Chapter 22

2.9K 48 1
                                    

Pricilla's POV

"There! You look fabulous! And your baby bump stands out really well!" Nakangiting komento ng stylist ko matapos niya akong tulungang isuot ang wedding gown ko.

Isang buwan matapos magpropose ni Max ay agad naming inasikaso ang kasal at ngayong limang buwang buntis na ako ay ngayon na rin gaganapin ang aming pinakahihintay na kasalan.

"Thank you." Nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan ang aking sarili sa salamin.

Maya-maya lang ay biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ng silid ang mga magulang ko kasama ang aking anak na nakaayos na rin.

"Wow, ang ganda naman ng baby ko!" komento ko at nakangiti naman siyang lumapit sa akin para yakapin ako.

Nang mag-angat ako ng tingin ay naabutan kong parehas na nakatingin sa akin ang mga magulang ko.

"I'm so happy for you, sweetie," my mom said with tears in her eyes.

"Thank you, mommy," I looked at my father. "Thank you for giving Max another chance, dad."

Nalaman ko mula kay mommy na pati sila ay niligawan at inamo ni Max bago pa siya magpropose sa akin.

He really did everything to win us back.

Lumapit naman sa akin si daddy at nginitian lang ako tsaka niyakap.

"Kapag sinaktan ka niya ulit, tell me immediately. I won't let my princess get hurt again," bulong niya at mahina naman akong natawa.

"Okay, daddy." Nakangiti kong sabi at humiwalay na sa yakap.

Pagkatapos ng maikling dramahan na 'yon ay saglit naming inayos ang mga itsura namin bago lumabas ng hotel room.

The wedding will be held on one of the biggest church in the country and the theme, of course, is peony.

...

The two doors are closed infront of me. I was holding my boquet really tight while looking straight through my veil.

About a few minutes later, I could here our wedding song being played inside and it's time for the wedding march.

Ilang sandali pa akong naghintay hanggang sa sinenyasan na ako ng coordinator ko na tapos na ang wedding march ng mga bisita kaya oras na para pumasok ako sa loob.

The music became louder as it reached the chorus part while the two big doors flew open revealing myself to everyone.

My parents were waiting for me at the middle of the aisle while my soon-to-be husband is at the end of the aisle with his best man and his parents. Yes, his parents.

We got along with each other a month before the wedding.

"Mahal, dapat nasa kasal natin sila. They're your parents!" pagkukumbinsi ko sa lalaking ito pero patuloy lang ang pag-iling niya.

"No," madiin nitong sabi. "Sila ang dahilan kung bakit kayo nawalay sa akin. I won't let it happen again."

"Max, malay mo nagbago na 'yung mga magulang mo. People change, you know," I kept going on but he just ignored me. "Ayaw mo bang makita ng mga magulang mo ang mga anak mo?" I suddenly asked.

He kept quiet for a few seconds.

"Max, learn to forgive. Kung si Dominique nga, napatawad mo, tatay mo pa kaya?"

"I never forgave that asshole!" depensa nito.

"Language!" suway ko sa kanya at agad din namang umamo ang kanyang mukha. "Look, my point is, malay mo nagbago na sila. Come on, they're your parents, Max. Masamang nagtatanim ng sama ng loob, alam mo 'yan," patuloy kong panenermon sa kanya.

Carrying My Enemy's Baby✓ | Enemy Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon