Thylie's POV
After a week, Saturday ngayon at nag-grocery kami ni Shaun bago pa maubos ang mga gamit sa bahay. I bit my nail habang tinigtignan ang naging resibo namin sa pag-go-grocery. Bukod sa mga kailangan namin mismo sa bahay, kung ano-ano kasing kinukuha ni Shaun na mga snacks, saka mga madaling i-fry na pagkain dahil iyon ang hilig ng mga kapatid ko. Hindi kasi sila kumakain ng marami kapag ulam pang matanda ang niluluto namin ni Shaun. Dahil sa bahay sila nagdi-dinner kaya hiniwalay ni Shaun ng bili yung mga gusto nilang ulam. Ang dami niya ring binili na almond milk saka carton na juice drinks dahil hilig namin yun ng mga kapatid ko. Binili niya rin ng mga gatas, saka diaper si Lavine. At mga vitamins sa dalawang bata. Sabi ko kasi sa kanya huwag na. Akala ko kasi sa card na binigay niya sa akin ikakaltas pero card niya yung ginamit niya.
Lalo akong nalula nang makita ang electric at water bill namin. Dahil siguro sa aircon, TV, at cctv sa labas ng bahay, at sa likod bahay. Minsan din ay nagsi-swimming pool yung mga bata. Hindi naman sobrang taas pero papantay na siguro sa bill sa dati naming bahay, partida family of eight kami doon pero dito dalawa lang kami ni Shaun.
"Nabayaran ko na yan Hon." Sambit ni Shaun mula sa likod ko. He was at my right side kaya nilingon ko siya.
Nabayaran niya na? Eh para saan yung card na binigay niya sa akin?
"Parang ang gastos natin? Sorry—" sambit ko.
"Hindi ah. Halos ganyan lang din ang bill ko dati kasi madalas ako may bisita rito sa bahay. Yung mga kaibigan ko madalas nakikitulog dito. Hindi lang ngayon kasi may asawa na ako. Saka yun nga lang mga kapatid mo na ang bisita natin." Nakangiting sambit niya.
"Sabi ko kasi sayo wag mo na ibili ng juice sina Lavine—"sambit ko pa sa kanya.
"Bakit naman Hon? Healthy naman yun di naman yun yung powder. Saka nakakatuwa tignan yung mga kapatid mo nananaba." Tawang sambit niya.
"Mga primary needs lang naman binili natin." Sambit niya pa habang nakayakap sa akin.
"Ang mahal kasi." Sambit ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya sa akin. "Pasok naman sa budget Hon." Sambit niya sa akin. Dinala niya ako sa sofa para umupo. Para daw mapayapa ako nag-compute siya ng budget namin sa bahay.
Bale yung card pala na binigay niya sa akin ay para sa akin lang. At may separate siya na savings para sa expenses sa bahay.
"Okay na ba Hon?" nakangiting tanong niya sa akin.
"Pero kasi di mo naman kailangan gastusan sina Lavine." Nahihiyang sambit ko. Imbis kasi na i-save niya na lang saka di niya naman kami responsibility.
"Okay lang yun Hon. Ganon talaga ang may bata sa bahay sabi nga ni Mom." Paliwanag niya sa akin. "Aanhin ko naman ang sweldo ko kung di ko gagastusin sa mga bagay na nagpapasaya sa akin. Worth it naman ang gastos Hon." Nakangiting sambit niya pa.
Hindi ako nakasagot sa kanya.
"Puro primary needs lang naman ginagastusan natin Hon. Hindi ka nga nagpapabili sa akin ng mga gamit eh. Siguro kung magpapabili ka sakin ng ten thousand na branded na bag every week baka magalit ako. Pero kahit nga isa di ka nagsasabi Hon. Pag bibilhan kita kahit kailangan mo talaga gusto mo pa na isauli ko. Hon ayos lang yun okay? Bilhin niyo lahat ng kailangan niyo. Saka di naman nakakahinayang kasi lahat naman ng binili natin ngayon mauubos wala naman nasasayang." Paliwanag niya pa.
I felt my heart feel heavy. Growing up na nasasabihan kung gaano kagastos ang pagpapalaki sa akin, at sa mga kapatid ko. Although hindi naman sinusumbat sa amin pero dahil alam ko na nahihirapan sila mama at papa sa gastos I struggled so hard para tipirin lahat ng bagay.
BINABASA MO ANG
Suicide Fairy
RomanceThylie gives up at 21 but her fairy had other plans for her, an arranged marriage that will change her life and heal her heart. A story of how Thylie falls for the perfect man for her.