Pricilla's POV
"Wag kang masyadong lumayo ha," bilin ko sa aking anak habang nilalagyan ng panyo ang likod niya para hindi ito matuyuan ng pawis.
Tumango lamang ito at halatang hindi naintindihan ang bilin ko dahil nakatuon ang atensyon niya dun sa mga batang naglalaro sa playground.
"Oh sige na, maglaro ka na dun. Wag ka mang-aaway ha."
"Yes, mommy!" Nakangiti nitong sabi at agad kumaripas ng takbo.
Ako naman ay nanatiling nakaupo dun sa bench habang nakatanaw sa aking anak na nakikipaglaro sa ibang mga bata.
As usual, wala na naman si Dominique para samahan kami dito sa parke pero sabi niya ay susunduin niya daw kami mamaya, sadyang may importante lang daw talaga siyang meeting ngayon kaya hindi niya kami masamahan.
Mahigit dalawang buwan na rin pala ang lumipas simula nung nalaman ko ang tungkol sa panloloko niya sa akin. Ginawa niya naman talaga ang nais ko dahil lagi siyang bumabawi sa amin ng anak ko para lang mapatawad ko siya pero kahit anong pilit ko, sa loob-looban ko ay hindi ako kumbinsido sa mga salita at gawa niya.
Pinagdududahan ko pa rin siya, galit pa rin ako sa kanya, hindi ko alam kung mahal ko pa siya. Hindi ko na rin alam kung minahal ko ba talaga siya.
Akala ko, nakamove-on na ako. Pero bakit parang hindi pa? Sa loob ng ilang taon naming pagsasama, akala ko talaga ay minahal ko siya. Mahal ko siya pero bilang isang kaibigan lamang. Nagmistulang panakit-butas ko lamang si Dominique at hindi ko siya kayang mahalin bilang kasintahan.
"Are you okay, miss?" tanong ng kung sino man ang nakatayo ngayon sa harapan ko.
"Yeah, I'm fine," sagot ko at agad pinunasan ang luha ko.
Nang mag-angat ako ng tingin ay halos malaglag ang panga ko dahil sa gulat.
"Goldie?" I asked while looking at her.
"Yeah. Have we met before?" tanong niya at halata ang pagtataka sa kanyang mukha.
"My name's Pricilla. Sa Paris tayo nagkakilala, dun sa hotel na parehas nating tinutuluyan," I reminded her.
It took her a few seconds to answer me.
"Oh, right!" sagot niya. "Pricilla, how'd you been?" Nakangiti niyang tanong at naupo sa gilid.
"Well, I'm good. How about you? Dito ka pala sa Pinas nakatira?" sunod-sunod kong tanong.
"Ah, no. Bakasyon lang kami dito ng mag-ama ko." Nakangiti niyang sabi at hindi ko mapigilang ang mainggit sa kanya.
"That's great," komento ko at pilit na ngumiti.
"Ikaw? Are you alone?" she asked and looked around.
"No, I'm with my daughter."
"Oh, siya 'yung ipinagbubuntis mo nung una tayong nagkita?" I nodded as an answer. "Where's your husband?" tanong niya ulit.
"At work. Ikaw? Nasaan ang mag-ama mo?" paglilipat ko na lamang ng tanong sa kanya.
"They're just wandering around," sagot niya na ikinatango ko naman ulit.
Nanatili kaming dalawa dun sa bench nang ilang minuto at nag-uusap lang ng mga bagay-bagay tungkol sa mga buhay namin hanggang sa may batamg lalaking nagtatatakbo palapit sa kanya.
"Mommy! Daddy bought me some cotton candy!" masayang sabi nito habang pinapakita ang hawak na cotton candy kay Goldie.
"Make sure you drink a lot of water ha," paalala ni Goldie na ikinatango naman ng kanyang anak. "Ah, Pricilla. Anak ko pala, si Jayson," pakilala niya sa bata habang hinahaplos ang buhok nito.
"Hi, Jayson." Nakangiti kong bati sa bata.
Ngumiti naman ito pabalik at iwinagayway ang kanyang kamay sa akin bago tinignan ulit si Goldie.
"Mommy, daddy said we have to go," pagbibigay-alam nito sa kanyang ina.
"Oh, we have to go, Pricilla. It's nice meeting you again," pormal niyang paalam at tumayo na mula sa bench.
"It's nice meeting you again, Goldie. I'll see you around, take care." Nakangiti kong sabi habang nakatingin sa kanila.
"You too," sagot niya at hinawakan na ang kamay ng anak niya tsaka sila naglakad paalis.
Ako naman ay napatingin sa kalangitan at napansing medyo dumidilim ang kalawakan. Mukhang uulan na kaya naman ay tinawag ko na ang anak ko para makauwi na kami at baka abutan pa kami ng ulan sa daan.
"Pero susunduin po tayo ni daddy diba?" tanong niya habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan ko.
"I'm sorry, baby, pero kailangan na nating umuwi ngayon eh. It's about it rain and you might get sick," sagot ko at sinakay siya dun sa car seat niya.
I was about to hop in as well when a car from afar caught my eye.
Sobrang layo ng pwesto ko mula dun sa kotse pero agad ko itong natanaw dahil sa makintab nitong kulay.
Nang lumabas siya mula sa kotse ay agad siyang sinalubong ng dalawang tao.
It was Goldie and her child.
My heart scattered into pieces when Dominique hugged them both and kissed Goldie in her lips.
What the actual fvck...
All this time, kilala ko pala ang babae niya. Ang mas masaklap, hindi ko alam kung sino ang mas may karapatan sa aming dalawa. Kung ako ba o siya.
Nagmamadali akong sumakay ng kotse habang pinipigilan ang pag-agos ng aking luha. Kaagad ko itong pinaandar paalis sa parking lot at halos hindi ako makafocus sa daan dahil paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan ang nakita ko kanina.
Nung nagkita kami ni Goldie sa Paris, si Dominique rin ba ang tinutukoy niyang fiancè niya? Ibig sabihin, ikakasal na siya sa iba nang ikasal kami?
The kid, that's why I literally saw Dominique on that kid! He got his facial features, even the way he smile.
Alam kong may mas karapatan si Goldie kay Dominique kasi sila, may anak sila pero ako 'yung unang pinakasalan eh. Ako 'yung unang naging asawa niya, sa pangalan ko unang nilagay ang apelyido niya.
But what triggers me the most was the fact that he married another girl while he was still married to me.
Alam kaya ni Goldie ang mga katarantaduhan ni Dominique? Bakit niya kami pinagsabay? Bakit hindi niya ako iniwan? I mean, na kay Goldie ang tunay niyang anak. Paano naging legal ang kasal nila? Sa ibang bansa ba sila nagpakasal? Bakit hindi ko nahalata ito? Hindi kaya sa tuwing may "business trip" siya ay dun niya lang napupuntahan ang mag-ina niya?
Before I could add anymore questions, I heard my daughter screamed followed by a car horn until I felt numb and everything slowly went black.
To be continued
BINABASA MO ANG
Carrying My Enemy's Baby✓ | Enemy Series #1
RomansaCOMPLETED STORY Fallejo Family. Our biggest enemy in the business society. If we have gold, they have diamonds. Our parents hate each other. And we practically do the same. We're enemies at day and secret lovers at night. We never wanted this war ou...