Chapter 15

2.8K 52 2
                                    

Pricilla's POV

I heard it all. I heard everything that he said.

Mahigit tatlong buwan na ang lumipas magmula nang maaksidente kami ng anak ko. Sa kabutihang palad ay hindi ganun kalala ang natamo ng aking anak dahil kung nagkataon na may nangyaring masama sa kanya, hinding-hindi ko patatahimikin ang mga taong dahilan ng aksidente.

Si Dominique pala ay hindi ko na muling nakita magmula nang dinala kami ng mga magulang ko dito sa Australia.

Hanggang ngayon ay walang nagsasalita tungkol sa nangyari noon. Pilit tinatapon ng mga magulang ko ang mga pangyayari at maging ako ay pilit na ring kinakalimutan ang mga 'yon maliban sa mga sinabi ni Max.

Alam kong tulog ako nung mga oras na 'yon pero nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko, tila nagising ang buong sistema na tila ba may epekto ang paghawak sa akin ng kung sino man ang nasa tabi ko.

Then, I heard his voice. At first, I don't want to listen to him but when I heard him crying, something in me told myself that I should listen.

"So, daddy is not my real daddy?" tanong ni Lulu habang hawak ang litrato namin ni Max.

"Yes, baby. He is your real daddy," sambit ko at tinuro si Max.

Tumingin naman si Lulu dito at ang buong akala ko ay itatanggi niya ang mga nalaman niya pero bigla na lang siyang ngumiti at muling tumingin sa akin.

"When can I meet him?" she asked.

"Soon, baby. He promised that he will be with us again soon."

"I can't wait, mommy!" masaya nitong ani na tila ba nakalimutan na agad ang lalaking tumayo bilang kanyang ama simula pa nung bata siya.

Kailan kaya siya babalik?

"Wag kanang umasa na babalik pa ang hinayupak na 'yon," singit ni daddy na kakarating lang sa pwesto namin ni Lulu.

"Daddy, nandito 'yung anak ko," suway ko sa kanya.

I was referring to his words.

"Lulu, sa kwarto ka muna. Kakausapin ko lang ang mommy mo," utos nito sa aking anak.

Tumango naman si Lulu at naglakad na paakyat sa kanyang kwarto.

Ako naman ay muling napatingin kay daddy na ngayon ay masama na ang awra ng mukha.

"Wag mo nang hintayin ang pagbabalik ng lalaking iyon. He will never come back," giit niya.

"Hanggang kailan pa ba, daddy? Hanggang kailan mo ba pa kami papaikutin sa palad mo?" I snapped. "Wala kaming kinalaman sa away niyo ng ama ni Max, dad. Bakit pilit niyo kaming dinadamay? Dad, pagod na pagod na kaming sumunod sa mga gusto niyo. Pati anak ko na walang kasalanan ay nadadamay. Dad, kahit bali-baliktarin mo ang mundo, si Max pa rin ang ama ng anak ko. Si Max pa rin ang tunay na mahal ko. Hindi ko agad narealize ang lahat ng 'yon dahil binulag niyo ako sa mga kasinungalingan niyo! Ngayon, saan ako dinala ng mga kagagawan niyo? Napahamak kami ng anak ko, muntik nang mawala sa akin si Lulu." Tumayo na ako mula sa sofa at naglakad na paalis dun.

I'm tired of being controlled.

...

"You really got the nerve to show up after everything that you had done to my daughter?!" hindi pa man din ako nakakalabas ng bahay ay rinig na rinig ko na agad ang umaalingawngaw na boses ng aking ama mula sa labas.

Pagkarating ko sa main door ay dun ko lang napagtanto na si Dominique pala ang kausap niya.

I haven't seen him in months. And dad's right, he really has the guts to show up after what happened before.

"I know I made a mistake, but please, let me talk to Pricilla. I want to apologize to her personally," pakiusap nito sa aking magulang.

"Hindi pa ba pumapasok diyan sa isipan mo na hindi mo na pwedeng makita pa ulit ang anak ko?!" nanggigigil na tanong ni daddy.

"Please, sir," he begged.

Hanggang ngayon ay clueless pa rin ako kung paano napawalan ng bisa ng mga magulang ko ang kasal namin. Or naging legal nga ba talaga ang kasal na iyon?

Bago pa muling makapagsalita si daddy ay nagpakita na ako sa kanilang tatlo.

"Pricilla, get inside now!" mariing utos ni daddy habang tinuturo ang pintuan ng bahay.

"No," walang emosyon kong sagot. "I'll take care of this," I grabbed his shirt and dragged him towards the gate.

Pwersahan ko siyang itinulak dahilan para tuluyan siyang mapalabas.

"Get out of here," malamig kong pagtataboy sa kanya.

"Pri, listen to me---"

"Stop talking!" I shouted. "Akala ko kaibigan kita."

"Pri..."

"Akala ko kakampi kita. Bakit mo'ko niloko?" tears began forming in my eyes.

"Pri, I-I didn't mean it," depensa niya pa.

"You know I've already been hurt before. Bakit mo dinagdagan?" I saw tears in his eyes.

How dare he cry infront of me?!

Silence then filled the gap between us. A few seconds passed and he finally broke down.

"I'm sorry." Umiiyak niyang ani habang nakaluhod sa harapan ko. "I met Goldie when we migrated in America. Bata pa lang kami nun pero sobrang close namin sa isa't isa. Eventually, we took our relationship into the next level. Naging kami hanggang sa nakapagtapos kami ng pag-aaral. I proposed to her and we were suppose to get married but your dad marry you off to me. I know it sounds that I'm cheating but when I found out they want you to marry me, I immediately said yes without even telling this to Goldie. T-then, I-I got her pregnant kaya kinailangan ko siyang pakasalan din," tuloy-tuloy niyang pag-amin.

"Ang g*go mo rin talaga eh 'no?" sarkastiko kong sabi habang pinupunasan ang luha ko. "Dahil sayo, marami ang nasaktan. You know, it's about time you go back to your own family," walang gana kong sabi.

He'll be better off with Goldie and their son.

"Pero---"

"Go," I cut him off. "Thank you for everything, I owe you a lot but it doesn't mean I will forgive you now. Sa ngayon, itama mo muna ang mga mali mo. Bumalik ka na kay Goldie, bumalik ka na sa tunay mong pamilya. Lulu and I will be better without you."

I saw him tearing up again until he stood up and hugged me.

Hindi ako gumalaw at hinayaan na lamang siyang yakapin ako habang umiiyak sa aking balikat.

"I'm sorry, take care," bulong niya habang mahigpit ang yakap sa akin.

Tunay ngang hanggang kaibigan lang ang nararating ng iba sa buhay mo.

Dominique and I are really destined to be just friends.

But I'm not done with them yet. I'll make sure that Goldie will receive the punishment she deserves for putting me and my daughter in danger.

Tama na ang pagiging mahina, Pricilla.

To be continued

Carrying My Enemy's Baby✓ | Enemy Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon