Chapter 16

2.7K 51 1
                                    

Pricilla's POV

"Mommy, diba bukas na tayo uuwi sa Philippines?!" excited na tanong ni Lulu.

This is the 20th time she asked that question.

"You know the answer already, anak." Natatawa kong sabi habang nagtutupi ng damit na dadalhin niya bukas.

"Ahhhhh! I'm excited!" Tili nito at nagtatatalon p sa tuwa.

I just laughed at her cuteness and continued packing her stuff.

Apat na taon. Apat na taon na ang lumipas simula nang nanirahan kami dito sa Australia.

My daughter and I went through a healing process both mentally and physically. Four yesrs later, here we are living the best lives.

Pero may kulang...

"Makikita na ba natin si daddy bukas?" umaasang tanong ni Lulu habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.

"Let's see," I couldn't give a proper answer, kasi wala din akong kasiguraduhan kung makikita ba namin siya.

It's been four years since the last time we met.

Nung makalabas ako ng ospital na 'yon ay hindi na kami muling nagkita. Wala na akong balita sa kanya, kung nasaan na ba siya at kung ano na ang lagay niya ngayon.

As for Lulu, unti-unti kong nakikita sa kanya ang facial features ng kanyang ama. She got almond brown eyes, pointy nose, and dark brown hair.

She will turn eight this month and I'm planning to celebrate her birthday in our home country.

"Anak, anong gusto mong regalo para sa birthday mo?" tanong ko at tinigil ang pagtutupi.

"Penguin!" Nakangiti niyang sabi na ikinatawa ko naman. "And daddy," she added that made me stopped laughing.

"We'll see about that," pilit akong ngumiti habang siya naman ay nginitian din ako tsaka pinagpatuloy ang paglalaro.

...

"Mommy, pwede ba nating imbitahan si Daddy Dominique at 'yung family niya?" I stopped and look at him with amusement in my eyes.

Alam niyang may ibang pamilya na si Dominique pero laking gulat ko na lang talaga na tanggap niya 'yon at mukhang okay lang talaga sa kanya.

"It's your choice, anak," halos napipilitan ko nang sabi.

Hangga't maari ay ayoko talaga makita ang dalawang 'yon lalong-lalo na si Goldie dahil siya ang may pakana kung bakit kami muntik mapahamak ng anak ko.

"Really? I can?" masaya niyang tanong na ikinangiti ko naman.

"Yes," I plainly said.

"Thank you, mommy!" tuwang-tuwa nitong sabi at niyakap pa ako.

"You're welcome, anak."

Sa makalawa na ang kaarawan ni Lulu at kasalukuyan kong inaayos ang mga invitation cards na ipapamigay sa mga kaibigan niya dito sa Pinas at sa mga ilan kong kakilala.

Mamayang hapon naman ay dadaan kami ni Lulu sa boutique shop para kunin na ang binili kong dress para sa birthday ni Lulu.

Gusto kong dito na lang sa bahay ganapin ang kaarawan ni Lulu para hindi ganun ka-hassle at ito na rin kasi ang request ni Lulu dahil ayaw niya na daw lumayo pa sa bahay.

Isang linggo na pala simula nang makabalik kami dito sa Pinas at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam, ni hindi ko din alam kung nasaan na rin siya ngayon.

I was really hoping for him to show up after we got here but I never saw him, not even his relatives.

Dati ay halos magkalat ang apelyido nila sa buong maynila dahil nga lubos nang sikat ang pamilya ni Max pero ngayon, kahit isa ay wala akong narinig na Fallejo mula sa mga nakakasalumuha kong tao.

"Nak?" Napalingon ako sa nagsalita at agad bumungad sa akin si mommy na nakadungaw sa pinto.

"Yes, my?" tanong ko at tinigil saglit ang aking ginagawa.

"Do you need any help?" tanong niya at tuluyan nang lumapit sa akin.

"Kind of, I need to put all of these inside and envelope," sagot ko habang tinutukoy ang mga invitation cards.

Naupo naman si mommy sa gilid ng kama at sinimulan akong tulungan ilagay ang mga pina-print kong invitation cards sa isang maliit na black and white colored envelope.

Penguin ang theme ng birthday ni Lulu kaya naman ay itim at puti ang kulay ng party niya.

"Mommy, can I ask you something?" basag ko sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.

"Go on, honey."

"Paano kung balikan ko si Max? Papayag na kayo ni daddy?" agad namang natigilan si mommy sa ginagawa niya at mabilis akong tinignan.

It took her a few seconds of silence before she could finally say something.

"Honestly, I have no problem with you having a relationship with him," she confessed. "I just can't defend you to your father. Parehas tayong takot sa kanya, parehas tayong mahina sa harap niya."

"Bakit ba talaga may gulo sa pagitan ng pamilya natin at pamilya ni Max? I know it's not just about money and the company. There's much more, right?" I asked and she slowly nodded.

"Your father and him were best friends since high school. Before your father met me, he has a girlfriend. Unfortunately, Max's father likes the girl as well."

"Wait, so babae ang una nilang pinag-agawan?" gulat kong tanong at muli siyang tumango.

"Neither of them got the girl though. Nakahanap sila ng mga sari-sarili nilang mamahalin tapos dun nagsimula ang pag-aagawan nila ng pera, koneksiyon at fame. Yeah I know, your father is an asshole but I still married him."

I cringed at that fact.

"Why?" I asked, almost in a disgusted tone.

"I was already pregnant with you. May choice siya na takbuhan ang responsibilidad niya pero hindi, hindi niya ako tinalikuran."

Kaya pala ganun na lang ang galit niya kay Max nung nalaman niyang tinalikuran ako ni Max noon.

"One more question, mom. Bakit wala akong kapatid? Didn't you try to have another kid again?" I curiously asked.

She took a deep breath, preparing herself to answer me.

"Nung nanganak ako sayo, nagkaroon ako ng mga komplikasyon sa ovaries kaya nawalan ako ng kakayahang mabuntis ulit. Your father and I tried different ways to have another kid but always fail," malungkot nitong kwento.

"M-masaya ba si daddy na dumating ako?" alanganin kong tanong.

Tears blinded my eyes when she didn't answer immediately.

"I-It took him some time. Your daddy always wanted a boy, b-but never got one. But it doesn't mean that he don't love you! He loves you so much, you're his princess," pagpapagaan ni mommy sa loob ko.

I jist nodded and continued packing the invitation cards.

It all make sense now.

The way he neglected me and being cold towards me when I was a child.

"He loves you, Pricilla. It just took him some time to realize that."

"Kung mahal niya ako, sana pinayagan niya na lang akong mahalin ang taong gusto kong makasama habang buhay," she went silent.

Hindi ko na alam kung sino ang sisisihin ko dahil sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon eh.

To be continued

Carrying My Enemy's Baby✓ | Enemy Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon