Kabanata 44

275 13 1
                                    


Kabanata 44

Keith



"Lala, oh my God! You... you gone girl!"

Tawang-tawa ako sa naging hiyawan nang nakalapit na kami sa mga couches. At para bang walang pagtatalo ang nangyari bago kami pumasok, I caught Keith already laughing crazily the moment he was held up by our friends who sat on the nearer seats.

Makikihalo na rin sana ako sa kung nasaan siya, kung hindi lang ako namataan nina Twinkle at Muriel. Galing sa mga malalapit na high table na madadaanan, they pulled me towards the bigger couch at walang sabi-sabi'y agad nang inabutan ng dalawang shots ng Patrón.

Sa literal na nakakabinging ingay ng tugtog ng DJ, hindi ko na alam kung papaano pa nila ako nakita. I couldn't even clearly see everyone's faces! Pakiramdam ko tuloy ay pinaabangan na nga ako ni Keith.

I was already squeezed in between my highschool friends when I looked at our other couch. Nahuli kaagad ako ng mga mata ni Keith. He was in mid-laughter when he caught my eyes and winked. Nahagip din ng strobe lights iyong pag-angat niya ng isang baso ng inumin before he downed it in one swig. I rolled my eyes at him at kumuha ulit ng isang shot.

Gusto ko na sanang magboluntaryong ako na iyong mag-g-gun, ngunit masyado na akong naiipit ng dalawa kong mga katabi para makagalaw pa. I just wished everyone here drank thrice worse than me since I had no plans of turning down any alcohol tonight.


Ayaw ko pa naman na ako iyong mauunang malasing... 


"I think we should order more Cuervo... 'no? Waiter!" muntik na ngang pumalakpak ang tenga ko sa narinig. 


I was just silently downing another shot when I realized everyone around me was giggling stupidly about something. Doon ko lang natantong buti nalang talaga at marami-rami rin ang nagpaunlak sa medyo biglaang imbitasyon ni Keith. It made everyone easily distracted and preoccupied that being the center of attention would only last you only a few good minute.


Simula noong nagsunod-sunod na ang pag-inom ko, hindi na rin ako masyadong napapatingin sa paligid at mga katabi ko. I didn't bother asking whatever it is everyone was laughing about, fearing it would only shift the momentum to me. Kaya't nag-pokus nalang ako sa kung ano ang susunod na pag-tripan sa mga nakalatag. Inaabot ko na iyong walang kamalay-malay na highball sa gitna ng mesa when Twinkle promptly shoved her elbow to my arm.


Napangiwi ako sa galaw niyang iyon. Pero hindi man lang ako natinag sa paghila noong mug at halos yakapin pa 'yon nang mapansing sumasayaw iyong mga kilay ni Twinkle. I warily smiled at her. Tinawanan niya ako.


"Uy, kumusta naman dyan?" she started, trying to scream wholly atop the violent blue lights and earsplitting house music. "Walang paramdam talaga, girl? San ka na ba nakatira? Hindi ka na umuuwi, huh. Bisita ka naman!"


"Oo nga!" Muriel immediately seconded, dunking a shot, napatingin na rin sa akin ang ibang interesado. "Dati... bago ako mag-internship, parati naman tayong nagkikita, ah? Ta's bigla ka nalang nawala? Hindi nagpapakita! Flake much?! Graduate ka na ba? Where do you work?"

Fuck...

"True... walang Facebook, walang Instagram... no social media, whatsoever," I heard them chuckling. "Parang... taong-gubat!"

Behind Curtains (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon