Thylie's POV
Dinala ako ng guard pababa sa bridal car.
"Thylie!" tawag ni mama na nasa tapat ng bridal car. Pinagsabihan niya ako kung bakit daw pawis at haggard na ang hitsura ko. Agad niyang pinalapit ang nagmemake-up para ayusan uli ako. At hinagod hagod niya ang gown na suot ko para mawala ang gusot.
"Nasa simbahan na ang lahat at hinihintay kayo kanina pa." sambit ni mama nang nakangiti.
Hindi kailan man bumaba ang ngiti niya ngayon. Kumpara sa nakaraang mga araw o sa kahit anong alaala ko.
Ang ganda niya sa suot niyang gown. "Huwag mo akong titigan nahihiya ako. Ikaw naman kasi anak bakit ganito ang pinasuot mo sa akin." Nahihiya pero nakangiting sambit ni mama.
Tama siya kung pipili ako ng bistida ganyan ang ipasusuot ko sa kanya, Pero mahiyain si mama. Lalo na at tumaba siya dahil sa mga panganganak niya. At naging insecurity niya na iyon dahil payat siya dati.
Gaya ko. Napatingin ako sa malaking salamin na display sa hotel.
Hindi ko kinocomplement ang sarili ko. Pero ang ganda ko ngayon. Payat ako at hindi malaki ang dibdib ko pero tingin ko bagay sa akin ang suot ko. At ang ganda ng pagkaka-make up sa akin. Hindi kasi ako nagme-make up dahil hindi ako marunong. Gusto ko matuto kaso namamahalan ako sa mga gamit.
"Ang ganda-ganda mo talaga ngayon." Puri uli ni mama.
Parang gusto ko maiyak sa sinabi niya. Tama siya tingin ko rin ngayon ang pinakamagandang ako. Pero naiiyak ako dahil hindi iyon madalas sabihin sa akin ni mama.
Actually hindi ko pa siya naririnig na sabihin na maganda ako. Siguro dahil mababa ang self-confidence niya kaya ganun.
"Ang ganda niyo rin ma." I softly said. Ang malapad na ngiti niya ay napalitan ng mas malambot na ngiti ngayon. Naalala ko noong bata ako madalas ko siyang sabihan na maganda siya at kamukha siya ng paborito kong artista. I felt choked up, it was the first time na sinabihan namin ang isa't-isa na maganda. I used to always hear from lola na hindi ako maganda. And I just accepted it kasi kahit si mama hindi naman ako sinasabihan ng ganoon. We usually joke na pareho kaming hindi maganda just average looking.
Nang maayusan na uli ako pinasakay ako mag-isa sa bridal car. Kabado ako dahil mag-isa lang ako.
Ngayon ko lang napansin na ang mga suot ng mga guest ay ang gusto kong kulay. Noong bata ako hindi ko alam ang sagot sa 'Anong paboritong kulay mo' na sikat sa mga slambook. Kaya tinanong ko si mama anong paborito niya sabi niya noon purple, kaya naman sabi ko violet na lang ang akin.
Ang suot kong gown ang pangarap ko talagang gown. Bata pa lang ako mahilig na ako sa mga gown. Tinatahian ako ng lola ko dati at sinusuot ko tuwing magsisimba kami, o di kaya kapag graduation sa school. Pangarap ko talaga magsuot ng malaking gown na gaya sa mga sinusuot ng mga prinsesa. Yung malolobong gown gaya ng sa 'Beauty and the Beast'.
Other people can sue me but I grew up watching Disney.
Ang veil at crown na suot ko ay ang gusto ko talagang suotin. Bata pa lang ako tuwang-tuwa ako kapag may mga palabas na ang veil ay yung mahahaba na gumagawa ng trail sa aisle. At ang crown naman gusto ko princess crown kasi nga tuwang tuwa ako sa mga prinsesa dati. Kaya pag nagdo-drawing ako malolobong gown na may crown at mahabang veil ang laman. Suot ko ang veil pero hindi ko tinabing sa mukha ko dahil gusto ko nga na mahaba ito at sumasayad sa sahig.
Ang bouquet na hawak ko ay ang mga paboritong kong mga bulaklak. Bata pa lang ako tuwang tuwa na ako sa mga tulips. Gustong-gusto ko yung mga pink at white at tapos may maliliit na bulaklak sa gilid gaya ng baby's breath.
BINABASA MO ANG
Suicide Fairy
RomanceThylie gives up at 21 but her fairy had other plans for her, an arranged marriage that will change her life and heal her heart. A story of how Thylie falls for the perfect man for her.