Kagaya nga ng sinabi ni Callum, may tatlong babae ang pumunta sa bahay para ayusan siya. Galing ang mga ito sa sikat na mga Korean makeup artist.
"Can you speak Korean?" tanong ng isang koreana na naglalagay ng fake nails niya.
"Uh, no." Mabuti na lang ay kahit papaano ay marunong siya mag ingles.
"But you're half Korean, right? Because you look like one," she smiled. Tanging tango at ngiti lang ang tugon niya. Nang matapos ilagay ang mga fake nails niya sa kamay ay sinimulan naman nito linisin ang kuko niya sa paa para lagyan ng nail polish. Ang isa naman ay nag-uumpisa ng lagyan ng makeup ang mukha niya.
Nakinig lang siya sa music na pinapatugtog ng mga ito. Na-relax siya at muntikan pa makatulog dahil magaling ang mga ito sa pag-aasikaso sa kaniya. Halos dalawang oras siya inayusan at nang makapagbihis na ay lumabas na siya sa kwarto dahil nakatanggap na siya ng mensahe kay Callum na ready na ito at siya na lang ang hinahantay.
"Beautiful," he said while looking at her. Nag-init ang pisngi niya dahil sa papuri nito.
"H-hindi naman," ani niya nang makalapit.
"So that's what you call being humble? You're lying to yourself," he said with an amusing smile.
"Hindi naman kasi talaga," ulit niya pa. Para sa kaniya common lang ang itsura niya, siguro ang mas iba lang sa kaniya ay ang porselanang puti at kinis ng balat.
"Let's go. The Lamborghini is waiting for us outside." Dumulas ang kamay nito sa bewang niya. Hinayaan niya na lang ito at hindi na nagsalita. Mag-eenjoy muna siya sa ganap ngayong gabi. Ngayon lang siya a-attend ng ganitong party at excited siya makita ang lugar pero kinakabahan din lalo na't sigurado siyang may mga taong hindi siya gugustuhin doon.
Sumakay sila sa Lamborghini, mabuti na lang na hindi ito nag-drive dahil alam niyang pagod ito galing sa trabaho.
"Ah, thank you nga pala sa kwintas at hikaw na binili mo para suotin ko lang ngayong araw. Ibabalik ko rin agad pag-uwi natin mamaya," ngumiti siya rito para magpasalamat.
Bumaling naman ito ng tingin sa kaniya. Dahil nakatabi ito ng husto sa kaniya, paglingon nito ay mas lumiit pa ang distansiya nila sa isa't isa.
"It's yours now, baby."
"Huh?" Gulat siyang nakatingin dito dahil sa narinig.
"I said it's yours now," sambit ulit nito. Hindi siya bingi para hindi marinig ang pag tawag nitong 'baby' sa kaniya.
Tinikom niya ang bibig at hindi na lang ito pinansin. Naramdam niya ang pag-akbay nito sa kaniya kaya tiningnan niya ito.
"Sir, ano pong ginagawa mo?" mahinahong tanong niya rito. Nag-uumpisa na naman kasi ito sa mga galawan nito sa mga babae. Tiningnan siya nito ng nakakunot ang noo.
"If you call me sir and use that 'po'again, I'll punish you in my own way."
Nagpakawala siya ng maiksing tawa, nangti-trip na naman ito at alam niya iyon.
"Sir 'wag po ako ang pag-trip-an m —"
Lumuwa ang kaniyang mata sa gulat nang sa isang iglap lang ay nakadikit na ang labi ng binata sa kaniya. Nailapat niya ang isang palad sa malapad nitong dibdib para kumuha ng suporta. Masiyadong malalim ang paghalik nito, gusto man niyang umalis pero nakahawak ang isang kamay nito sa batok niya.
Unti-unti siyang napapikit at tuluyan ng kinain ng apoy na biglang tumupok sa pagkatao niya. 'Yong tipong gusto niya humiwalay na hindi sa halik.
"Uhm..." she let a small moan when Callum enter his tounge to her mouth. Napakapit siya sa damit nito nang gumapang ang isang kamay nito sa bewang niya hanggang sa gilid ng dibdib.
BINABASA MO ANG
Warning: Don't Fall (Housemaid Series)
Любовные романыKristel Marie Simera is a 23 years old, half korean woman who is working under Domestica International Agency. She is working as a maid. Since her mother has a dialysis, she strive to earn a money in different ways. Graduate lang siya ng senior hi...