Kabanata 37

1.2K 29 9
                                    


Kabanata 37

Scent



Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang... umuwi ako. Although this wasn't my childhood house kind of home, hindi pa rin ako makapaniwalang nasa iisang bahay nanaman ako ng mga magulang at mga kapatid ko.

Well, I guess this was the same feeling I got when I stayed in Manila for more than my usual two weeks. Pakiramdam ko ay mababaliw ako noon, unang buwan palang. At nang tumagal ako ng hindi kumulang dalawang taon, hindi pa rin ako makapaniwalang kinaya nga. And I guess most of my thanks would be directed to Grab. Dahil kung wala iyon ay hindi ko siguro talaga maatim pumunta kahit saan nang mag-isa.

That felt like a long time ago. And although this city also has the same app, hindi ko na rin masyado nabibigyan pansin, dahil hatid-sundo na ulit ako palagi. At sa lagpas dalawang taon na panay mga magulang at mga kapatid lang ang kasama sa tuwing lumalabas ng bahay, nakakapanibagong sumakay ng ibang sasakyang maliban noong amin.


"Breakfast?"


Malakas ang kabog ng aking dibdib nang maamoy ang banyagang pabango ng kanyang pick-up truck. Fucking trucks, I wanted to hiss under my breath. Masyadong nakaka lalaki talaga ang ganitong sasakyan. Hindi pa nakakatulong na masyado rin na pa-gwapo ang may-ari nito.

Sinulyapan ko si Fabian na malaki ang ngisi sa akin. Umaandar na iyong makina at nakapag seatbelt na kami pareho, pero mukhang hihintayin niya pa nga ang sagot ko bago tumulak.

"Okay," I sighed. "Gutom na rin ako."

"Good!"

Kinunotan ko siya ng noo.

"Anong good sa gutom ako?" bahagyang natatawa kong tanong. "Gutom nga ako!"

Natawa na rin siya.

"I just meant good you're hungry, which means you'll eat with me! Ilang beses mo na akong tinanggihan, akala mo ba hindi ko bilang iyon?"

I smirked and narrowed my eyes at him. "Dahan-dahan, Engineer, konti nalang iisipin kong obsessed ka na sa akin..."

He made a face at me, at nagtawanan nalang kami sa huling sinabi.

Engineer Fabian was fun to be with. Magaan kausap at halatang sanay makipagsalamuha. Ni minsan ay hindi ko naramdamang awkward kahit na hindi naman kami parati na magkasama. He feels chill and laidback, kahit na high pressured iyong environment na kinabibilangan niya. I don't know if he is like this because he grew up as a super rich kid, but I think I've seen him work his plates while we were in University at mukhang masipag naman talaga siya.

He's a real great catch, honestly. Sa sasakyan niya pa lang ay paniguradong marami nang nagkakandarapa sa kanya. Hindi ko tuloy maintindihan kung anong tunay na pakay niya sa likod ng... pagdikit sa akin gayung hindi naman ako ganoon ka-ganda, at... lalong hindi balingkinitan ang katawan ko.

And men like him who are well-known even outside of his social circles will always look for an arm candy who'd suffice. Especially now that he's in his 20's. At the peak of both his manhood and career. I'm sure more than a lot would throw themselves at him. At sa dami noon ay paniguradong makakapili naman siya ng karapat-dapat.

O... nagkaubusan na ba ng mga pwede sa syudad, kaya't ako ngayon ang na-trip-an? He also seems pretty chill being seen with me out here, huh!

Isang liko sa pag labas ng Village ay highway na. And since our current subdivision is situated in front of the airport, we settled on eating our breakfast in a commercial complex within the right lane. Muntik pa akong natawa nang nakapasok kami sa restaurant. The rustic vibe of the bakery cafe was almost trampled by the very Valentine's Day decors!

Behind Curtains (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon