Chapter 19

2.5K 46 5
                                    

Pricilla's POV

It's been about a year since we became a family.

Naging maayos ang pamumuhay namin. Laging nagb-bonding ang mag-ama ko, araw-araw bumabawi sa amin si Max, araw-araw ay laging may ngiti sa aking labi. Bagay na ilang taon kong hindi nagawa.

Sobrang saya ko dahil sa wakas ay kumpleto na rin kami ng pamilyang pinapangarap ko.

But, the thing between Max and I still remained unlabeled.

Hindi ko alam kung magjowa ba kami o ano dahil hindi naman namin pinag-uusapan ang mga bagay na 'yon.

Masaya ako sa pamilya ko pero hindi ko pa rin maiwasang magtaka kung ano nga ba ang meron sa aming dalawa.

Everything is falling into the right places. Until...

"I'll be home late, love. Marami kasi aasikasuhin sa kompanya eh," this is the fifth time he told me that.

Yes, nasa iisang bubong kami nakatira at si Max ang nagsuggest na magsama-sama na kaming tatlo.

"Be careful on the road, okay?" bilin ko habang inaayos ang necktie nito.

"I will," he kissed me on my cheek and hurriedly left the house.

Lord, masasaktan na naman ba ulit ako?

I know he's not cheating, he'll never be. But, what if?

I could feel my cheeks getting wet from the tears.

Lord, pwede tama na please? Hindi ko na yata kakayaning masaktan ulit.

Gulat naman akong napaangat ng tingin nang marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko.

"Love, I forgot my--- hey, what's going on?" lahat ng hawak niya ay mabilis niyang binagsak sa sahig tsaka ako sinalubong ng yakap. "Baby, what's going on? Why are you crying?" sunod-sunod niyang tanong habang mahigpit akong yakap.

"I-It's nothing, pumasok ka na sa trabaho," utos ko habang pilit na kumakawala sa kanyang yakap.

"No, talk to me. What's going on?" he held my chin and tried to made eye contact with me.

When I saw his eyes, I cried like a baby once again.

Hindi ito nagsalita at ikinulong na lang ako sa kanyang mga bisig.

Lumipas ang ilang minuto at nakatayo pa rin kami dun habang ako naman ay patuloy lang sa pag-iyak hanggang sa bigla ako nitong binuhat at dinala sa kusina.

Ibinaba niya ako sa counter tsaka siya kumuha ng baso at tubig at ibinigay ito sa akin.

Medyo nahimasmasan naman ako nang inumin ko 'yon kaya medyo tumigil ang pag-iyak ko.

"What happened, baby?" tanong niya habang pinupunasan ang luha ko.

"Iiwan mo ba ako?" natatakot kong tanong, labis na ipinagtaka niya.

"What? Why would I do that? Ilang taon kitang hinintay, ngayon na nasa akin ka na, bakit kita iiwan?"

"J-just some random thoughts," sagot ko na lamang at muling yumakap sa kanya. "You better get going, baka mahuli ka sa trabaho," bulong ko habang yakap pa rin siya.

"I'm not going. Dito muna ako sayo," malambing nitong sabi habang hinihimas ang likod ko.

Makaraan pa ang ilang minuto ay dinala na ako nito sa sala bago ako iniwan para magpalit ng damit.

Wala pala ang anak namin dito ngayon, nagbakasyon siya ng isang linggo dun sa mga magulang ko.

I was just staring at something when someone hugged me from the back.

"Feeling better?" bulong nito habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

I just nodded and hugged his arms around me.

...

Kung ang sweet namin kahapon, hindi na ngayon.

He left so early in the morning for work. I'm not even awake when he left.

Pagbaba ko papunta sa kusina ay may nakita akong nakatakip na almusal at may sticky note din dun sa lamesa.

Hey, love. I'm sorry I left so early. I made you breakfast, make sure you eat, hmm. I love you, I'll see you later.

Naupo na lamang ako sa stool at sinimulang kainin ang inihanda niyang pagkain.

It taste weird though, but I still managed to eat everything.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na rin agad ang pinagkainan ko bago muling umakyat sa taas para makaligo na.

Balak kong mag-grocery na lang muna dahil paubos na rin ang stocks dito sa bahay.

Nagsuot lang ako ng jeans at nagtuck-in ng white shirt na may design at white shoes.

Siniguro ko munang nakapatay ang lahat ng appliances dito sa bahay bago ako umalis at nagtungo sa pinakamalapit na grocery store dito sa amin.

Pagkarating ko dun ay walang masyadong tao kaya naman ay kumuha na ako ng push cart at agad din nagtungo sa mga aisle kung nasaan ang bibilhin ko.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pamimili ay may nakita akong isang pamilyar na tao sa 'di kalayuan kung saan ako nakatayo.

I saw him picked some fresh bouquet and walked towards a cart. He's not alone though...

Halos magwala ang puso ko sa sobrang galit nang makita kong inabot niya ito dun sa babaeng may dala ng cart.

I saw her smiled as she held the flowers that Max gave her!

Imbis na puntahan sila ay mabilis akong tumakbo palayo at iniwan na lang ang mga pinamili ko. Unti-unting lumalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang kanina ko pa pinipigilan at nang makabalik ako sa kotse ay dun lang ako humagulgol ng sobrang lakas.

"Ano bang kasalanan ko at lagi na lang akong nasasaktan?!" Sigaw ko habang hinahampas ang manibela at minsan ay natatamaan ko din 'yung busina kaya pati sasakyan ko ay nag-iingay.

Maya-maya pa ay may kumatok sa bintana ko at paglingon ko ay dalang guwardya ang bumungad sa akin.

"What?!" tanong ko nang ibaba ko ang bintana ng kotse.

"Ma'am, okay lang kayo?" tanong nito habang parehas silang nakatingin sa akin.

"Oo. Nakita ko lang naman na may ibang kaharutan 'yung ama ng anak ko. Hindi naman masakit eh, paulit-ulit naman akong nasaktan noon. Sanay na ako," sarkastiko kong sabi habang patuloy pa rin ang pag-agos ng aking luha.

"Ma'am, bumaba muna kayo ng sasakyan," utos nung isang guard sa akin.

Wala akong gana makipagsumbatan pa sa kanila kaya lumabas na lang ako.

"Ay, ma'am! Ma'am, okay lang kayo?" rinig kong sabi nung dalawa nang matumba ako sa bisig nila.

I felt so weak. Gusto ko pang umiyak pero wala nang lumalabas sa mga mata ko.

"Hoy, tulungan niyo kami! Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw nung isang guard habang niyuyugyog ako nung kasama niya.

Nakita ko pa kung paano magkagulo ang mga tao dun bago ako tuluyang nawalan ng malay kasabay nang pagtulo ng huling luha mula sa mata ko.

To be continued

Carrying My Enemy's Baby✓ | Enemy Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon