Pricilla's POV
Days, weeks and months passed by. My daughter is turning one next week and we're getting ready for her first birthday and christening.
Kasalukuyang karga ng asawa ko si Lulu habang ako naman ay abala sa pag-aayos ng venue. May mga hired staffs naman kami pero mas gusto kong chinecheck ko pa rin ang lahat para masigurong handa na ang mga ito sa oras ng party.
"Love, nasaan 'yung milk bottle ni Lulu?" tanong ni Dominique nang lapitan niya ako habang karga si Lulu.
"Nandun, love." Turo ko sa may bakanteng table kung saan nakalapag ang mga gamit ni Lulu.
Tumango naman ito at naglakad na patungo sa lamesa habang nilalaro si Lulu sa kanyang bisig.
Muli kong tinuloy ang ginagawa kong mga dekorasyon at nang matapos ako ay tsaka lang ako lumapit sa mag-ama ko.
Tulog na ang anak namin sa balikat niya pero patuloy niya itong hinehele habang patingin-tingin sa paligid.
"Akin na muna siya, love. May ic-check ka pa diba?" tanong ko at akmang kukunin na sana si Lulu pero umiling lang siya.
"I already did it, love. Don't worry, ako na ang bahala kay Lulu. Pahinga ka muna, kanina ka pa palakad-lakad eh," mahina naman akong natawa tsaka siya hinalikan sa labi.
"I love you." Nakangiti kong sabi habang nakapatong ang kamay ko sa braso niya.
"I love you more," he smiled and kissed me one more time.
Ilang oras kaming nagtagal dun sa venue at nang medyo maggagabi na ay tsaka lang kami umalis.
Buhat ko ngayon si Lulu samantalang si Dominique naman ay nilalagay pa sa loob ng sasakyan ang mga gamit ni Lulu.
"Mama?" inaantok na tanong ng aking anak habang nakahiga ang ulo nito sa may dibdib ko.
"Yes, honey?" tanong ko habang hinihimas ang buhok niya.
"Dada?" from that, I know what she meant.
"Wait lang, baby. May ginagawa pa saglit si dada," mahina kong sabi habang hinehele siya sabay tingin kay Dominique na kasalukuyang may kausap sa kanyang cell phone.
Bigla kasing tumawag 'yung assistant niya nung pasakay na sana kami ng sasakyan.
Tumango lamang ang anak ko at inayos ang pagkakahiga sa katawan ko.
Maya-maya pa ay lumapit na rin sa amin si Dominique at pinagbuksan na kami ng pinto.
Iniupo ko na si Lulu sa car seat niya habang ako naman ay tumabi sa kanya at si Dominique ay nagtungo na sa driver's seat.
Nang makauwi na kami ng bahay ay pinakain ko muna si Lulu bago nilinis ang kanyang katawan tsaka patulugin.
...
"Happy birthday, Lulu!" sabay-sabay na bati ng mga bata na nandito sa party ni Lulu.
Bahagyang inilapit ni Dominique si Lulu sa cake nito at sabay-sabay naming hinipan ang kandila na nasa taas ng cake.
Pagkatapos nun ay inasikaso ko na ang mga bisita habang si Dominique ay karga pa rin ang aming anak at pinapainom ito ng juice.
"Ma'am," agad naman akong napalingon sa tumawag sa akin at bumungad sa akin ang isa sa mga staff ng venue.
"Yes?" tanong ko at napatingin dun sa paper bag na hawak niya.
"May nagpapabigay po. Regalo niya daw po kay Lulu," sagot nito at inabot sa akin ang bag.
"Sino daw?" I asked while looking around.
"Wala pa siyang sinabi eh," sagot nito at napatango na lamang ako tsaka muling bumalik sa mag-ama.
Nilagay ko muna ang paper bag dun sa lamesa kasama ang iba pang mga regalo at muling bumalik sa party.
Makaraan ang ilang oras at matagumpay naming nairaos ang unang kaarawan ng anak namin.
Nang makauwi na ang lahat ng mga bisita ay umuwi na rin kami dala ang mga regalo at iba pang mga gamit namin.
"Mama, can I open?" tanong niya habang tinuturo ang mga regalo niya.
Napatingin ako sa orasan na nasa pader bago muling binalingan ng tingin si Lulu.
"Sure pero 'yung iba lang ha. Malapit na ang bedtime mo," bilin ko.
Sunod-sunod naman itong tumango tsaka lumapit sa kanyang mga laruan at sinimulang kumuha ng mga regalo para buksan.
PInapanood ko lang ang bawat galaw niya habang si Dominique naman ay naghuhugas ng pinggan sa kusina.
She seems not satisfied with her gifts. After she opens her gift, she's put on a frown face before putting it aside and grabbing another gift.
Mapili kasi ang batang ito kaya hindi siguro niya nagugustuhan ang regalo ng mga kaibigan niya.
She kept on frowning while opening her gifts but suddenly, her frown face turned into amuse once as she opened another gift.
"Mama, look!" masaya nitong sabi habang pinapakita sa akin ang stuff toy na penguin.
She likes that animal.
She looked more into the bag and it was full of penguin toys.
Bahagya naman akong natawa nang hindi na niya pinansin ang iba pang mga regalo at nilaro na ang mga laruan niyang penguin. Lumapit ako sa kanya at kinuha 'yung paper bag kung saan nanggaling 'yung mga laruan. Ito 'yung inabot sa akin kanina nung staff.
Hinanap ko sa buong bag kung kanino nanggaling ang regalo hanggang sa may nakita akong maliit na note card sa loob.
'Happy birthday, my little one'
That handwriting...
Dun pa lang ay alam ko na kung kanino ito galing. Paano niya nalaman kung anong hilig ng anak ko? Paano niya nalaman 'yung address ng venue?
He really has the nerve to do this after he dumped us?
...
Hinayaan ko na lamang si Lulu na laruin ang mga nakuha niya mula kay Max at agad itinago ang note nang makita kong papalapit sa amin si Domonique.
"Oh, looks like our baby is having fun." Nakangiti niyang sabi at naupo sa carpet sa tabi ni Lulu.
Pinulot niya ang isa sa mga laruan at sinimulang laruin si Lulu.
"Kanino ito galing?" tanong niya habang ang atensyon ay nasa anak namin.
"From her friend, si Chantel," pagsisinungaling ko at tumango-tango naman ito habang patuloy na nakikipaglaro kay Lulu.
Natatakot ako sa magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang nagparamdam ang tunay na ama ni Lulu.
How did he find us?
To be continued
BINABASA MO ANG
Carrying My Enemy's Baby✓ | Enemy Series #1
RomanceCOMPLETED STORY Fallejo Family. Our biggest enemy in the business society. If we have gold, they have diamonds. Our parents hate each other. And we practically do the same. We're enemies at day and secret lovers at night. We never wanted this war ou...