Pricilla's POV
"Adik ka ba?" my best friend asked in disbelief. "Mali na nga na nakipagtalik ka sa kaaway mo tapos dadagdagan mo pa ng isang kamalian? Nahihibang ka na ba?"
"Anong magagawa ko? Tinalikuran ako ni Max. Christine, hindi ito pwedeng malaman ng mga magulang ko. Mapapatay nila ako!" I stated as I pointed myself. "Paano ko maipapanganak ang batang ito kung wala na akong buhay, aber?"
"Good point," she asked and I shook my head.
Gosh, this girl...
"Still, abortion is not an option, Pri. It will never be," pagtutol niya sa gusto ko.
"Then, what will I do? Soon, my belly will grow and they will find out about it. Anong sasabihin ko? Nabuntis ako ng kaaway namin? May tinatago kaming relasyon at ngayon ay nabuntis niya ako?" sarkastiko kong tanong.
"Pri, you're already three months pregnant! It's too risky to have an abortion. Just think of another way than ending that child's life."
I couldn't think of anything else anymore.
"Christine, It's clear that I don't know what to do anymore."
"Pri, hindi mo pwedeng patayin ang anak mo. Kasalanan 'yan sa Diyos. And I know you, you can't commit that kind of crime."
"What should I do then? Put this kid for adoption?" mungkahi ko.
"That's better than killing your kid."
I guess she's right.
...
My legs won't stop shaking as I wait for the doctor to call me.
Kasama ko ngayon si Christine dito sa opsital para magpacheck-up sa unang pagkakataon at para rin makapagschedule agad sa magiging OB ko ang tungkol sa adoption.
"Ms. Sanchez, kayo na po ang next," sambit nung isang nurse na kagagaling lang sa opisina ng doktor.
Sabay kaming tumayo ni Christine at nagtungo sa loob ng opisina ni doktora.
"Hi, Ms. Sanchez. It's nice to see you again." Nakangiting bati ni Dr. Legazpi.
Siya 'yung nag-asikaso sa akin noon nung may hinala ako na buntis ako.
"Hi, doc. Kaibigan ko po pala, si Christine," pakilala ko sa kanya at tinuro siya.
"Hi, hija. It's nice to meet you."
"You too, doktora." Nakangiting sabi ni Christine.
"Anyways, let's go check your baby." Tumango naman ako at pumunta na dun sa kama para humiga samantalang si Christine naman ay nanatiling nakatayo sa tabi ko.
Bahagyang inangat ni doktora ang aking tiyan at pinahiran ito ng malamig na gel bago binuksan ang ultrasound machine sa tabi niya.
"The baby looks fine, the heartbeat looks okay, maayos din ang development ng mga body parts niya. Everything's on tract, Pricilla." Nakangiting ani ng doktor.
Bahagya naman akong ngumiti at tumingin sa screen ng ultrasound.
When I saw the baby, I felt something rose inside me. It's not anger, it's happiness.
"Doc, is it possible---" agad kong tinakpan ang bibig ni Christine para matigil siya sa pagsasalita.
"Possible for what?" tanong ni doktora.
"What she meant was, is it possible to know the baby's gender?" I lied.
"Oh that," she chuckled. "Well, it's possible pero hindi siya a hundred percent accurate 'yung makikita. Minsan kasi, 'yung posisyon ng bata ay medyo awkward kaya hirap ma-detect kung ano 'yung gender niya. To have the most accurate reading, mas maganda kung five months na 'yung tiyan mo. Mas accurate na dun kung ano ang gender ng bata," mahaba niyang paliwanag.
BINABASA MO ANG
Carrying My Enemy's Baby✓ | Enemy Series #1
RomanceCOMPLETED STORY Fallejo Family. Our biggest enemy in the business society. If we have gold, they have diamonds. Our parents hate each other. And we practically do the same. We're enemies at day and secret lovers at night. We never wanted this war ou...