Pricilla's POV
Pasado alas-singko na ng hapon at kasalukuyan akong nagdidilig ng mga halaman dito sa bakuran.
Medyo tahimik ngayon ang bahay kasi wala dito ngayon si Lulu. Nakagawian kasi na sa tuwing uuwi si Lulu galing school ay didiretso sila sa bahay ng mga magulang nila Dominique para pagpalipas ng ilang oras dun bago umuwi dito sa bahay pero ngayon ay nagtext sa'kin ang mommy ni Dominique kung pwede ba daw dun muna matulog si Lulu.
Pumayag naman ako kasi wala na rin naman siyang pasok bukas at hindi rin naman matutupad ang pangako ng tatay niya na gagala kami.
Sa totoo lang, madalas nang nagiging ganyan si Dominique. Gusto ko siyang tulungan sa kompanya kasi kahit papaano ay may alam naman ako dun pero ayaw niya akong payagan at sinabing dito na lang ako sa bahay para maalagaan ko ng maayos si Lulu.
Bago ko pa man din mapatay 'yung hose ay may biglang yumakap sa bewang ko at ang isang kamay niya ay may hawak na mga bulaklak.
"You're early," naninibago kong sabi at tsaka siya nilingon.
He smiled at me and fixed my hair before saying anything.
"I wanna make it up to you," sagot niya at inabot sa akin ang mga bulaklak.
"You don't have to," sagot ko pero tinanggap pa rin ang bulaklak.
"Love, I want to. I acted like a jerk last night," nakokonsensya nitong sabi. "Pangako, pagbalik ko mula sa business trip ko bukas, gagala agad tayo. Wala akong pake kung may pasok si Lulu," sambit niya na ikinatawa ko naman.
"Alright, as you wish," sagot ko naman.
Pumasok na kaming dalawa sa loob at pinaghain ko na siya ng meryenda at pagkatapos naming kumain ay nanood muna kami ng movie sa sala.
"Love?" tawag ko sa kanya habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya.
"Hmm?" he hummed while rubbing my back.
"W-will you ever dump me for another woman?" natatakot kong tanong.
Tila natigilan naman siya saglit sa tinanong ko kaya unti-unti akong bumangon para makaharap siya.
"Why would you say that?" nakakunot nitong tanong.
"J-just some random thoughts," sagot ko habang pilit na iniiwasang makipagtitigan sa kanya. "Will you?"
"Love, no. Of course not, I will never do it. You know how much I love you ever since we met. Hindi ako papayag na tumayong ama ni Lulu at maging asawa mo kung papalitan lang kita. You're the most precious woman I had ever met. Swerte nga ako kasi sa tagal kong naghintay para sayo, masaya akong nakuha na rin kita sa wakas," mahaba nitong wika.
Agad naman akong napangiti at yumakap sa kanya ng sobrang higpit.
I guess, I'm wrong about my thoughts.
...
"Thank you, daddy!" masayang sabi ni Lulu habang yakap ang mga laruang bigay sa kanya ni Dominique.
Bago umalis si Dominique para sa business trip niya ay binilhan niya ng isang tambak na laruan si Lulu para daw may mapaglilibangan muna siya habang wala pa ang daddy niya at bago pa ito magsawa sa kakalaro ay nakauwi na ang daddy niya.
"You're welcome, baby. Pagbalik ko, may mga bagong toys ka ulit." Nakangiting sabi ni Dominique habang hinahawi ang buhok ni Lulu.
Ayokong iniispoil niya si Lulu nang sobra-sobra pero ayaw magpaawat eh. Mabuti na lang ay alam ni Lulu ang limit niya pagdating sa mga luho niya.
"And for my beautiful wife," tila natigilan naman ako sa kinatatayuan ko nang lumapit ito sa akin habang may hawak na rectangular box. "Gusto ko, suot mo ito pag-uwi ko," sambit niya at nilabas mula sa box ang isang silver necklace tapos ang pendant ay silver plate na may nakaukit na pangalan naming dalawa.
"Ingat ka ha. Tawagan mo ako kapag nakarating kana dun," bilin ko at hinawakan ang kanyang pisngi.
"As you wish, my love." Nakangiti nitong tugon at mabilis akong hinalikan sa labi.
Pagkatapos magpaalam ay hinatid na siya ng company driver papunta sa airport kaya muli kaming naiwan ni Lulu dito sa bahay.
"Nak, tawagin mo si yaya mo, magpaligo ka na. Pupunta pa tayo kila lola diba," utos ko sa aking anak na hanggang ngayon ay naglalaro pa rin.
"Can I bring my toys there?" she asked while looking at me like a small puppy.
"Fine, but only three. Baka mawala mo 'yung iba," pagpayag ko na agad namang ikinangiti ng aking prinsesa.
Nang umakyat na siya papunta sa kwarto kasama ang yaya niya ay inayos ko na ang mga gamit na dadalhin niya papunta sa mga magulang ko.
Gusto kasi nila mommy na dun daw muna matulog si Lulu. Okay lang din naman sa akin kasi matagal-tagal rin nilang hindi nakasama ang apo nila kasi parehas silang abala sa kompanya.
...
Mahigit isang oras din yata ang lumipas simula nang dumating kami dito sa bahay nila mommy.
Kausap ko ngayon si mommy habang si daddy naman ay nakikipaglaro kay Lulu.
"Tignan mo 'yang ama mo, dati ay halos ayaw niya kay Lulu pero tignan mo ngayon, nagmistulang bata habang nakikipaglaro sa apo niya." Tumatawang sabi ni mommy habang tinatanaw namin ang dalawa na nasa damuhan.
Parehas silang nakaupo sa damuhan habang nilalaro ang mga laruan ni Lulu at minsan naman ay kinikiliti ni daddy ang anak ko kaya laging napupuno ng tawanan ang paligid.
"Wala pa ba kayong balak na bigyan ng kapatid si Lulu?" tanong ni mommy, bagay na lagi ko ding tinatanong sa sarili ko.
"Sa totoo lang, mi, hindi pa ako ginagalaw ni Dominique simula nung kinasal kami. Akala ko ay nag-iingat lang siya kasi buntis ako nun pero nung nanganak ako, wala," medyo desmaya kong sabi.
"Kinausap mo ba siya tungkol dun? Alam mo, sabi ni balae ay matagal na rin daw pinapangarap ni Dominique na magkaroon ng sariling pamilya, ng anak at asawa," paliwanag niya pero napailing lang ako biglang sagot dun sa tanong niya. "Nasaan nga pala ang asawa mo? Hindi niyo yata kasama ngayon?" nagtataka niyang tanong.
"May business trip, mi. Sa lunes o martes pa ang uwi," sagot ko naman.
"Hija, napapadalas na yata ang pag-alis ng asawa mo," tila naaalarma niyamg sabi.
"Mommy, ayokong mag-isip ng kung ano-ano. Alam ko namang mahal ako ng asawa ko at hinding-hindi niya magagawang ipagpalit ako," taas noo kong sabi kahit sa loob-looban ko ay nag-aalinlangan din ako.
"Alam ko 'yon, anak. Pero, hindi tayo sigurado. Ikaw din, alam kong may pag-aalinlangan ka din. Kung ako sayo, bantayan mo ng maigi ang asawa mo. Bihira ang mga lalaking katulad ni Dominique, baka masungkit siya ng iba," she warned me and I just nodded.
If he is really cheating on me, I will kill him and whoever that girl is.
To be continued
BINABASA MO ANG
Carrying My Enemy's Baby✓ | Enemy Series #1
RomanceCOMPLETED STORY Fallejo Family. Our biggest enemy in the business society. If we have gold, they have diamonds. Our parents hate each other. And we practically do the same. We're enemies at day and secret lovers at night. We never wanted this war ou...