Ilang araw ang lumipas. Tapos na rin ang kasal ni Arianna. Siya pa nga ang nakasalo ng bulaklak kaya todo asar ang mga kaibigan nito na nakilala niya noong bridal shower. Masaya siya dahil nakilala niya ang pinsan ni Callum at mga kaibigan nito.
Ang pamilya ni Arianna ay mabait din sa kaniya at tuwang tuwa ang magulang nito na may nakapagbago kay Callum. Hiyang hiya pa nga siya dahil nakilala niya rin ang ama nito na tinanggap siya ng buong puso. Alam ng mga ito na naging maid siya ng binata at ngayon ay personal assistant na. Ang hindi lang nila alam ay ang mga detalye kung paano nangyari ang lahat.
Kasalukuyan silang nasa Cebu dahil ito na ang araw ng operasyon ng kaniyang ina. Abot langit ang kaba niya nang makapasok na ang ina sa operation room.
"Everythings going to be alright, baby. Your mom is strong," sambit ni Callum habang nakahawak sa kamay niya.
"Salamat... babawi talaga ako sa lahat ng utang ko sa'yo," ani niya rito.
"It's on the contract, baby. You are still my personal assistant. It's your benefit."
"Pero ginawa mo lang naman 'yon dahil gusto mo akong matulungan."
"Stop worrying about money. Don't think about it. The important thing is your mom is going to be okay now. Mababawasan na ang problema mo."
She hugged Callum tightly. Kung ito ang blessing na binigay sa kaniya ng diyos, ang makilala si Callum ay nagpapasalamat siya ng buong puso. Hindi dahil ito ang sumagot sa mga gastusin ng kaniyang ina sa hospital kun'di dahil sa suporta nito at pagmamahal na binibigay sa kaniya.
All her sacrifices are worth it. Alam niyang pagsubok lang ito at may ibibigay sa kaniya ang diyos na magmamahal sa kaniya at magpapasaya sa kaniya, at iyon na nga ang binata.
Tatlong oras silang naghantay sa labas ng operation room. Sa sobrang kaba ay hindi niya magawang kumain kahit bilhan pa siya ni Callum. Ang mga kapatid niya ay pinauwi niya muna dahil mas makabubuti kung nasa bahay lang ang mga ito lalo na si Maymay na buntis.
Napatayo siya agad nang lumabas ang doctor. Callum held her hands when they face the doctor.
"The operation was a success. Ililipat na siya sa kwarto niya." Nanghina ang mga tuhod niya kaya muntikan na siyang bumagsak kung hindi nahawakan ni Callum ang kaniyang bewang. Naiiyak siya dahil sa wakas ay hindi na mahihirapan pa ang kaniyang ina. Hindi na ito mapapagod kakapunta ng hospital para sa dialysis at mas mapapahaba pa ang buhay nito.
"Thank you doc," sambit ni Callum sa doctor. Niyakap niya ng mahigpit ang binata dahil sa saya na nararamdaman.
"Thank you, Callum..."
"You're always welcome, baby. Stop crying now." Inayos nito ang mga buhok na nakadikit sa pisngi niya dahil sa luha. Tumango tango siya rito at ngumiti. Agad niya naman tinawagan si Maymay para sabihin ang magandang balita. Tuwang tuwa ang mga ito kaya mas lalong gumaan ang pakiramdam niya.
Nang mailipat na ang kaniyang ina sa kwarto ay sumunod sila roon. Kumain lang sila saglit dahil pinipilit siya pakainin ni Callum. Wala pa kasi talaga siyang kain ng dinner dahil wala siyang gana. Nang matapos sila kumain ay ang binata ang kumilos para maglinis ng pinagkainan nila.
Mayamaya ay lumabas saglit si Callum dahil may tawag ito galing sa opisina. Alam niyang busy ito pero sinamahan pa rin siya nito. Kaya babawi siya rito bilang personal assistant nito, iyon pa rin ang trabaho niya at gagawin niya ang lahat para matulungan ito. Marami na itong naitulong sa kaniya kaya hindi siya pwedeng maging easy porket magkasintahan na sila.
Work is work.
Tumunog ang kaniyang cellphone kaya nilabas niya iyon galing sa bulsa. Nakita niya na galing sa numerong hindi niya kilala. Hindi siya palasagot ng hindi kilalang numero pero iniisip niya minsan na baka kilala niya naman iyon at emergency.
"Hello?" sambit niya nang masagot ang tawag. Lumayo siya sa pwesto ng ina at hininaan lang ang boses.
"Is this... Kristel Marie Simera?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. Kumunot ang noo niya dahil hindi pamilyar ang boses nito.
"Opo, ako po. Sino po sila?" pagtatanong niya.
"Oh, thank god! I found you!"
"Po?"
"Where are you? I want to meet you... my daughter..." Nanigas ang buong katawan niya dahil sa sinabi ng lalaki sa kabilang linya. Napatikhim siya dahil biglang nanginig ang kaniyang kamay.
"N-nagkakamali po ata kayo... baka hindi po ako ang hinahanap niyo. Pa-patay na po ang papa ko." Napahawak siya ng mahigpit sa cellphone niya. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito.
"I'm sorry, anak. Please, meet me. I want to meet you." Pinatay niya ang tawag dahil hindi na siya makapagsalita. Masaya na siya pero may gugulo na naman sa kaniya? Wala sa isip niya na makikita niya pa ang ama. Para sa kaniya ay wala na ito matagal na. Tinanggap niya na wala siyang ama buong buhay niya.
"Baby, we can sleep at the nearest hotel so you can rest— what happened? Why are you crying again?" Pinunasan niya agad ang tumulong luha sa mata niya. Galit ang nararamdaman niya kaya siya naluha. Umiling siya rito dahil ayaw niya na sana sabihin pa.
"It's okay. You can tell me what's bothering you." Hinawakan siya nito sa balikat at ginaya para umupo sa sofa. Hinawakan nito ang kamay niya para pakalmahin siya. Totoong galit at poot ang nararamdaman niya. Biglang gusto niya ito sumabatan dahil kung kailan okay na sila ay tiyaka ito magpaparamdam at gusto siya makita.
"May tumawag sa akin... Nagpakilala siyang ama ko at gusto niya ako makita," pagkwento niya rito. "Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa. Puno ng hinanakit ang puso ko para sa kaniya, iniwan niya si mama at ako. Buong buhay ko ay nakita kong naghirap si mama mapalaki lang ako. Wala siyang paramdam at binigay na suporta sa akin tapos ngayon sasabihin niya gusto niya akong makita?" Napabuga siya ng hangin.
"What if there's a reason behind it? Hindi ko siya kinakampihan, but I'm thinking some possibilities that there's a valid reason why he leaves your mother knowing she was pregnant by you."
Umiling lang siya. Sumasakit ang ulo niya. Ayaw niya muna isipin ang tungkol doon.
"Rest first, baby. 'Wag mo na lang munaa isipin ang tungkol diyan. I support what your decisions are. I love you," malambing na sambit nito at niyakap siya.
Nagpapasalamat talaga siya na narito ito sa tabi niya. Ayaw niya na mag-breakdown at mag-isip pa ng mag-isip. Ang gusto niya na lang ay magpahinga at kumalma ang isipan at puso niya.
BINABASA MO ANG
Warning: Don't Fall (Housemaid Series)
RomanceKristel Marie Simera is a 23 years old, half korean woman who is working under Domestica International Agency. She is working as a maid. Since her mother has a dialysis, she strive to earn a money in different ways. Graduate lang siya ng senior hi...