasagot, yung pangatlong tawag ko ay bigla ng nakapatay ang cellphone."

Napahawak siya sa sintido niya. Puno ng pag-aalala ang nararamdaman niya sa oras na 'yon. He pull some connections so police will find Kristel immediately. Wala pang 24 hours pero iba ang pakiramdam niya. Tinawagan niya na rin si Troy para humingi ng tulong.

Hindi siya nakatulog sa araw na 'yon. Hangga't hindi niya nahahanap ang dalaga ay hindi siya makakatulog.

"Check this," ani ni Troy ay inabot sa kaniya ang laptop. Pumunta na rin kasi ito sa bahay niya at kasama nito si Triumph, ang pinsan ni Troy na isang hacker.

Warning: Don't Fall (Housemaid Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon