Kakatapos lang nila kumain sa isang restaurant, dahil nga hindi na sila nakakain sa birthday party. Tuluyan na silang umalis doon dahil ayaw niya nang mapaaway pa si Callum. Muli niya itong nilingon at tahimik lang itong nakatingin sa labas ng sasakyan.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya rito dahil sinabi nito kanina na hindi pa sila uuwi. Bumaba ang tingin niya sa kamao nito na nagkaroon ng pasa.
"In my home," he said in a lower voice.
"Akala ko ba hindi pa tayo uuwi?" tanong niya ulit dito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kamay nito na may pasa. Hindi na siya nakatiis at hinawakan niya na iyon. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang ba 'yon o saglit talaga itong natigilan.
"Not in my house that we're currently staying. We are going to my real home," sambit nito at hinuli ang kamay niya para hawakan.
"A-ang dami mo palang bahay," ani niya at nautal pa dahil marahan na pinipisil nito ang kamay niya.
"We currently staying at my temporary house. I'm going to sell it after a year. Hinahantay ko lang matapos ang malaking mall at mart na mas malapit sa village na 'yon para mas maibenta ko ng malaki."
Tumango naman siya sa paliwanag nito. Kaya na rin siguro kaunti lang ang gamit, akala niya ay minimalist lifestyle lang si Callum.
Medyo mahaba haba ang byahe nila at nakaidlip siya ng isang oras. Nang makarating sila ay doon niya nakita ang isang malaking bahay. May guard sa gate na sumalubong sa kanila at may dalawa rin na kasambahay na gising pa rin kahit gabing gabi na.
"Magandang gabi po sir, ma'am." Bumati rin siya pabalik bilang galang sa mga ito. Kung ang bahay na pinag-stay-an ni Callum ay dalawang palapag lang, ito namang bahay ay may tatlong palapag at ibang-iba ang disenyo. Ang mga ilaw ay kakaiba ang itsura at halata mong mamahalin. Malinis ang buong bahay at napakalawak. Ang hagdan nito ay transparent na may mga ilaw sa bawat hakbang mo. Nalula siya dahil sa ganda, para siyang nasa isang mansion.
"Welcome to my home, baby," he whispered and back hugged her. Nagulat siya sa inasta nito kaya hindi siya agad nakaimik.
"Ang ganda pala ng bahay mo," bulalas niya dahil walang masabi. Tila ba ay nawala ang focus niya. Mabuti na lang ay umalis na sa harapan nila ang dalawang kasambahay.
"Come with me," he said and held her hand. Wala siyang nagawa kun'di sumunod dito. Sumakay sila sa elevator para tumungo sa third floor. Para siyang timang na manghang mangha sa elevator sa loob ng bahay. Ito na ata ang pinakamagandang bahay na napuntahan niya sa buong buhay niya.
Nang makarating sa third floor ay dumeretso sila sa dulong kwarto. Gamit ang fingerprint ni Callum ay bumukas ang pintuan no'n at doon niya nakita ang isang mini bar sa loob ng kwarto.
"Can you drink with me? Or just accompany me while I'm drinking if it's okay with you."
"Okay lang sa akin na nandito ako," sagot niya dahil nawala na naman ang antok niya dahil nakatulog siya ng isang oras sa sasakyan.
Ngumiti ito ng malawak bago siya bitawan ng binata. Tumungo ito sa bar counter at kumuha ng alak na naroroon.
"Mahilig ka talaga uminom?" tanong niya rito nang makaupo sa sofa.
"Yes. How about you?"
"Hindi masiyado, pag gusto ko lang matulog agad umiinom ako ng beer." Hindi naman kasi siya umiinom ng maramihan. Never pa nga siyang nalasing dahil pag umiinom siya ay isang beer lang. Minsan niya lang din iyon ginagawa, pangpatulog.
"Try this tequila rose. It's delicious." Lumapit ito sa kaniya dala ang dalawang bote ng alak pati na rin ang dalawang baso.
"Okay lang ba ang kamay mo? Hindi ba kailangan i-cold compress 'yan?" tanong niya nang mapatingin na naman sa pasa nito.

BINABASA MO ANG
Warning: Don't Fall (Housemaid Series)
RomansaKristel Marie Simera is a 23 years old, half korean woman who is working under Domestica International Agency. She is working as a maid. Since her mother has a dialysis, she strive to earn a money in different ways. Graduate lang siya ng senior hi...