Pricilla's POV
Why am I such an idiot?!
"Mommy, okay ka na po?" tanong ni Lulu habang nagbabalat ng orange.
"Yes, anak. Thank you," sambit ko nang iabot niya sa akin 'yung nabalatan na niyang orange.
"Sabi po ni daddy, pupunta daw po tayo sa beach bukas!" excited na sabi ni Lulu na medyo ipinagtaka ko naman.
"Ha? Pupunta daw tayo sa beach?" I asked and she nodded.
Bakit walang sinasabi sa akin si Max?
Bago pa ako makapagsalita ulit ay muling bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Max na may dalang mga plastic bags.
"Nakausap ko na 'yung doktor, pwede na daw tayo umuwi mamayang gabi," sambit nito habang nilalagay sa lamesa ang mga binili niya.
Kaagad din naman itong nilapitan ni Lulu dahil halos kalahati ng mga binili ni Max ay hiling ng kanyang anak.
"How are you feeling?" tanong niya at naupo sa gilid ng kama.
"Better. Sorry pala sa ginawa kong kahihiyan," hiyang-hiya kong sabi at 'di man lang kayang tignan si Max nang diretso sa mata.
"It's fine, baby," he lift up my chin. "You're cute when you're jealous though," he let out a little laugh.
"Akala ko kasi talaga ay may relasyon kayo nung pinsan mo nung nakita ko kayo dun sa grocery store." Napapakamot na lang ako sa aking ulo tuwing naaalala ko ang katangahan ko. "How come I haven't met her before?" takang tanong ko.
Bago pa kami magkahiwalay noon ni Max ay kilala ko na halos lahat ng mga pinsan niya at ang iba sa kanila ay ka-close ko pa.
"Sa ibang bansa kasi sila nakatira at bihira lang sila pumunta dito sa Pinas. Hindi rin masyadong close 'yung mga magulang niya sa amin kaya madalang lang kami magkita," paliwanag niya na ikinatango ko naman.
"Anyway, ano 'yung sinasabi ni Lulu na pupunta daw tayo sa beach?" pag-iiba ko na lamang ng usapan at sinulyapan ang aming anak na abala sa kinakain nitong tsokolate.
"Yeah, we're taking a vacation in Siargao. Magpapahinga ka muna ngayong araw tapos bukas tayo aalis."
Tumango na lamang ako at inubos na ang natitirang orange na nasa kamay ko.
...
"Mommy, anong oras tayo aalis?" halatang gustong-gusto na ni Lulu na makaalis kami agad.
"Uh, hindi pa umuuwi si daddy eh. Pag-uwi ni daddy, aalis na agad tayo," sagot ko.
She just sighed and burried her face on the pillow.
Wala talagang pasensya ang anak ko.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng mga natitira naming mga gamit habang pinapanood si Lulu na halos sumabog na sa inis habang hinihintay ang tatay niya.
Bale isang linggo kami dun sa Siargao pero konti lang ang dala naming mga damit dahil sabi ni Max ay may mga gamit na daw kaming nakahanda dun.
Meron kasi siyang nabiling beach house dun sa isla at gusto niyang magbakasyon na kami dun. Dahil summer break na rin naman nila Lulu ay pumayag na rin ako.
Makaraan ang higit sampung minuto at sa wakas ay dumating na rin si Max galing sa kompanya.
"Daddy! Ang tagal mo!" pagmamaktol ni Lulu nang lapitan siya ng kanyang ama.
Mahina namang natawa si Max tsaka siya hinalikan sa noo.
"I got stuck in traffic, princess. Are you bored here?" tanong ni Max at sunod-sunod namang tumango si Lulu. "Alright, let's go na."
BINABASA MO ANG
Carrying My Enemy's Baby✓ | Enemy Series #1
RomansaCOMPLETED STORY Fallejo Family. Our biggest enemy in the business society. If we have gold, they have diamonds. Our parents hate each other. And we practically do the same. We're enemies at day and secret lovers at night. We never wanted this war ou...