Thylie's POV
Nang matapos si Shaun sabay naming binuksan yung mga regalo. Umupo kami sa sofa habang nagbubukas ng regalo. May mga useful gaya ng appliance, beddings, matching na pajama, at meron din namang prank gift mukhang galing sa mga kaibigan niya. Tawang-tawa naman si Shaun habang hawak ang isang kahon ng condom, at lingerie.
"Wait lang!" Umalis siya at pagbalik niya may hawak siyang regalo.
"Wedding gift ko sayo."sambit niya habang inaabot sa akin ang dalawang kahon na nakabalot.
Gulat ko siyang tinignan.
"Wala akong regalo sayo." Mahinang sambit ko.
"Hindi naman ako nanghihingi Hon. Gusto ko lang ibigay yung regalo ko sayo." Nakangiting sambit niya.
Binuksan ko iyon at nakitang laptop at phone ang laman. "Sabi ni mama yan daw gusto mo kasi kailangan mo na palitan yung gamit mo." Sambit niya sa akin.
Tinitigan ko lang ang regalo dahil hindi ko alam ang ire-react ko.
"Bakit?" tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Hindi ko alam paano mag-thank you. Ang mahal nito." Nahihiyang sambit ko sa kanya.
"Kiss." Nakangusong sambit niya.
I leaned to him. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya. Nagulat ata siya kasi hindi siya nagreact. Nang humiwalay ako lumapit siya uli para halikan ako. Hinawakan ko yung braso niya at sumagot sa halik niya.
Humiwalay ako at niyakap ko siya. "Thank you." Sinsero kong sambit.
Niyakap niya ako nang mahigpit pabalik. "You're welcome Hon." Sambit niya.
"Gusto mo ba ng sampung cellphone? Okay na ako sa sampung halik." Biro niya kaya humiwalay ako sa yakap at hinampas ang braso niya. Tinawanan niya lang ako. Hindi ako mahilig manghampas pero deserve niya mahampas sa mga biro niya.
"Teka tinanong mo mama mo? Kung anong kailangan ko?" tanong ko sa kanya. Sabi niya kasi mama.
"Hindi. Syempre mama mo tinanong ko. Hindi ba mama ko na rin siya?" tanong niya sa akin.
"Oo nga pala." Mahinang sambit ko.
"Ba't mo ba kinakalimutan na asawa mo ko?" nakangiti pero tila nagtatampong sambit niya.
"Sorry na." mahinang sambit ko. Napakamot ako sa ulo ko dahil hindi ako marunong manuyo.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Yung laptop na lang. Balik mo na lang yung phone." Sambit ko sa kanya.
"Bakit? Hindi ako galit. Joke lang ito naman." Nakangiting sambit niya.
"Hindi kasi ang mahal." Pagrarason ko sa kanya.
"Hindi naman kita sinisingil Hon." Sinserong sambit niya.
Hindi ko alam nagu-guilty kasi ako na ang mahal ng binili niya kahit na kailangan ko ng bagong laptop at phone..
"Gumagana pa naman yung phone ko." Sambit ko sa kanya.
"Edi dalawa gamitin mo." Sambit niya sa akin.
"Edi ang mahal ng kuryente natin nun." Sambit ko.
"Hon." Tawag niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Hindi naman kita pinagbabayad. It's fine gamitin mo na regalo ko yan sayo. Saka wag mo isipin yung kuryente. I will provide okay?" paliwanag niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Suicide Fairy
RomantikThylie gives up at 21 but her fairy had other plans for her, an arranged marriage that will change her life and heal her heart. A story of how Thylie falls for the perfect man for her.