Maximo's POV
"Do you think she'll like this?" I asked my cousin and handed her the flowers.
"Yes! Who else won't like this?" Nakangiti nitong tanong at maingat na inilagay ang bulaklak sa cart.
"I guess that's everything," sagot ko habang tinitignan ang mga item na nilagay ko sa cart.
"Edi tara na, malamang ay hinihintay ka na ng asawa mo." Nakangiti niyang sabi.
"Soon-to-be wife, Kayla," pagtatama ko.
"It's the same, kuya," depensa pa nito sa akin.
Dahil konti lang naman ang tao sa counter ay mabilis kaming nakabayad kaya nakalabas na rin kami agad ng grocery store at mga taong nagkukumpulan ang agad na bumungad sa amin.
"Anong nangyayari dito?" tanong ni Kayla habang patingin-tingin sa paligid.
Isang ambulansya ang pinagkukumpulan ng mga tao at halos manlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ay pinapasok sa loob ng ambulansya.
"Excuse me! Tabi! That's my wife!" Sigaw ko habang pilit na sumisingit dun sa mga tao.
Nang malapitan ko siya ay halos manlumo ako nang makita ko ang mga bakas ng luha sa kanyang mukha.
"What the hell happened?!" tanong ko dun sa mga nag-asikaso kay Pricilla.
"Sir, kaano-ano niya po kayo?" tanong ng isang nurse.
"I'm her husband. What happened to her?!"
"Sir, sabi po ng mga guards na nakakita sa kanya, hinimatay na lang daw po siya bigla," sagot nito at tuluyan na nilang pinasok sa loob ng ambulansya si Pricilla.
Nang makaalis sila ay mabilis namin itong sinundan gamit ang sasakyan ko at wala pang sampung minuto nang makarating kami agad sa ospital.
"Sir, hanggang dito lang po kayo," pagpigil sa akin ng mga nurse nang isugod nila si Pricilla sa emergency room.
Nanatili akong nakatayo dun harapan ng pinto habang nakasilip dun sa maliit na bintana.
Makaraan ang ilang minuto ay lumabas na 'yung doktor na sumuri kay Pricilla.
"Sir, ikaw po ba 'yung asawa nung pasyente?" tanong niya nang lapitan ko siya.
"Yes, how is she?" nag-aalala kong tanong.
"There's nothing to worry about, tumaas lang ang blood pressure niya kaya siya hinimatay. Aside from that, wala naman akong nakikitang problema. Kailangan niya lang magpahinga at pagkatapos nun ay pwede na siyang ma-discharge," mahaba nitong paliwanag at sunod-sunod naman ang pagtango ko.
Nang ilipat na si Pricilla sa isang private room ay agad din naman akong sumunod sa kwarto niya habang nakasunod naman sa akin ang pinsan ko.
"Ang ganda talaga ni Ate Pricilla," komento ni Kayla nang isara ko ang pinto ng kwarto.
"Sobra," I proudly said.
Naupo ako sa kanyang tabi at kinuha ang kamay niya tsaka ito paulit-ulit na hinalikan.
"Nasaan pala 'yung anak niyo?" tanong ni Kayla at naupo dun sa mini sofa.
"Nagbabakasyon dun sa mga magulang ni Pricilla. Baka next week pa makauwi ng bahay 'yung anak ko."
"Ano ulit pangalan niya?" she asked again.
"Lulu Alyana Fallejo."
"Wow, dinidiinan 'yung salitang Fallejo," pang-aasar nito na ikinatawa ko naman.
Nanatili kami dun sa kwarto ni Pricilla at ilang oras ding nagkwentuhan hanggang sa naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni Pricilla na kanina ko pang hawak.
"Baby?" I whispered and stood up from my seat.
She slowly opened her eyes and when she looked at me, I smiled at her.
"Hi, baby. How are you feeling?" tanong ko at hinaplos ang tuktok ng kanyang ulo.
Sa halip na sumagot ay agad niya akong pinagtutulak palayo sa kanya at paminsan-minsan ay may kasama pa 'yung hampas.
"Hey! What's going on?!" naguguluhan kong tanong habang pilit na inaawat ang mga kamay niya sa paghampas sa akin.
"You're a cheater! Ang lakas ng loob mong mangaliwa, baka nakakalimutan mong may anak na tayo! I hate you!" walang tigil nitong sabi habang lumuluha na.
I'm a what?! A cheater?! Since freaking when?!
"Baby, I don't what you're talking about! Look, I will never cheat on you!" depensa ko pero umiiling lang ito habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha.
Wait, did she saw me with my cousin and thought that she's my mistress?
I don't know, but the thought made me laugh a little making her rage with anger even more.
"Oh, so you're laughing now! Akala mo nakakatawa 'yon?! You're hurting me!" parang bata nitong sabi.
I managed to stop her from slapping and eventually hugged her to stop her from moving.
"Get off me! I hate you!" ngawa nito habang pilit akong tinutulak pero mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.
She's so cute.
"Hey, listen to me. I'm not cheating on you," I reassured her.
"You're not for now, but you will soon! Tignan mo nga, ang lakas ng loob mong dalhin 'yang babae mo dito!" Bulyaw nito sa akin at sapilitang kumawala sa bisig ko para makaharap si Kayla. "Hoy, ikaw na babae ka! Hindi porket binigyan ka ng bulaklak ng tukmol na 'to, maiinlove ka na agad! Baka gusto mong ihampas ko sayo lahat ng binigay nito sa akin! Ang for your information, may anak na kami! Ako ang nakauna sa kanya, kaya pwede ba ay humanap ka na lang ng iba!" walang tigil nitong sabi at kahit takpan ko ang bibig nito ay ayaw niyang magpapigil.
Imbis na mainis ay natawa na lang din si Kayla sa mga pinagsasabi ni Pricilla.
"Aba, talagang tinatawanan niyo pa ako ha! Dun na nga kayo, magsama kayong dalawa! Aalis na lang kami ng anak ko!" agad akong natigil sa pagtawa nang marinig ko ang huling sinabi niya.
Delikado, baka totohanin niya.
"Baby, listen. As much as I want to tease you more, ayokong mataguan ng anak. Look, Kayla here is my cousin and the flowers is not for her, it's for you," kalmado kong paliwanag.
Ang kaninang galit niyang itsura ay unti-unting napalitan ng gulat at hiya.
"W-what?!" gulat nitong tanong habang papalit-palit ang tingin sa amin ni Kayla.
"Plus, hindi kami pwede, ate," singit naman ni Kayla na mas lalong ipinagtaka ni Pricilla.
"Why?"
"Well, bukod sa magpinsan kami, hindi kami talo ni kuya," sagot niya ulit na ikinatango ko naman.
"Oh," I bet she's screaming inside. "I'm sorry," nahihiya nitong sabi habang nakayuko.
I smiled at her cuteness and lift up her chin.
"Baby, it's okay," I reassured her and kiss the top of her nose. "At least, alam ko na kung gaano mo ako kamahal," pang-aasar ko kaya naman ay agad akong sinamaan ng tingin.
I kissed her pouty lips and hugged her.
Gosh, I can't wait to marry this girl.
To be continued
BINABASA MO ANG
Carrying My Enemy's Baby✓ | Enemy Series #1
RomansaCOMPLETED STORY Fallejo Family. Our biggest enemy in the business society. If we have gold, they have diamonds. Our parents hate each other. And we practically do the same. We're enemies at day and secret lovers at night. We never wanted this war ou...