Kabanata 53

88 4 0
                                    


Kabanata 53

Park



"Oh my God!" tili nang tili si Christie habang halos ibuhos na sa buong koi pond ang biniling fish food. 

Tawang-tawa ako habang sinasabayan siyang sabuyan ang mga nagpapatung-patong na mga Koi, mga naguunahan sa paghagip ng mga pinapakain naming feed. Sa namuong dagsaan, ay kulang nalang tuluyan na silang lumundag at kumawala mula sa inookupang pond. I looked around and saw the horrified faces of the children who did the same thing as us. 

I don't know how we ended up going to the Croc park for lunch. Lutang ako buong oras na sabay kaming nag-breakfast sa hotel. Tanghali na kami natapos kaya sa pag-checkout ko ay nagtagumpay na nga si Christie sa pag-goyo sa aking sumabay sa van niya. And, like it was natural for him, Sir Killian shared a ride with us, too.

Sumama na rin siya sa amin dito.


 "My God! Nakakatakot naman kayo! I won't eat your food! O, ayan! Inyo na! Inyo na!" Christie continued, shrilling. "Bibili pa ako!"

I laughed when she really did, and handed me another bag.

"Ang lansa!" reklamo niyang natatawa. "At sobrang dami nila! Lahat kaya nakakakain? Mukhang marami pa naman ang mga matatakaw sa kanila't ayaw ng may kahati..."

Tahimik ko lang din na pinagmasdan ang mga isda at napaisip.

"They can eat whatever's on the pond," biglang singit ni Sir Killian sa amin. He leaned towards an emerging fish. Sabay kami ni Christie na napatingin sa kanya. "If not the fish flakes, they'd eat the algae... or whatever organism that's edible..."


"Like a janitor fish?" I asked.


"I'm not sure..." he smiled. "But in a sense, they're both hunters, so...maybe?"

My lips twisted. Napatingin akong muli sa pond nang may biglang tinuro si Christie.

"That one's so fluffy! But not as gigantic as the ones I saw in Tokyo. Koi, I think, thrive in clean water, right?" she suddenly looked smug. "I even heard that, before, some are raised in Japan in the best conditions so they can gift the most beautiful ones to their Empress or something..."

She smirked at Sir Killian's way. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Sir Killian matapos 'yon. Suddenly, both of them had their arms crossed at biglang nagtagisan ng talino tungkol sa walang kamuwang-muwang na mga isda. Nagpapalit-palit ako ng tingin sa gitna nilang dalawa.

Tumikhim ako at kinalikot ang utak ng pwedeng maiambag.


"Uh..." I stared at  the fish that have now swam towards the shrieking kids. "Hindi pa kami nagkaka-Koi pond, e. Hanggang gold fish lang at kung-anu-anong maliliit na pwede sa aquarium. Bata pa ako noon, pero sa natatandaan ko, may panahong, sunod-sunod ang pagkamatay ng mga 'yon. Ta's noong nawala na 'yong naglilinis ng aquarium namin, nawalan na rin ng gana at oras ang mga magulang ko sa pag-maintain noon. Kalaunan, tinigil na rin namin ang pangongolekta. I don't remember if we sold our aquarium after that, or nabasag na... kaya..."

I chuckled to myself and tried so hard to remember anything about that specific part of my childhood.

"Wala akong alam. But I think I heard Koi bring some sort of fortune... I'm not too sure..." I looked at Sir Killian. "Pero wala kayong Koi sa bahay niyo, so it must... not be true."

Behind Curtains (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon