Kabanata 49
TomorrowHindi pa ako kumakatok, bumukas na ang pinto ni Sir Killian. I sighed and wordlessly got in.
"I'm sorry," I muttered after checking the time on my phone. "Ang tagal ko. Dapat tulog ka na ngayon."
Didiretso na dapat ako dito pagkatapos noong dinner namin nina Kyler. But with that bottle of wine, biglang nag-aya si Keith na mag isang bucket pa kami. Which was fine by me, dahil ang ibig sabihin lang noon, ay maaga silang makakatulog.
But almost expectedly, after Kyler went home, ay mas lalo lang na naging ganado si Keith sa pagkwento ng mga iniisip at mga pinagdaanan niya sa araw na 'yon. Alas dose na nang nakatulog sila pareho. Sinigurado ko namang mahimbing muna. At nakapagsepilyo at palit na rin ako ng damit bago tahimik na tinahak ang kwarto ni Sir Killian.
I texted him beforehand. Kaya siguro ay nakaabang na siya sa pagdating ko.
"It's okay. I was just finishing something, too.."
"Work?" tanong ko nang nakitang nakabukas ang laptop niya sa dining table. Which was situated behind a large flatscreen television.
Nasa receiving area palang ako, natanto ko na agad na sa kanya ang pinaka malaking suite ng hotel.
"Yeah.."
Itinuro ko na ang pinaka malapit na sofa "Dito na ako uupo..."
He nodded as he closed the door and walked towards me as I sat.
"I'll get you water," aniya at tumungo sa fridge. I furrowed my brows as I watched him grab a bottle.
"Teka, 'di mo man lang ako tatanungin muna?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Pa'no kung Sting pala ang gusto ko?"
"Then we'll go out and buy Sting together. I don't have Sting here," simpleng saad niya sabay labas nga ng tubig.
"Pwede naman palang ganoon. Bakit 'matic na tubig ang ibibigay mo? You did not even offer juice."
"I saw you drink, Layla, you need water," giit niya na nagpaningkit sa akin.
"May problema ka ba sa pag-inom ko?"
Umiling siya.
"Talaga? Kagabi mo pa pinupuna 'yon."
"Hindi ko pinupuna. Nakikita ko lang," aniya at natigilan. Mukhang marami pa siyang gustong sabihin pero hindi na niya itinuloy.
I just scoffed and grabbed the water bottle. Halos pangalahatian ko ito nang umupo si Sir Killian sa one-seater. He let me be on the loveseat as he laid my documents on the coffee table.
"Your papers," aniya, tapping the fat pile of envelop. "And your school documents, and modules. I filed for your leave of absence when they called me. And then your... withdrawal... eventually."
BINABASA MO ANG
Behind Curtains (ONGOING)
General FictionLayla Lagdaméo was her parents' biggest investment, and their biggest flaw. Panganay, matalino and belonged to a working middle class family, Lala was well-informed of her parents' daily sacrifices just to prioritize her comfort. Ngunit, anong ginaw...