7: Fear of Creating a Family

3 0 0
                                    


Thylie's POV


Agad na bumalik sa tabi ko si Shaun.

"Mom. Ga-graduate pa lang si Thylie. Baka ayaw niyang malaki ang tiyan niya sa graduation photos. At mahirap nga naman pumasok kung buntis siya. Lalo na at thesis ang kailangan nilang gawin sa fourth year. Saka baka hindi pa siya ready." paliwanag ni Shaun sa mama niya.

Napalunok ako at napahawak sa dulo ng coat ni Shaun. Sorry na lang kung magusot pero grabe yung kaba ko. Pakiramdam ko ay hina-hot seat nila ako.

Hinawakan ni Shaun ang namamawis kong palad sa sobrang kaba sa mga tanong. Basa ang kamay ko pero confident naman akong hindi mabaho ang amoy.

"Hayaan niyo muna kaming sulitin yung oras na bagong kasal pa kami." sambit niya sa kanila.

I pressed my lips habang nakatingin sa mga make up sa ibabaw ng table ng vanity mirror.

"Pero anak importante ang intimacy at sex sa mga mag-asawa." Sambit ng mama ni Shaun.

"Tingin ko po mas maigi na iwan niyo na po sa amin yun." nakangiting sambit ni Shaun.

Sumang-ayon naman ang papa ni Shaun.

Nakahinga ako ng maluwag nang tigilan na nila ang ganoong usapan.

I stared at Shaun's reflection sa salamin habang kinakausap niya ang parents niya at parents ko na mauna na sa reception at bababa na lang kami pagtapos na yung pag-aayos namin.

I let out a big sigh in relief. Para akong aatakihin sa puso kanina.

Nang matapos ako ayusan bumaba na kami sa tila ba outdoor garden ng hotel sa ground floor. Doon nakaset-up ang mga lamesa at nakaupo na rin ang mga bisita.

Kinabahan na naman ako nang marealize ko mayroon pala akong mga kakilala rito. Humigpit ang kapit ko sa braso ni Shaun.

I pressed my lips dahil kinabahan ako.

"Don't press you lips." Dinig kong sambit ni Shaun.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga nakakakilala sa akin dito. Mas nakakakaba pa iyon kaysa sa makilala ang mga bisita ni Shaun.

Pinakilala kami ng host tapos ay naglakad kami paupo sa mahabang lamesa na nasa pinakaunahan. Nabawasan ng kaunti ang kaba ko nang maisip na buong program nandito lang kami. Pakiramdam ko ang bagal ng program siguro dahil hindi talaga ako mahilig sa mga party. I felt nervous sa tingin ng mga tao. I looked at Shaun na nakatawa buong gabi. Buti pa siya mukhang nag-eenjoy.

At dumating na nga ang oras na kinakatakutan ko. Tapos na ang program at oras na para makipagsocialize sa bawat lamesa.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Shaun sa akin habang naglalakad papunta sa isang table.

Usually kapag ganitong may event at maraming tao nakadikit ako sa mga kaibigan ko o di kaya kayna mama. O di kaya ay nagce-cellphone sa isang tabi. Pero ngayon hindi ko magawa kahit isa sa mga yun. Kaya mahigpit ang kapit ko sa kamay ni Shaun habang nakasunod sa kanya.

Hindi ko naman akalain na napakadaldal at friendly niya palang tao.

Gusto ko na umuwi huhu.

Wala akong ginawa kundi ngumiti at tumango sa mga taong pinapakilala sa akin ni Shaun.

"Thylie!" dinig kong tawag ni Maria.

Oh no!

"Mga kaibigan mo." sambit ni Shaun at kumaway sa kanila bago ko pa siya mapigilan.

Suicide FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon