Dominique's POV
"Make sure this rumor won't spread. Matagal nang issue ito pero hindi pa rin mawala-wala," inis kong sabi sa mga board members. "Can you tell me why this rumor kept spreading?!"
"Sir, day by day, nakakahanap ng mga bagong info ang mga tao na mas lalong nagpapatunay na totoo ang rumor," sagot ng isa sa kanila.
"Come on, I already told you to clean this up months ago. Anong ginagawa niyo? Wala! Wag niyong hintayin na ako pa ang gumawa ng trabaho niyo!" I slammed my fist on the table making them looked at me.
Suddenly, the door flew opened and my assistant came running in.
"Sir! Tumawag po ang mommy niyo. Manganganak na daw po si Ma'am Pricilla!" agad akong nilamon ng kaba at mabilis na bumalik sa opisina ko para kunin ang susi ng akin kotse at ang gamit ko.
Halos paliparin ko na ang sasakyan ko sa sobrang bilis ko at makailang beses pa akong muntik nang mabangga bago pa ako makarating sa opsital.
"Excuse me, I'm looking for Pricilla Vasquez," pagkuha ko ng atensyon dun sa nurse na nasa nurse's station.
"Kaano-ano niya po kayo, sir?" tanong nito nang angatan niya ako ng tingin.
"I'm her husband."
"Sir, nasa room 201 po siya kasama 'yung mother-in-law daw po." Tumango naman ako at nagpasalamat sa kanya bago kumaripas ng takbo papunta dun sa sinabi sa akin na kwarto.
When I got there, I saw my mom standing outside the door.
"Son," tawag niya sa akin nang makita niya ako.
"Hi, mom," bati ko at nakipagbeso sa kanya. "Where's my wife?" I asked.
"Inside. Lumabas muna ako kasi binigyan siya ng epidural. You know how much I hate needles." Natatawa niyang sabi. "Pumasok ka na sa loob, kanina ka pa niya hinahanap. Call me if you need anything.
Tumango naman ako at dahan-dahang binuksan ang pinto.
I gulped when I saw her with her legs open wide while the doctor is sitting infront of her opening.
"Sir, are you the husband?" tanong ng isang nurse nang makalapit siya sa akin.
"Y-yes," I answered still looking at her.
"Pwede niyo po siyang lapitan. She's ready for delivery, sir," the nurse announced as I nod my head and walked towards my wife.
Mukhang hindi niya napansin ang presensiya ko kanina dahil gulat niya akong tinignan nang hawakan ko ang kamay niya.
"Shh, I'm here," pag-alo ko sa kanya nang magsimulang magtubig ang kanyang mga mata.
"Are you ready, Pricilla?" we both looked at the doctor as Pricilla nodded. "Okay. One, two, three push!" agad akong napangiwi nang mapahigpit ang pagkakahawak ni Pricilla sa kamay ko.
"Keep breathing, love," bulong ko habang hinihimas ang tuktok ng ulo niya.
"Okay, good! Another push, Pricilla!" the doctor kept encouraging her.
"Ahhh!" Sigaw niya kasabay nang pagbagsak ng kanyang ulo sa unan.
"Keep going, love. You're so great," patuloy kong bulong habang hinihimas ang likod ng kamay niya.
She breathe in and out and gave another push.
"Konti pa, Pricilla. Nakikita ko na 'yung ulo ng baby," anunsiyo ng doktor at bigla naman akong nakaramdam ng saya.
"Only a head?!" reklamo ni Pricilla at palihim naman akong natawa.
"Soon, she will be out, love. Just keep pushing," malambing kong sabi at hinalikan ang kanyang noo.
BINABASA MO ANG
Carrying My Enemy's Baby✓ | Enemy Series #1
RomansaCOMPLETED STORY Fallejo Family. Our biggest enemy in the business society. If we have gold, they have diamonds. Our parents hate each other. And we practically do the same. We're enemies at day and secret lovers at night. We never wanted this war ou...