Kabanata 35
Husband
Ang mga panahong siguradong-sigurado ako sa magiging resulta ng kahit na ano ay tila napakalayong buhay ng nakaraan na para sa akin. My certainty and credibility have long been tainted by my progressing insecurity and faltering self-esteem, that's why being given these little moments to live this life made me settle with half-assing everything just to bear the hours. Just to get by.
Para lang wala masyadong maramdaman sa bagong buhay na pilit pinapanagutan, natuto akong huwag na masyadong makealam at hindi na tuluyan maging interesado sa kahit na ano. Whenever I feel a little fire inside me start to spark again for any interest, mabilis ko itong tinutupok. I was good at that. I was built to repress, even if I will always be curious.
But tonight will be different. Tonight, I will let myself be. Pagod na pagod ako, bugbog hindi lang ang buong katawan pero pati na rin ang utak. And I probably couldn't think straight because of all the bleach fumes I have inhaled. Pero para sa kapatagan ng damdamin, I will let myself be curious for this.
My almost-total ignorance and forced indifference to everything have made me so tensed, that I feel like I should at least seek for some answers to appease my haywired emotions.
"Huy!!!" mahina kong ginulat at tinulak si Mae. Kahit na hindi naman iyon sobra ay eksaherada pa rin ang ginawa niyang pag-igik kaya hindi namin mapigilang mapahagikhik.
"Kainis talaga kayo!" She hissed at us. "Buti nalang umihi na ako kanina!"
And as expected, ngiwi agad ang nakuha niya mula kay Lea. "Yuck! Kadiri! Salaula!"
"Ano?! Anong kadiri doon? Sa banyo naman ako umihi!"
"So, salaula ka nga?" Lea teased. I saw Mae growing scarlet.
"Hindi ko iyan sinabi!"
"Pero hindi mo itinanggi!"
"Nakalimutan ko lang!" Mae hissed back, mukhang manggagalaiti na sa galit pero hindi maseryoso ni Lea dahil pulampula na ang buong mukha. Halatang nahihiya. Na mas ikinagalak lang ng huli.
Lea was now playfully pointing her fingers at Mae.
"Weh, Mae?! Paanong nakalimutan? Hindi mo lang matanggi kasi totoo! Uyyy! Paanong salaula 'yan, Mae? Uyyy!" sinundot-sundot na niya si Mae hanggang sa nagsumbatan na silang dalawa. Bumabawi ata si Lea dahil panay siya iyong nilalaglag nila ni Ana kay Mayordoma.
Naiiling ko lang sila na tinitingnan habang humihila ng upuan at tumabi na sa kanilang tatlo. All four of us were sitting behind the nearest row of low-growing hedges. Hindi kami abot ng mga sobra-sobrang pa-ilaw ng main party, which was fine dahil nandoon naman kami para magmasid at malula.
Akala ko ay nagboluntaryo silang tatlo na tumulong sa buffet, mali pala ako. Everyone was just having dinner at the garden. Kasali pala kami sa pa-kain, hindi lang ako nasabihan dahil hindi naman inanunsyo. Sanay na silang lahat na ganoon kaagad ang ginagawa simula noong sa mansyon na namamalagi si Madam Linda, while I was the only one who always skipped at kay Sir Killian naman ako umuuwi.
Kaya nagkagulatan nalang kaming tatlo nang nagsalubong kami sa pathway. Sila, nagulat dahil ngayon pa raw ako bumaba habang ako ay napatalon dahil medyo guilty at iba naman ang pakay ko talaga. Naka-pajama na nga ako, habang silang lahat ay naka-uniporme pa.
Mahihiya na nga sana ako, pero nang dahil sa gutom ay nawalan na ng pakealam. Muntik pa akong maluha sa bawat pagsubo, dahil masyadong masarap lahat ng handa!
BINABASA MO ANG
Behind Curtains (ONGOING)
General FictionLayla Lagdaméo was her parents' biggest investment, and their biggest flaw. Panganay, matalino and belonged to a working middle class family, Lala was well-informed of her parents' daily sacrifices just to prioritize her comfort. Ngunit, anong ginaw...