16: Fear Of Having Relatives Over Together In One Place

2 0 0
                                    

Thylie's POV


I kept moving my leg sa loob ng kotse habang papunta kami. Kagabi pa ako nag-iisip ng pwede kong sabihin kung sakaling kausapin nila ako. Kinakabahan ako. Sana walang mag-away habang kumakain kasi ang awkward talaga ng ganun tapos damay-damay. Dapat siguro pinilit ko sina mama na pasamahin mga kapatid ko para hindi ko na kailangan kumausap sa mga tao sa bahay nila Shaun. Magpapakabusy ako bantayan mga kapatid ko ganun para pag may tanong sila na ayaw kong sagutin o kaya may nag-away may excuse ako umalis. Sabi kasi ni mama wag na kasi mangugulo lang sila saka hindi naman kids party.

Napalingon ako kay Shaun nang hawakan niya yung kamay ko. "Malapit na tayo." nakangiting sabi niya. "Okay ka lang ba?" tanong niya sakin.

"Gusto mo na lang ba umuwi? Mamaya na lang tayo pumunta?" tanong niya pa sakin.

"Hindi. Hindi okay lang ako." sagot ko at nagpilit ng ngiti.

Maaga kami kasi nagtext yung mom niya na kung pwede raw ba 5 kami pumunta kahit 7:30 pa ang dinner. Hindi naman ako makatanggi kasi baka magalit o magtampo siya.

Lalo akong kinabahan nang makababa ako sa kotse. Nakahawi yung kurtina sa sala ng bahay nila kaya kitang-kita ko na nandoon na sila. Nag-uusap usap sila sa loob. Hindi ko na naiwasan na mapahawak sa dibdib ko kasi ang lakas talaga ng kabog ng puso ko. Shaun stood in front of me. Hinawakan niya yung kamay ko na nakahawak sa dibdib ko habang nasa tapat pa rin iyon ng dibdib ko.

"Wag ka kabahan." kalmadong sambit niya. I guess he felt my heart thumping. "Mabait naman sila. Saka pag gusto mo na umuwi sabihin mo lang, uwi na tayo. Hawakan mo yung kaliwang tainga mo, tapos uuwi na tayo. Okay?" sambit niya sakin.

"Okay." sagot ko sa kanya. Pero malakas pa rin yung tibok ng puso ko.

Ang kamay ni Shaun ay nakahawak pa rin sa kamay ko na nakahawak sa dibdib ko. Ang kabilang kamay naman ni Shaun ay nilagay niya sa baywang ko tapos ay lumapit siya sa akin para halikan ako.

"Kalma ka lang Hon kasama mo naman ako." sambit niya nang humiwalay siya sakin.

Huminga muna ako nang malalim. "Okay." sagot ko sa kanya.

Mas kumalma naman na ako kaysa kanina. Binatawan na ni Shaun yung kamay ko. Pumunta siya sa likod ng kotse para kunin yung regalo sa dad niya.

"Pasok na tayo?" tanong niya sakin. Tumango lang ako sa kanya at nauna na maglakad. Shaun wore a navy blue buttoned up shirt and black trousers.

Si Shaun ang nag-doorbell. Huminga muna uli ako habang hinihintay ang pagbukas ng pinto. Shaun's dad opened the door.

"Anak!" excited na sambit ng mom ni Shaun nang magbukas ang pinto. Mula sa sala nagmamadaling naglakad ang mom ni Shaun papunta sa pinto.

"Happy Birthday po." nakangiting bati ko sa dad ni Shaun.

"Salamat Thylie anak." Lumapit siya sa akin para yumakap kaya awkward din ako na yumakap pabalik.

Nang bumitaw sa yakap ng dad ni Shaun nagulat ako nang bigla akong yakapin ng mom ni Shaun. "I'm so excited you're here anak!" sambit ng mom ni Shaun.

Nagulat naman ako kaya hindi ako nakasagot. Dahan-dahan kong nilagay ang kamay ko sa likod ng mom ni Shaun.

"Ang aga mo. Nakakatuwa. Akala ko di ka pupunta nang maaga." masayang sambit ng mom ni Shaun. Hinawakan niya ang likod ko at pinapasok ako sa loob ng bahay.

"Hello din mom." sambit ni Shaun sa likod namin.

"Oh!" gulat na sambit ng mom ni Shaun. "Asawa mo lang pala makakapagpapunta sayo dito. At maaga pa!" gulat na sambit niya pa.

Suicide FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon