Kabanata 41

1.3K 33 5
                                    


Kabanata 41

Casualty



He only closed his eyes tightly. While I just stayed sitting there. Mainit, at hindi ako masyado gumagalaw. But the heat and my anger made my blazer slip off my shoulders kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya para saluhin ang suot. Suko na ako sa pagtatakip ng mga balikat. Mamaya ko nalang iyon susuotin. Kapag masyado nang malamig sa sasakyan ni Fabian...

Sinulyapan ko si Sir Killian nang bahagya siyang gumalaw. Nakabukas na ang mga mata at ngayo'y kasing-talim ang tinging ibinalik sa akin. Hindi ko na maiwasan ang pagtaas ng isang kilay nang walang habas ulit siyang nangahas na lumapit. I raised my palm again and shook my head, denying proximity. Sinunod niya naman ako.

He stood stiffly in front of me again. Nakakuyom ang mga kamao, his handkerchief looked crushed and beaten inside his fist. Void of any emotion, I lifted my eyes to look at his face. The way that he looked hurt and frustrated reverberated on how he avoided my gaze. Marahas niyang pinasadahan ng mga daliri ang kanyang buhok.

Sa pagitan naming dalawa, ako nga talaga ang mas magaling magtago ng emosyon. Walang nagsasalita sa amin. We let the short warm breeze whisk quietly between us. Pero ang tensyong nararamdaman ko kahit sa pagtayo niya ay masyadong makapal para hindi punahin.

"Bakit..." huminga ako ng malalim. "Bakit ikaw ang mukhang mas galit sa ating dalawa, when I am the casualty in this situation?"

Pareho kaming seryoso na naka dungaw sa isa't isa. Malakas pa rin ang kalabog ng aking dibdib, pero mas huminahon na ako ngayon nang makitang... hinahayaan niya lang ako sa mga sinasabi. At mukhang wala rin siyang balak na... patulan ang mga suliranin ko.

"I won't ask for an explanation," patuloy ko. "Pero, susumbatan kita. And, honestly, I am just blaming you for all of it just so I won't bleed alone. Gustuhin ko man na sisihin ka sa lahat..." napalunok ako. "But I know it takes two to tango. I've been blindsided, but that doesn't mean I am entirely innocent. Hindi ko..." sinulyapan ko ang bahagyang pag-galaw niya. "Hindi ko dapat na tuluyang pinagkatiwalaan ang lahat ng kompyansang ipinangako mo sa akin. I should've done my research beforehand—"

"Stop," he barely growled beneath his breath when he took another step forward. Tinitigan ko lang siya. Hindi ko na pinigilan.

"I won't also ask for any compensation," I said pointedly. "You've been... so good to me..."

I raised my eyes to his again when his chuckle sounded a bit bitter. Umiwas siya ng tingin. Ngunit hindi pa rin nakatakas sa akin ang bahid ng pagka bigo sa muling paglandas ng kanyang isang kamay sa makapal na buhok.

I scrunched my nose when I saw how he easily combed his slicked back, while I already looked stupid in my loose twist. But that minute distraction was short-lived when he went back to glaring at me again. 

"Kaya... sa tingin ko ay..." I cleared my throat. "S-Sapat na iyon... basta ba't... tapos na tayo..."

Wala na akong pakealam kung nauutal na ako. Masyado na akong namangha nang tuloy-tuloy na ang ginawa niyang paglapit sa akin. Hindi na ako gumalaw. Hindi na rin ako nagsalita. My hands stayed clammed on my lap as he nonchalantly raised his arm to offer his handkerchief again.

"Wipe your sweat," he said coldly. Palipat-lipat na ang tingin ko sa iritadong ekspresyon niya at sa kanyang panyo. He growled again. "Take it, or I'll grab your hand."

Hindi ko na siya pinatapos. Kinuha ko na ang panyo. At sa pagtanggap ko noon ay tila napapaso naman siyang lumayo sa akin.  

"Wipe your sweat," utos niya ulit. Naiinis ko na siyang tiningnan ngayon, pero dahil nagsisimula na ngang maging malagkit ang nararamdaman ay ginawa ko na nga. 

Behind Curtains (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon